AA 12 ~ The Tragedy

7.4K 182 27
                                    

Yuri's POV

Abala akong inaayos ang sarili ko habang naghihintay sa akin sa sala si Kurt. Makikisabay daw kasi sya sa amin ni Gelo dahil coding sya ngayon.

May lakad ang tropa kasama si Gelo, birthday ng dati naming classmate na si King kung naaalala nyo pa.

Parang tinatamad na nga akong pumunta dahil maulan. Pero sabi ni Gelo nakakahiya naman daw kung hindi ako pupunta. Syempre sumang ayon na lang ako.

Ng matapos makapag ayos ay bumaba na ako sa sala, nandun na din pala si Gelo,kausap sila ni Papa samantalang si Mama naman ay nasa kusina daw.

"Anak malakas ang ulan,tutuloy pa ba kayo?" nag aalalang sabi ni Papa.

"Oo naman Pa,nakakahiya naman kung hindi kami pupunta" sagot ko saka binaling ang paningin sa dalawang gwapong titig na titig sa akin.

"Tara na?" akay ni Gelo sakin.

"Yup" sagot ko "Kurt nasan ba sila?" dagdag ko pang sabi.

"Nauna na daw sila dun,mga excited eh" sagot ni Kurt.

"Tita,tito alis na po kami" paalam nina Gelo at Kurt. Im glad na naibalik nila yung dati nilang turingan sa isa't isa.

"Ma,Pa alis na kami" at lumabas na kami. Patakbo pa nga kaming sumakay sa kotse ni Gelo. Ako sa passengers seat at sa likod si Kurt.

Agad na kaming umalis, I dont know pero bigla ako kinabahan at natahimik. Habang nagmamaneho kinuha ni Gelo ang kaliwang kamay ko at hinalikan.

"Mahal na mahal kita Mhy,lagi mong tatandaan yan" sabi nya. Ngiti lang ang isinagot ko at nilingon si Kurt sa likod. Nakapikit na ang gago,natutulog siguro.

Mga 30mins na din kami bumibiyahe. Pinaalala ko kay Gelo na hwag mabilis dahil basa ang daan. Masunurin naman sya.

Sakto paliko kami sa isang intersection ng makarinig ako ng malakas na ingay ng makina ng sasakyan palapit sa amin. Nasilaw ako sa sobrang liwanag.

Nakita ko pang sinusubukang iiwas ni Gelo ang kotse ngunit kasunod nun ang malakas na tunog at nagdilim na ang paningin ko.

Kurt's POV

"Argh!" damn! Ang sakit ng ulo ko, anong nangyari?

Napatingin ako sa paligid at nagtayuan ang balahibo ko sa nakita, bumangga kami! Si Gelo nakasubsob sa manibela at duguan, si Yuri ganon din. Kahit masakit ang katawan ko,pinilit ko kumilos at makalabas ng sasakyan.

Paglabas ko nakita ko sa kabilang gawi ang isang truck na bumangga din. Madami na din ang tao, may mga lumapit sa akin.

Kahit masakit ang ulo ko at maramdamang may tumutulong mainit sa mukha ko, binuksan ko ang passengers seat.

"K-ku-kurt... I-i-lig-ta-tas m-mo s-si Yu-yuri" nadinig kong sabi ni Gelo kaya lalo akong nataranta. Maingat naming inilibas ng mga tumulong sa akin si Yuri at inilayo sa kotse.

Ng masiguro kong naihiga sya ng maayos at inasikaso ng mga tao ay dali dali akong pumunta sa kotse para si Gelo naman ang tulungan.

Isang malakas na pagsabog ang ang gumulat sa aming lahat na naroon. Nanindig ang mga balahibo ko at nangatog ang tuhod ko.

Ang kotse ni Gelo sumabog at nasa loob pa sya!

"NOOOO!!! GELO!!!" sigaw ko at agad tumakbo papunta sa umaapoy na kotse, hindi pa ako nakakalapit ng may mga pumigil sa akin.

Mga pulis. Nagsidatingan na pala sila.

"Sir delikado ho,lumiliyab na ang sasakyan" sabi ng isang pulis.

Nagpupumiglas na ako,hindi pwedeng mawala ang kaibigan ko,hinding pwedeng mawala ang minamahal ng taong mahal ko.Hindi pwede! Nagwala na talaga ako at nagsisigaw.

"NO!! HINDI PWEDE! ANG KAIBIGAN KO NASA LOOB! KAILANGAN NYA NG TULONG!"

"sir panigurado sunog na din sya sa lakas ng pagsabog at ng apoy"

"HINDI! HINDI! TUTULUNGAN KO SYA! ANO BA BITAWAN NYO AKO! KAILANGAN SYA NG KAIBIGAN KO! HINDI SYA PWEDENG MAMATAY!!!"

yan ang paulit ulit kong sinisigaw. Kahit nawawalan na ako ng boses. Peste kasing mga Pulis to at pinigilan pa ako.

Paano na si Yuri? Magiging miserable na naman sya? Baka hindi na nya kayanin at maging sanhi pa yon ng kamatayan nya?

Naramdaman ko na lang na nanghina na talaga ang mga tuhod ko,kasunod nun ang pagdilim ng aking paningin.

-----

"YURI!" Napabalikwas ako ng bangon pero napahiga ulit dahil sa biglang pagsakit ng ulo ko. Pagkapa ko may benda sa ulo ko. May nakatusok din na dextrose sa aking kamay.

Nasa ospital ako?

Bigla ko naalala si Yuri at Gelo. Baka nandito din sila sa ospital. Patayo na sana ako ng bumukas ang pinto at pumasok ang tropa kasama sina Mom and Dad.

"Anak,magpahinga ka na muna,makakasama sayo ang maya't mayang pagkilos" sabi ni Mom.

"Maraming nawala sayong dugo kaya magpahinga ka anak" segunda ni Dad.

"Si Yuri? Nasan sya? Ligtas sya diba? Pati si Gelo? Nasan sila?" hindi ko mapigilan itanong. Nagpalitan lamang sila ng tingin at hindi ako sinagot.

"ANO?! BAKIT HINDI KAYO MAKASAGOT?" sigaw ko ng ganyan. Naiinis na ako at kinakabahan sa mga pinapakita nilang reaksyon, ang mga lalaki tumungo at nag iyakan ang mga babae kaya naman mas kinabahan na ako.

Lumapit sa akin at umupo sa higaan si Sugar habang umiiyak.

"Kurt, ayos na si Yuri,nasa kabilang silid sya at binabantayan nina Tito at Tito at ni Odi" umiiyak nyang sabi.

"Odi? Bakit nandun yon? Kung okay na sya bakit ganyan kayo maka react?!" nanginginig kong sabi. Parang pumapasok na sa isip ko kung ano talaga ang nangyari.

"Si Gelo" sabi ko pa.

"Wala na sya,kasama sya sa pagsabog ng kotse,halos ma abo na ang kotse ng ma agapan ang apoy nito" sagot ni Sugar.

Doon na ako tuluyang nanlambot. Totoo pala ang lahat ng nangyari. At wala ako nagawa para tulungan si Gelo. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari!

"Hindi,hindi pwede! Pano na si Yuri? Malulungkot na naman sya,magiging miserable na naman sya! Kasalanan ko to! Hindi ko natulungan si Gelo! Hindi ko natulungan ang kaibigan ko! Nahuli ako sa paglapit sa kotse! Kung hindi sana ako mahina ng oras na yon nailigtas ko din sya! Kasalanan ko to eh!" hysterical ko ng sabi. Nagwala na ako. Niyakap na ako ni Mom.

Maya maya may pumasok ng Nurse at may tinurok sa akin kaya muli akong nakaramdam ng pagod at antok.

AN ~ Yan po muna :) wait for the next Update,comment po kayo if want nyo po,vote na din kung gusto nyo din :) Thanks po ^_^

AFTER ALL [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon