AA o9 ~ Enchanted Kingdom 2

7.4K 198 7
                                    

Yuri's POV

"Kyaaaahh! Im so excited na!" sabi ni Kousagi. Were on our way na to EK. Ang mga bruha sa likod ang saya saya. Samantalang ako nandito sa tabi ni Gelo na tahimik na nagdadrive.

"ako rin! Nung graduation nung college pa tayo huling nagpunta dun diba?" pag sang ayon ni Aifha.

"Aifha-chan tama ka dyan!" -kousagi.

Nagpunta pala sila dun? Sayang wala ako. But what's important eh pupunta ako dun ngayon kasama sila.

"kawawa naman ang isa dyan,first time pupunta dun" sabi naman ni Sugar.

"Pero huwag ka teh,kahit first time nya,kasama naman nya ang pinakamamahal nya" singit ni Jepoy.

=__=

Nakakaloka mga to ah? Parang wala ako dito kung mag usap? Ganti ganti lang yan mamaya! Hahahaha :D

Si Gelo ngingiti ngiti pa.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan?" asik ko sa kanya not minding na may mga baliw kaming kasama sa likod.

"Wala,na e-excite lang ako" sagot nya habang tutok pa din sa pagdadrive.

"Siguraduhin mo lang ah? Kung hindi lagot ka sa akin!" banta ko pang ganyan. Humagikgik lang ang depungal >_<

Minutes later nakarating na kami sa EK. Pasensya na pero hindi ko maiwasang mamangha sa ganda at lawak nito. First time ko nga diba?

"Waaaaahhh! Gutom na ako!" biglang sabi ni Kousagi. Lumapit ako sa kanya at hinila ko sya,syempre hindi papatalo ang mga alaga ko sa tyan. Nagsisimula na din kasi sila magwelga.

Nakakita kami ni Kousagi ng mga nagtitinda ng Burgers and Hotdogs. Kaya ayun ang binili namen. Nakasunod naman samin ang iba.

Ng masatisfied ang aming mga tyan ay nagulat na lang ako na bigla tumakbo ang mga bruha at naiwan ako kay Gelo.

"Kita kits 8pm sa van!" sigaw ni Jepoy habang palayo sila. At ayon hindi ko na sila matanaw. Parang mga ninja lang!

"Adik tong mga to,akala ko bonding? Bat iniwan ako?" bulong ko.

"So you can have time with me" nakangiting sabi ni Gelo.

Ano daw?

"Huh?" nasabi ko na lang.

"Wala,tara na ng makapag enjoy" sagot nya.kinuha nya kanang kamay ko at pinaghugpong sa kaliwa nyang kamay at naglakad na kami.

Parang dati lang,nakaramdam ako ng libo libong boltahe na gumapang sa katawan ko sa pagkakadikit ng balat namin. Sinubukan ko hilahin pero ayaw nya pakawalan >_<

"Dito tayo" sabi nya ng tumigil kami sa paglakad.

Pagtingin ko kung anong ride, parang bigla nanlambot tuhod ko.

JUNGLE LOG JAM

"Ayoko dyan!" sabi ko habang tinitingnan yong mga stolen shots ng mga sumakay dun.

Nakakatakot kaya!

"Bakit? Masaya nga yan eh"- Gelo.

"Ayoko!"

"Basta sasakay tayo dyan" aniya at hinila ako. Para lang kaming naglalaro ng tag of war.

"Dali na Mhy! Dont be so stubborn! Pinagtitinginan na tayo oh" aniya.

0_0

Mhy?

Sinabi nya yon? No. Baka nagkamali lang ako ng dinig. Tumingin ako sa paligid, at tama nga sya,pinagtitinginan na kami.

Muli nya akong hinila at hindi na ako pumalag. Ayokong mapagtsismisan ng mga taong hindi ko kilala no?!

AFTER ALL [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon