AA 23 ~ The Pre-Finale

6.7K 205 13
                                    

Yuri's POV

Naging ganun nga ang set-up namin. Kina Gelo na muna ako para matulungan sya mas maka alala. Hindi naman tumutol sina Mama at Papa. Ang sabi pa sanayin ko na daw ang sarili ko na may buhay may asawa.

HELLO?! Ano akala nila sakin? Merlat at bagong kasal kami ni Gelo?

Mabuti na lamang talaga at hindi ako trinato ng iba nina Tita Mariz at Tito Rudolf,they threat me as if Im one of their SON's.

Everyday ginagawa ko ang mga bagay na dapat gawin ng isang butihing partner. Lagi ko pinagsisilbihan si Gelo before and after work nyo. Hindi ko din naman sya matanong about sa kalagayan nya kung nakaka alala na ba sya or naaalala na nya ako.

Basta ako I never failed to show him and to make him feel how much I love him. In his part naman I know na he's doing his best din naman. He always appriciate every efforts I exert, he always thanked me,smile at me,kiss me at my forehead. BUT. But he doesnt tell me that he love me.

I understand. Maghihintay ako. Kahit anong mangyari. Pero feeling ko naman naregain na nya yung iba nyang memories coz he actually did great naman daw sa company nila. Thats a good thing. I just wished that someday eh bumalik na lahat ng alaala nya.

Pag naiiwan ako sa bahay eh ang mga kasambahay nila ang kausap ko at minsan si Argel. Nakakatuwa na yung batang makulit at kyoot noon eh lumaking magandang lalaki. Well it really must be in the genes.

Almost mag 2 months na din ako dito kina Gelo. Ganun at ganon pa din,parang walang nagbabago sa kalagayan nya.

Okay,the truth is may nagbago. Hindi na sya masyadong nagreresponse sa mga ginagawa ko. Minsan kasi nauuna ako umuwi sa kanya pag galing ako sa office. And when I get home tulog na sya. At pag may pagkakataon namang pwede kami mag usap ay parang naiilang na sya. And Im really wondering why?

Isang beses hindi ako nakapag paalam na aalis ako at hindi ko din nasabi kung anong oras ako uuwi. Me,being excited with the thought na magkakatabi kami ni Gelo sa pagtulog ay talagang nagpapangiti sa akin.

It was 11pm na,kampanteng naglakad ako papunta ng kwarto pero ganun na lang ang kabog ng dibdib ko ng may marinig akong boses ng babae sa kwarto namin. Kinabahan ako. Was he cheating? NO! Kung ano-ano naiisip ko. Pagkumbinsi ko sa aking sarili.

Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto.

Then I saw them kissing.

Nanlamig ako,hindi ako nakakilos. Ng mapalingon sila sa akin ay napaurong ako.

"Im sorry naistorbo ata kayo" I said then closed the door. Tears started rolling down my face. I just cant believe what I saw. Pero kailangan ko pakatatag. Diba sabi ko maghihintay ako hanggang sa bumalik ang lahat ng alaala at pagmamahal nya sa akin.

Pumunta ako sa recieving hall nila,nahiga ako sa malaki at malambot na sofa,dito na lang ako matutulog.

Bigla ko ding naisip na ,pano kung bumalik na nga lahat ng alaala nya? Pero hindi na pala nya ako mahal? May hihintayin at babalikan pa ba ako? May dapat pa ba akong hintayin? I was crying all night until I fall asleep.

The next day nagising ako sa mga tapik sa akin. Kaagad akong napadilat ng mata. Anong oras na? Ipaghahanda ko pa si Gelo ng mga isusuot nya. Napabangon ako at tumingin sa nang gising sa akin.

Si Argel.

"Bakit dyan ka natutulog kuya Yuri?" takang tanong nito sa akin. Ano nga ba isasagot ko? Na may kasamang babae ang kuya nya sa kwarto namin? No! Hindi pa ako buang para sabihin yon.

"Pagod at antok na kasi ako kagabi,hindi ko na kinayang umakyat kaya dito na ako natulog, sina Tito't tita pumasok na ba?"

"Oo kanina pa,ako na lang daw gumising sayo,pasalamat ka Kuya wala akong pasok,may makakasama ka ngayon" nakangiting sabi ni Argel. Nginitian ko lang din sya.

AFTER ALL [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon