AA 18 ~ The Park Part 2

5.5K 194 10
                                    

Yuri's POV

"Ikaw? Diba ikaw yung waiter sa P2 Restaurant? Anong ginagawa mo dito" gulat kong tanong sabay tayo agad.

"Yup! Ako nga,and its my restday,namamasyal lang and fortunately I saw you sleeping here,thats why lumapit ako,nakakapagtaka kasi" nakangiting sagot nito.

"Napagod lang ako, ano nga ulit pangalan mo?" pagkuway sabi ko at naglakad papunta sa isa sa mga benches. Madilim na pala? Mahaba siguro naitulog ko sa ilalim ng puno na iyon.

Agad akong umupo at tumabi sya.

"Im Lorenzo Alden Samaniego,Enzo for short, ikaw anong ginagawa mo dito?" sagot at tanong din nya. Magaan loob ko sa taong to kahit ngayon lang kami nagkausap.

"Mag mo-mall sana ako eh,pero dito ako napadpad,this place seems so familiar to me" sagot ko na lang.

"Baka dito kayo namamasyal ng boyfriend mo nakalimutan mo lang" sabi nya. Oo nga pala,hindi nya alam na may amnesia ako.

"No, hindi pa kami napunta dito ni Odi" sabi ko naman at muling itinuon ang atensyon sa mga taong masayang nagliliwaliw dito sa park.

"Alam mo, I used to admire the two of you ever since na pumasok kayo sa P2, iniisip ko talagang makapangyarihan ang pag-ibig at iniisip ko na balang araw magkakatagpo din ako ng taong itinakda para sa akin" maya maya ay sabi nya. Kaya napalingon ako sa kanya.

Gwapo nga din talaga pala ang Enzo na to,pero anong ibig nya sabihin? Sa gwapo nyang yan wala sya girlfriend? Baka torpe? Baka nga.

"Ganon ba, mabaet talaga yon si Odi kaya nga nagtagal kami eh,saka ano ka ba! Kung ako ngang bakla may lovelife eh,ikaw pa kaya? Ang gwapo gwapo mo,wala ka bang tiwala sa sarili mo?" sagot ko sa kanya. Ewan ko ba, somehow parang nadadala ako sa emosyon nya and in the same time naguguluhan ako kasi parang may nararamdaman din akong lungkot na hindi ko naman dapat maramdaman.

Ngumiti sya at tumingin sa akin

"Odi ba pangalan non? Yung unang kasama mo sa P2? He seems to be a good guy,kaya nga napahanga ako sa inyo eh,kaso pagbalik mo iba na kasama mo"

Sino ba tinutukoy nito?

"Ano,nakapunta na ako dun dati? Kasi unang punta ko pa lang dun nung may nagpropose sa akin diba?" nasabi ko na lang.

Para namang nagtaka at nagulat sya sa sinabi ko. Oo nga pala hindi nya alam kalagayan ko.

Nagulat ako ng bigla sya tumayo at nag inat.

"Nagugutom ako! Tara kaen tayo,my treat!" nakangiti nyang sabi,kaya tumayo na din ako. "ayon oh fishbol!" turo pa nya sa nagtitinda ng fishbol.

Ng makabili kami ay agad kaming naupo sa bench na inupuan namin kanina. Nakakatuwa syang kumain ng fishbol, parang takam na takam ang kurimaw ^o^

Biglang nag flash sa isip ko ang isang eksena.

Nasa park ako natutulog sa ilalim ng puno, at sumunod na eksena may inaaway akong lalaki at ang sumunod dun kumakain daw kami nung lalaki ng fishbol at nagtatawanan.

Napahawak ako sa noo ko. Parang nagiging sunod sunod na ang mga nakikita ko sa isipan ko.

"Hey! Are you okay?" alalang sabi ni Enzo. Tumango lang ako at ngumiti.

Yung nakita ko sa isip ko,ito din yung park na yon. Kaya pala ang gaan ng pakiramdam ko sa park na to. Kaya pala ganun. Pero sino yung kasama ko nun?

Maya maya pa nagpasya na kaming umuwi ni Enzo. Nagbigayan pa kami ng cp numbers para ma extend ang friendship namin.

Pagkauwi ko sakto kakahain lang ng hapunan kaya sumabay na ako mag dinner kina Mama at Papa.

Ng matapos ay agad akong nagpunta sa kwarto ko at nahiga,kinuha ko ang phone ko sa bulsa para icheck kung may text si Odi. Hindi kasi sya tumatawag pa. Unfortunately eh walang text kahit isa.

Napatutok ang tingin ko sa kisame at napatulala. Nagiging sunod sunod na yung nakikita ko sa isip ko. Babalik na kaya yung mga alaala kong nawala?

Bakit pakiramdam ko may kailangan ako malaman?

P2 restaurant

Park

Fishbol

at yung lalaki sa bawat eksena. Sino sya? Bakit hindi ko sya kilala? Bakit sya ang kasama ko? Bakit hindi si Odi? Bakit?

AN ~ HELLOOO =) Thanks sa mga patuloy na nagbabasa at dun sa dalawang walang palya magcomment,nakaka inspired kaung dalawa,kahit papano talaga dama ko na may nagbabasa.Thanks po ng madame.

Anyways,maikli ata tong update na to,blanko utak ko eh,bawi na lang sa mga next updates :)

AFTER ALL [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon