Yuri's POV :)
"Kamusta ka na?" tanong ni Kurt ng makaupo na kami sa isang bench. Nandito na kami sa park na sinasabi nya. Natawa nga ako kasi mini park lang to at may playground. Kumbaga ito ang park ng subdivision.
"eto okay naman,masaya,kasi naka ahon na kami sa hirap at may sarili pa akong negosyo kahit 21 palang ako" sagot ko naman.
"Good to know that,na miss kita, na miss ka ng tropa, walang araw na hindi ka topic" sabi naman nya. Napangiti naman ako. Ganun naman kasi talaga ang tropa kahit dati pa eh diba?
"Im glad na youre doing okay after ng lahat ng nangyari,and I can see na your more stronger and determine now"
"Haha! Ganon naman talaga,sa dami ng naranasan ko before diba? Kailangan ko maging matapang at matatag,for my family and for myself" nakangiti kong sabi.
Sabay kaming napatingala. Hay ang ganda ng langit. Ang daming bituin. Parang nangyari na to dati na nag usap din kami tas maganda kalangitan? Dejavu!
"Yung Odi, boyfriend mo ba yon?" maya maya ay tanong ni Kurt na nakatingin pa din sa langit.
Napatingin ako sa kanya at ganun din sya. Ngumiti ako bago sumagot.
"Si Odi? Tropa lang yon,parang kayo nina Jopet sakin noon. Mabait si Odi,responsable,mapagmahal na kaibigan,anak at kapatid, though talagang makalaglag panty sya at ubod ng bango,unfortunately,hindi nya ako type!" sabi ko saka tumawa. Natawa din naman sya sa sinabi ko.
"Pero type mo sya?" sabi ni Kurt na ikinatigil ko sa pagtawa. "Im sorry" dagdag nya ng hindi agad ako nakapag salita.
"No,you dont have,its not that kaya hindi ako sumagot,the truth is, crush ko lang si Odi at ang pagtingin ko sa kanya ay tulad ng pagtingin ko kina Jopet,Pat,Clyde at sa iba. Kasi I dont think na kaya ko pa magmahal or pumasok sa isang relasyon after ng mga nangyari diba? You exactly knew what I mean. Besides masaya na ako dito. Saka hindi rin siguro deserving na magkajowa ang tulad ko" mahaba kong litanya at dinugtungan ng pagak na tawa.
"No! That's not true! Look at tito Paul and ate Khai, kuya Kevin and kuya Arvin,Pipay and kuya Prinz,nagtagal sila, dumanas sila ng madaming bagay bago sila dumating sa ganong nakikita natin,hindi sila bumitaw at nawalan ng pag asa,kaya dapat ikaw din Yuri,huwag sumuko at mawalan ng pag asa" pag disagree nya sa akin. Tama din sya dun. Pero iba na talaga ang paniniwala ko.
Call me stupid,moron,tanga. Pero I dont find myself na matutulad kina tito Paul.
"Magkakaiba naman kami Kurt eh,basta yon na yon,huwag ka na lang magpumilit kung ayaw mo mabasagan ng wisdom tooth okay?" nasabi ko na lang,ayoko na pag usapan pa yon eh XD
"Hahaha! Ikaw talaga! Yan ang hinahanap hanap namin eh!" sabi nya.
"Dapat lang!" sabi ko naman at tumayo na. "tara,balik na tayo sa party baka hinahanap na nila tayo" dugtong ko.
Habang naglalakad eh nag uusap pa din kami.
"Kelan mo balak magpakita sa tropa?"- Kurt.
"Pag hindi na busy,alam mo naman" simpleng sagot ko.
"Sus,wala ka ng choice no,Alumni Homecoming kaya ng Batch naten next saturday,wala ka ba natanggap na notification?" takte! Oo nga pala! Montik ko na makalimutan! O talagang kinalimutan ko dahil ang unang balak ko talaga ay wag pumunta? XD
"Oo nga pala! Good at pina alala mo" sabi ko. Sakto naka dating na kami.
Madami pa din bisita,parang mga hindi nauubusan ng energy at sasabihin.
Muli kaming bumalik sa pwesto nina kuya Jiian.
