Yuri's POV
The day bago ang birthday ko ay naisipan ko magpunta sa park. Baka nandun si Enzo at makapag kwentuhan kami. Tutal Saturday ,rest day nya ata. Si Odi naman hindi ko alam kung nasaan,madalang na magpakita,but he make sure na pupunta daw sya bukas.
Ewan,pero abnormal ata ako na okay lang sa akin na hindi kami magkita ni Odi? Para bang mas palagay ang loob ko pag wala sya? Ewan ko ba?! May tama ata utak ko eh!
Ng nasa park na ako,napangiti na lang ako,magaan talaga pakiramdam ko pag nandito. Tulad ng dati madami pa ding tao.
Nadako ang paningin ko sa puno na dati kong tinulugan. May nakasandal dun at may takip na panyo ang mukha. Si Enzo siguro?
Aagawan pa ako ng tulugan ng bruho na to! Agad agad akong lumapit at tinanggal ang panyong nakatakip sa mukha nya.
"Ano ba??!" singhal nito sa akin sabay tingin ng masama.
Napaatras ako sa takot. Ang mga mata nya kakaiba kung tumingin. Nakatayo na sya ngayon at tinitingnan ako ng mata sa mata.
"S-sorry,akala ko ikaw yung kakilala ko" hinging paumanhin ko.
Bigla sya tumingin ng masama ulit. Gawd! Biglang bumilis tibok ng puso ko! Nanginig mga tuhod ko! Yung pakiramdam na ganito parang pamilyar. Parang naramdaman ko na noon.
Dahan dahan sya lumapit sa akin. Napalunok ako,pakiramdam ko anytime bibigay ang mga tuhod ko. Bakit ganun? Natatakot ba ako? Pero parang hindi naman?
At bakit sya nagagalit sa simpleng pagtanggal ko lang ng panyo? Bakit sya lumalapit? May binabalak ba sya? Bubugbugin ba nya ako? Jusme! Hindi pa ako nabubugbog ng lalaki sa tanang buhay ko! Dapat pala hindi na ako pumunta dito,kung bakit kasi naisipan ko pang pumunta at kung bakit kasi naisip kong si Enzo sya? Shunga mo Yuri.
5 inches na lang ang pagitan namin at tumigil sya.
"Next time,huwag ka basta basta nang gagambala ng taong hindi mo kilala,look at you,halos maihi ka na" sabi nya sabay tampal ng mahina sa pisngi ko at naglakad palayo.
Napasinghap ako,ang amoy na yon pamilyar! I mean yung natural nyang amoy. Hindi ako nakakilos,ni hindi ko sya nilingon. Bakit nya ginawa yon? Kahit mahina yon,sampal pa din yon! Buwisit na yon? At halos maihi na daw ako? Ha! Kapal ng mukha nya!
Pero bakit ganun? Nung malapat ang balat nya sa akin I felt secured?
Biglang may nagflash na eksena ulit sa isipan ko. Nasa isang kwarto daw ako,hubad,may kasamang lalaki! At ang kwartong yon ay kwarto ko sa dati naming bahay!
Nakayakap daw kami sa isa't isa at nag uusap.
Bakit ganon? Hindi ko pa din makita ng malinaw ang mukha nya? Sino ba yon? Parang baliw na napasubunot na lang ako sa sarili.
Umupo ako sa bench at binalikan lahat ng eksenang nagpaflash sa isip ko mula umpisa. Pero parang wala na akong maalala! At lagi may lalaki akong kasama. Pinilit kong alalahanin ang nakaraan pero wala talaga! Naramdaman ko na lang na sumakit na ang ulo ko.
Agad na akong umuwi at hindi pa din nawawala sa isip ko ang nangyare. Ano ba yan? Ang bongga ng park na yon ah? Dalawang tao na nakilala ko dun.
Ng makarating sa bahay ay ipinark ko agad ang kotse at nagtatakbo papunta kina Tito Paul. Gusto ko sila imbitahin ng personal para pumunta sa birthday ko bukas.
"Oh? Napadalaw ka?" salubong ni Ate Angel sa akin ng makapasok ako.
"Ang OA mo ah? Magkatabing bahay lang tayo teh!" sagot ko naman
"Yun na nga eh,magkapitbahay lang tayo bakit ngayon ka lang nagpunta" aniya at umupo kami sa sofa.
"Busy ako ate at nag iisip,alam mo naman ang sitwasyon ko" malungkot kong sabi.
"Wala ka pa din ba naaalala?"
Umiling ako bilang sagot. "Nasan sila?" sabi ko na lang.
"Ang kambal ko tulog na,ang kambal ni Jiian nasa kwarto nila Marian,nakikipaglaro pa ata si Marian sa mga anak,si Brian at Jiian umalis,may lakad ata sila ng mga boys." mahabang sagot ni Ate Angel.
"Si Tito Paul at Te Khai?"
"Nakoo! Naglalabing labing pa sina Daddy haha! Bilib talaga ako sa pagmamahalan ng mga magulang namin" proud na proud na sagot nya sa akin. Napangiti na lng ako ng mapait. Ako kaya kelan? I dont know but I cant see my self growing old with Odi. Hayst.
"Nalungkot kana dyan neng,oh ano ba talaga sadya mo,teka birthday mo na bukas,anong plano mo"
"Yun na nga sadya ko ate,invite ko kayo bukas, sa isang resort daw gagawin ang birthday ko. Please come baka kasi dun biglang bumalik ang mga nawala kong alaala" sabi ko at hinawakan kamay ni Ate Angel.
Ngumiti sya,napakaganda talaga ni Ate,kung ako naging babae,gusto ko ng ganyang mukha.
"Ofcourse we will come,expect us to be there"
"Salamat Ate,oh pano,uwi na ako para makapag prepare ng gamit para bukas" paalam ko at tumayo na.
"Sige,at magpahinga ka na din,masyado ka nang stress,bawal panget sa lahi natin" sabi ni ate ng maihatid na ako sa pinto. Ngumiti lang ako at dumiretso na sa bahay.
Hayst,totoo nga,masyado na akong stress,at ayoko naman mag mukhang zombie bukas noh?!
AN ~ Tenen! Mustasa? Please continue reading. Malapit na tayo sa Main course ^_^
Comments and Votes are highly appriciated :)
BINABASA MO ANG
AFTER ALL [Completed]
RomanceThis is the Book2 of Inlove With You. Lets see what will happen sa bagong yugto ng buhay ni Yuri at ng iba pa nating bida :)