Yuri's POV
Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari. Nagising na lang ako na nasa ospital at napapaligiran ng mga taong hindi ko kilala. Buti na lang nandun sina Mama at Papa.
Ang sabi na aksidente daw ako and worse nagka amnesia daw sabi ng doctor. Pero bakit ganun? Kilala ko pa si Odi? Sina kuya Jiian,ate Angel? Tito Paul,te Khai at mga pamangkin ko? Pero yung mga taong nasa loob ng kwarto ko dito sa ospital eh hindi ko kilala.
Ang sabe pa nawala daw ung alala ko mula 3rd year High school hanggang 3rd year college. Posible pala yun na may part ng memory mo ang mawawala?
Ngayon pauwi na kami pero hindi kami dideretso sa bahay. Ang sabi nina Papa ay may pupuntahan daw kaming importante.
Kaya laking pagtataka ko ng sa sementeryo kami pumasok.
Anong gagawin namin dito?
"Ma?Pa? Bakit tayo nandito?" naguguluhan ko ng tanong,nauna lumabas si Papa sa kotse at inalalayan nila ako ni Mama. Puro benda pa kasi ang katawan ko. At hindi pa ako gaanong makakilos.
Kinuha ni Papa ang wheelchair sa compartment at inayos,saka ako iniupo at si Mama ang nagtulak.
"Ma?Pa? Bakit?"
"Ihahatid natin sa huling hantungan ang isang napaka importanteng tao sa buhay mo,anak sya ng kaibigan namin ng Papa mo" sagot ni Mama habang patuloy ang pagtulak sa wheelchair.
Importanteng tao sa buhay ko na namayapa? Pero sino? Wala akong maalala?
Ng makalapit kami ay nagtinginan ang lahat ng tao. Nandun din yung mga tropa ko "daw". Nagulat na lang ako ng may yumakap sa akin na babae,ka edad siguro ni Mama. Ng kumalas ng pagkakayakap sa akin ay umiiyak pala ito.
"Im glad your safe Yuri,pero ang anak ko hindi nakaligtas" sabi nito at muling umiyak.
"Tahan na mahal" alo dito ng lalaki na kasing edad naman siguro ni Papa.
"Ha? Naguguluhan ako" sabi ko na hindi na maitago ang pagtataka.
"Anak,sila ang Tita Mariz at Tito Rudolf mo,mga kaibigan namin ng Papa mo,anak nila si Gelo,ang boyfriend mo nasa loob ng ataol na iyan" paliwanag ni Mama.
Parang lalo ako naguluhan? Pero nung binanggit ang pangalang Gelo biglang bumilis ang tibok ng puso ko,hindi ko maintindihan? Bakit ganun?
"Boyfriend? Gelo?" sabi ko. At may pagtatakang tumingin sa akin yung Tita Mariz.
"Rudolf,Mariz,nagka amnesia si Yuri dahil sa aksidente iyon" paliwanag ni Papa. Para namang gulat na umiyak ulit si Tita Mariz at niyakap ako.
"Oh God! Im sorry,hindi ko alam" anito.
Maya maya pa may dumating ng Pari,nag start na sa mga dapat gawin. Nagbigay ng mensahe sina Tito Rudolf,Tita Mariz at yung isa pa daw na anak.
Ng pababa na sa ilalim ng hukay ay bigla ako nakaramdam ng matinding lungkot. Parang bigla naninikip ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit?
Pakiramdam ko habang papunta na sa ilalim ng lupa ang ataol ay may parte ng buhay ko ang nawala. Ang sabi boyfriend ko daw sya. Kaya siguro kahit hindi ko sya maalala ng aking isip ay naalala naman sya ng aking puso.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Nasasaktan ako sa hindi ko alam na dahilan. Ng unti unti ng tabunan ito ng lupa ay nakisabay ako sa hinagpis nila.
Nagtaka na sila at napatingin sa akin. Pero mas nang lumapit sa akin ang isang binata. Yung isa pa daw na anak nila Tita Mariz, siguro nasa 13 o 14 years old na ito.
"Kuya Yuri,alam ko hindi mo na ako maalala at ang mga magulang namin ni Kuya Gelo, alam mo ba mahal na mahal ka ni Kuya" sabi nito na nagcrack na ang boses.
"Kahit noong bata pa ako at pag pumupunta ka sa bahay nagtataka ako kung bakit ganun ang karelasyon ni Kuya hindi ako nagtanong,kasi mabaet ka sa akin,kaya hindi na kami nagtaka na sobrang minahal ka ni kuya kahit matagal kayo naghiwalay" patuloy nito sa pagsasalita at tuluyan ng umiyak kaya pati ako ay naiyak na.
"Mabaet na kapatid si Kuya eh,mahal na mahal ako nyan pati sina Mom and Dad,kaya hindi ko matanggap kung bakit sa kanya pa yan nangyari" patuloy nya. Nasasaktan at naaawa ako. Pakiramdam ko wala ako kwenta dahil wala man lang ako maalala sa mga sinasabi nya.
"Sana,sana kahit nakalimutan mo na kaming lahat at nakalimutan mo na ang nakaraan,sana huwag mong kalimutan na may isang kuya Gelo na nagmahal sayo ng tapat at wagas,sana sa pagkawala nya,huwag mo syang kalilimutan,sana huwag syang kalimutan ng puso mo" at tuluyan na itong humagulhol.
"Argel!" sabi ko at agad syang niyakap. Ngunit may pagtatakang humiwalay ng yakap sa akin at tiningnan ako.
Bakit?
Maging ang tropa ko daw,sina Mama,Papa, Tito at Tita ay napatingin sa akin.
"Tinawag mo ako sa pangalan ko kahit hindi namin binabanggit sayo?" sabi pa nito.
"Huh? Hindi ko alam,bigla na lang yon lumabas sa bibig ko" takang sagot ko. Maging ako ay nagtaka din na binanggit ko ang pangalan nya.
Ng tuluyan ng matakpan ng lupa ang hukay at mailagay ang lapida dito. Isa isa ng umalis ang mga tao. Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay mabigat ang pakiramdam ko.
AN ~ Pasensya na po at kung ganyan ang nangyari,mga fans ni Gelo dont worry so much,kahit wala sya ay pipilitin ko pagandahin ang takbo ng kwento :)
Thanks po sa mga comments pati sa vote. Talagang ginaganahan po ako.
What time na? 9am na? Matutulog nko, nagising lang aq kninang 2:30am eh at nag start na magtype kaninang 4am hehe. Nyt and morning po! Sleep nko ^_^
BINABASA MO ANG
AFTER ALL [Completed]
RomanceThis is the Book2 of Inlove With You. Lets see what will happen sa bagong yugto ng buhay ni Yuri at ng iba pa nating bida :)