0_0 ?
Kaloka tong mga to?! Nasa isang magarang party kami tas sila naglalaro ng spin the bottle? Lakas ng amats nila ah? XD
"Naalala ko yang spin the bottle na yan! Dyan ko kauna unahang nakita magkiss si Papa Kevz at Arvin hahaha!" sabi nung Pipay,nagtawanan lang sila. Kami ni Kurt tinitingnan lang ang laro nila. Para silang mga bata.
"Tama! Tanda ko din na halos gusto na magwala ni Ikhai nun! Parang Emily rose lang!" banat pa ni Ate Ira.
Napangiwi ako sa nadinig.
Emilyrose? Yung sa Exorcism yon diba? Katakot pala yung Ikhai na binanggit ni Ate Ira.
At biglang tumutok sa akin ang bote.
0_0
"kasali ba ako?" takang tanong ko. Hala? Pag Truth nakaka kaba,pag dare ganon din. Kaya ayoko ng ganyang laro eh >_<
"Nasa table ka namin kaya kasali ka" sagot ni Kuya Jiian.
Lahat tuloy silang magtropa sa akin na nakatingin. Bigla dumating si Odi at naki sali sa amin.
San galing to?
"Okay cous,truth or dare?" naka ngising tanong ni Ate Angel.
Waaahhh! Kainis naman!
"Truth!" sagot ko. Lalo lumapad pagkaka ngisi ni Ate. My Gawd! Penge sinulid at karayom! Tatahiin ko lang bibig nya!
"Good choice! So here's the very beautiful question"- Ate Angel.
Napalunok ako ng laway,pakiramdam ko ipapahamak ako ni Ate haha!
"Sino ang una mong natikman? At naka ilan kana?" tanong ni Ate Angel.
Potaneslul! 0_0
Pakibalik yung panga ko na nalaglag sa lupa! Grabe sa tanong! Nakakawala sa katinuan! Nakakawala ng moralidad! Haha tae namang tanong yan! T.T
Nilibot ko ang tingin sa kanila,lahat nag aabang. Lalo na si Kurt at Odi na mga nakiki ngisi din!
Mga tipaklong kayo! Naka ngisi pa kayo dyan!
"Uhm,ahh ,. Si.. Si.." hindi ko alam kung sasabihin o hindi,tungunu kase eh! Hindi naman ako sanay sa mga usapang ganyan eh! =__=
"Ang tagal!" reklamo nila kaya nagulat ako at napasagot agad.
"Si Gelo lang! At isang beses lang!" sabi ko na nataranta.
Nagtawanan sila,hindi ko alam kung sa reaksyon ko o sa sagot ko.
"Kawawa ka Bro! Naunahan ka pala nung Gelo" sabi ni kuya Dex, si Kurt naman tulad ko ay namumula na din. Ang adik ng mga to eh!
"Odi boy,paranas mo ang second time kay Yuri" sabi ni Kuya Brian at humalakhak pa. Sige! Kita ko lalamunan mo! Pasukan sana ng lamok! XD
"Baliw ka kuya!" sagot lang ni Odi.
Natigil ang paglalaro nila ng spin the bottle pero ako pinag uusapan nila. Kawawa daw ako kasi isang beses lang at hindi nasundan. Kung pag usapan nila ako parang hindi nila ako kasama,mga pinuno talaga ng mga baliw. Kung pwede lang mag teleport ala Son Goku ginawa ko na maka alis lang sa sobrang kahihiyan sa mga to eh.
No wonder talaga at nagclick silang magtotropa. Mga baliw! XD
AN ~ Lazy update pa. Ayoko magmadali sa mga maaari pang mangyari eh. Pero ngayon palang nagpapasalamat na ako sa mga bumabasa at magbabasa,at kung may mag comment,mas maraming salamat talaga :)
@Crildyl > ikaw kauna unahang nagcomment sa story na to,maraming maraming salamat po ;*
BINABASA MO ANG
AFTER ALL [Completed]
RomanceThis is the Book2 of Inlove With You. Lets see what will happen sa bagong yugto ng buhay ni Yuri at ng iba pa nating bida :)