AA o5 ~ Expect the Unexpected!

7.2K 210 11
                                    

Yuri's POV :)

"Oh? Ba't parang nakakita kayo ng multo?" naka ngiti kong bungad sa kanila.

"Yuri!!" sabay sabay nilang sabi at tumayo,lumapit sila lahat sakin at niyakap ako isa'isa.

Damn! Namiss ko mga ulupong na to! T.T

"Bruha ka!? Sang part ng planet Nemic ka nagtago teh?" - Jepoy.

"Best! Na miss kita! Tagal mo nawala." - Clyde.

"Impakta ka! Grabe! Namiss kita ng major major!" - Sugar.

" Ganda,san ka nagtago? I missed you"- Jopet.

"Musta na? Long time no see! Talagang nagpa miss ka ah?" - Jinx

"Im glad,nagpunta ka,kala talaga namin walang Yuri na dadating" - Aifha.

"Nagpa miss ka! Kaya magkwento ka Yuri ah?" - Pat.

"Welcome back! Wala ng alisan girl ah?" - Kath.

SERIOUSLY?! Are they expecting me to answer them? Pagtatampalin ko sila ng alpombra eh! XD

"Baka pwedeng paupuin nyo muna ako no? Nakakahiya naman sa inyo na sunod sunod agad mag salita,pwedeng bumwelo muna ako?" sabi ko at nagtawanan sila.

Ng maka upo na kami,hala! Yan na sila, nagsimula na mag usisa. At dahil na miss ko talaga sila,lahat naman ay sinagot ko ng walang pag iimbot at buong katapatan XD

"Parang hindi ka naman na excite dude?" ani Jinx kay Kurt sabay siko.

"Nagkita at nagkasama na kami last saturday" sagot ni Kurt na naka ngiti. Napa ngiti na din ako.

"Tamo to! Ang daya mo! Hindi mo man lang sinabi sa amin!" nakalabing sabi ni Clyde habang naka akbay kay Kath. Im happy for the both of them. Bagay na bagay talaga sila, perfect match!

"Pagdating kay Yuri selfish talaga gagong yan!" patawa ni Jinx. Namula naman ako. Hindi pa din ba sila nakaka move on sa issue na yon? Oh etong sprite! Inumin nyo ng matunawan kayo! Mga kurimaw! :D

"Lul! Nagkataon lang yon no!" depensa naman niya at saka tumingin sakin. Nginitian ko na lang sya.

Nagsimula ng magkainan at panay kwentuhan pa din na parang walang bukas. Lumapit din samin ang mga dati naming classmates,tamang kamustuhan,chikahan.

Si Brix nandon din,nahihiya pa nga ata lumapit kaya ako na lumapit at kinausap sya.

Dumating din mga dati naming teachers, parang tulad ng tropa mga nagulat din sila. Pero saglit lang at nagpaalam na din sila na babalik sa pwesto nila.

Masaya ako,ang sarap sa pakiramdam na makita at makasama mo ulit ang mga taong naging bahagi ng buhay mo. Ang sarap balik balikan ng kahapon.

Pag nag uusap nga eh ang gaganda ng ngiti nila,kumikinang pa mga mata,waring binabalikan talaga ang magagandang alaala ng nakaraan.

Past 11pm na ng mag decide ang tropa na lumipat ng pwesto. Kina Jopet daw. Planado na pala ang lahat ng ito.

Hindi naman ako tumanggi,bagkus nagpaunlak ako ng buong dalisay.

Dalisay? Haha ewan,nasabi ko lang! XD

Nakina Jopet na kami, all out ang mga kurimaw. Party party talaga,daming alak at pagkain.

Ngayon ko lang talaga sila makakasama sa inuman,alam nyo naman nung high school kami more on studies and bonding kami.

Ang saya saya! Sayaw din ako ng sayaw! Ang sarap pala sa feeling! Ng mapagod ay umupo na ako. Parang nawala din yong tama ng alak.

Maya maya ay tumabi sa akin si Kurt.

"Napagod ka na din?" sabi ko at muling uminom.

"Medyo, ang galing mong sumayaw ah? Ive never seen you dance before" naka ngiting sagot ni Kurt at ininom na din nya ang laman ng bote ng San Mig Light na hawak nya.

"Actually,thats my hidden talent" sagot ko naman at tumawa lang kaming dalawa.

Suddenly my phone rings,agad ko itong sinagot kahit katabi ko si Kurt.

"Hello Odi? Napatawag ka?!" bungad ko,pero walang sumasagot. May nadidinig akong tugtog. Parang nasa bar sya.

"Shit Odi sumagot ka nga!" ngunit wala pa din sumasagot.

"Mukhang lasing na lasing na isang to ah?" nadinig kong sabi ng isang lalaki.

"Oo nga eh,pero tingnan mo,mukhang may tinawagan na,yaan na natin, may susundo din dyan" sagot naman ng isang boses at bigla na naputol ang tawag.

"Shit! May problema siguro yon? Sang bar ko yon hahanapin?" hindi ko maiwasang maisatinig.

"May problema ba Yuri?" tanong sakin ni Kurt. Syempre sinabi ko ang rason. Nag aalala na talaga ako kay Odi. Wala kasi hilig maglasing yon bukod sa pag may mabigat na problema at hindi na makayanan.

"Kurt,uhm susunduin ko lang si Odi,babalik agad ako,pag hinanap nila ako,pakisabi saglit lang ako ah?" paalam ko at tumayo na.

"Samahan na kita Yuri" sabi nya,pero tumanggi na ako. Bago pa sya magpumilit ay nag madali na akong lumabas.

Habang nagmamaneho ay hindi ko naman maisip kung san kong bar sya hahanapin. Takte naman kasi ang lalaking yon,ang daming bar na tinatambayan eh! >_<

Alam ko na! Baka nandun sya sa paborito nyang bar. Tama dun nga!

Ng makarating ako dun,halos siksikan na ang mga tao. No choice ako kundi magbayad ng entrance fee para makapasok at mahanap ko sya sa loob.

Kaya kahit nabubunggo bunggo na ng mga haliparot na sumasayaw ang aking gorgeous body ay tiniis ko para mahanap lang si Odi. Maya maya ay may nakita akong nakayupyop sa bar counter.

Pamilyar ang damit,si Odi nga iyon. Ano kaya problema nito.

"Pare andyan na syota mo sinusundo ka na" sabi ng isang lalaki. Actually dalawa sila pero nakatalikod yung isa.

Agad naman nag angat ng tingin si Odi.

"Yuri! Anong ginagawa mo dito?" pagkasabi nya nun,humarap sa amin yung nakatalikod.

Hindi ako nakagalaw sa pagkagulat. Parang biglang nanginig yung mga tuhod ko, maski ang sumagot sa tanong ni Odi ay hindi ko na magawa. Para bang pati pagbuka ng bibig ay ang hirap gawin?

Hindi ko inaasahan na sa mismong araw ng reunion ay makikita ko ang isang taong naging malaking bahagi ng buhay ko at ng puso ko.

Si Gelo . . .

OT/ Always Home

by Mariah Carey

AN ~ LSS ako sa kantang yan. Paulit ulit ko pinapakinggan haha! Kamusta po kayo? Happy reading! Kung trip mag comment ay magcomment lang po. Thank You :)

AFTER ALL [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon