AA 15 ~ Odi's Rendezvouz

7.3K 183 10
                                    

Yuri's POV :)

Pagkatapos ng lahat,balik ako sa normal,kahit pa may nawala akong alaala hindi naman dun natatapos ang buhay. Kailangan kong magpatuloy. May kinabukasan pa ako na dapat harapin diba?

At muli nandito ako sa personal office ko sa salon. May mga natambak palang paper works na kailangan ko harapin. Hindi naman masyadong mahirap dahil maaasahan ang mga tauhan ko.

Patapos na ako sa pag review ng mga papeles ng may kumatok.

"Come in" tanging sagot ko at tinapos ang huling dalawang dapat ko pirmahan.

"Masyado kang busy,hindi porket nagka amnesia ka eh kakalimutan mo na ang gwapo mong kaibigan"

"Oh Odi? Kamusta" sagot ko naman sa kanya at niligpit na ang mga papeles.

"Eto namiss kita ng sobra" aniya lumapit sa akin at bigla ako hinalikan na ikinagulat ko.

"What was that for?" takang tanong ko. Oo crush ko sya simula 4th year college pero hindi naman sya nagpakita ng kahit anong interes sa akin kundi pakiki pagkaibigan lamang kaya nagtaka ako. Ito din ang kauna unahang pagkakataon na halikan nya ko.

"Ano pa nga ba? Edi kiss,namiss kita ng sobra,sorry hindi kita nadalaw sa ospital that time, nasa states ako nun for work" naka ngiti nyang sagot sa akin at umupo sa upuan sa harap ng table ko.

"At dahil dun kailangan mo ako halikan? Anong masamang hangin ang umihip sa utak mo?" sabi ko at tinitigan syang mabuti.

"Hindi lang yon" sagot nyang seryoso kaya napatahimik ako. Anong eksena nya?

"Then what?" lakas loob kong tanong.

"Pasensya ka na Yuri,hindi ko na din kasi mapigilan ang nararamdaman ko,ganito pala yon,hindi mo malalabanan" sagot nya na lalo kong pinagtaka.

"What do you mean?"

"Mula nung gabing may mangyari sa ating dalawa hindi ka na nawala sa isip ko,nakakapraning lang kasi kahit anong gawin ko,ikaw at ikaw pa din ang nasa isip ko Yuri, mahal na kita,mahal na mahal"

For a moment natulala ako. Mahal ako ni Odi? May nangyari sa amin? Pero pano? Edi ibig sabihin gusto ko sya kasi binigay ko sarili ko? Eh ano yung sinasabi nila na naging boyfriend ko daw yung Gelo?

"M-may nangyari sa atin? Pano? Bakit?" magkakasunod kong tanong sa kanya.

"Oo Yuri,that night nagtapat ka sa akin ng pagmamahal mo,at ako naman sinabi ko din sayo na gusto din kita pero hindi pa kita mahal nun,naka inom tayong dalawa nun hanggang sa may mangyari,after that sinabi ko na subukan natin maging tayo" paliwanag nya na lalo kong ikinabigla.

Wait! Does that mean na kami? Bakit pati ang mga yon hindi ko maalala?

Shit! Sabi nga pala ng Duktor pati ang mga pangyayari days before the accident ay nawala sa memory ko! So ibig sabihin kami nga?

"Tayo? Pero bakit walang nagsabi sa akin? At bakit sinasabi nila na yung Gelo ang boyfriend ko?"

"Oo tayo Yuri,si Gelo? Matagal na kayong hiwalay nun bago kayo mag graduate ng high school,ikaw pa nga ang nagsabi sa akin nun,hindi mo ba natatandaan?"

"Hindi ko maalala Odi" naguguluhan kong sagot. Bigla sumakit ang ulo ko at kumirot ang sintido ko.

"Sinasabi ko na nga ba,pati yon makakalimutan mo,kaya nga nandito ako eh,natakot ako na mawala ka sa akin,kaya ng makabalik ako mula sa states at malaman ko ang nangyari agad akong pumunta dito dahil nakalabas kana daw ng ospital" mahaba nyang sabi,hinawakan nya ang dalawa kong kamay na hindi ko naman magawang bawiin baka ma offend sya.

AFTER ALL [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon