Yuri's POV
Ng makarating kami sa bahay ng kumupkop kay Gelo ay natigilan kami. Tama nga si Gelo na hindi marangya ang mga ito.
Sunod sunod kaming lumabas sa Van,nauna na si Gelo,akala mo may kukuyugin kami eh. Sino ba namang hindi magtataka eh ang dami namin.
Kumatok na si Gelo,maya maya ay nagbukas na ang pinto. Isang binatilyo ang nagbukas. Or should I say dalagita. Halata kasi sa kilos at ang mukha nya pambabae,maganda,singkit at maputi hindi halatang sa ganitong bahay naninirahan. At ang buhok nya parang kulay Silver na may pagka Grey white.
Talaga bang uso na ngayon ang mga kakaibang kulay ng buhok? Napatingin tuloy ako kay Kousagi. I wonder how she managed to maintain her hair pink after all these years?
"Kuya! Ginabi ka ata?" salubong na bati nito.
"Nakita kasi ako ng mga kaibigan ko at saka magpapaalam na din ako" sagot ni Gelo daw. Bigla nanlaki ung mata ng kausap ni Gelo tas biglang naging malungkot. Kami naman walang imik.
"Yuweh anak sinong kausap mo? Ang Tatay mo na ba iyan?" sabi ng boses sa loob ng buhay.
"Hindi po Nay! Si kuya Pogi po,may mga kasama!" sagot nito.
"Papasukin mo kaya sila?" sagot ng tinawag na Nay sa loob.
"Ay,tuloy po kayo hehe! Nintai shite kudasai" sabi nito nilawakan ang bukas ng pinto at nagbow.
0_0
"kyaaahhh! Kawaii! Japanese ka?^o^" maligalig na sabi ni Kousagi ng papasok na kami sa bahay. Maliit lang ito ngunit malinis naman at presko.
"Half po, hapon kasi si Tatay" magalang na sagot ni. Sa totoo lang ang kyut nya. Minsan lang ako maka appriciate ng mukha ng kapwa ko bading. And I must say isa itong Yuweh na ito na nabiyayaan ng Diyos ng magandang mukha ^_^
Ng pinaupo kami sa mga upuan ay nagsisiksikan pa kami. Para kaming mga timang hindi nagkasya. Samantalang si Kousagi ay dinadaldal si Yuweh >_
Pumunta si Gelo sa kusina,maya maya ay bumalik na sya na may kasama.
Isang babae,napaka ganda,siguro nasa late 30's lang ang edad nito. May pinagmanahan naman pala ang anak.
"Magandang gabi po" sabay sabay naming bati.
"Magandang gabi din naman sa inyo, nasabi na sa akin ni Pogi ang dahilan,nagpapasalamat ako at natagpuan nyo na din sya" magiliw nitong sagot.
"Nako! Dapat nga po kami ang magpasalamat at kinupkop nyo ang kaibigan namin" sabi ni Aifha ng buong galang.
"Nakapag pasalamat at paalam na sa akin itong si Pogi kanina ng puntahan nya ako sa kusina,mabuti naman at magiging ayos na ang lahat,hintayin lang daw nya ang aking asawa para makapag paalam na din, sya nga pala,nakalimutan ko magpakilala, ako nga pala si Vangie Tomoe,at yan ang anak kong si Yuweh" sabi pa nito.
"Tita Vangie pasensya na kayo kung biglaan ah?" singit ni Gelo sa usapan. Ngiti lamang ang sagot ng magandang si Tita Vangie.
So Japanese ang napangasawa nya? Bakit ganito ang buhay nila?
"Pasensya na kayo at maliit ang aming tahanan, pinagkakasya na lamang namin ang aming mga sarili sa ganitong buhay,kontento at masaya naman kami" naka ngiti nitong sabi. Parang lahat kami biglang naging interesado. And then nagkwento na nga ito habang hinihintay namin ang kaniyang asawa.
Anak mayaman pala sa Japan ang asawa nitong si Dr.Hiroshi Tomoe,na ngayon ay Doctor sa isang pang publikong Ospital. Ng malaman daw ng mga magulang nung asawa nya na may karelasyon itong Pinay ay tinanggalan ng mana. Nagpilit daw pumunta sa Pilipinas ito at sya ang pinili. Sa ngayon 18 years na silang kasal at nagsasama.
BINABASA MO ANG
AFTER ALL [Completed]
RomanceThis is the Book2 of Inlove With You. Lets see what will happen sa bagong yugto ng buhay ni Yuri at ng iba pa nating bida :)