Chapter 2

1.3K 49 4
                                    

Athena Pov:

Pagpasok ko sa hospital hinanda ko na ang tipid na ngiti ko, ayoko man sila ngitian wala akong choice Dahil isa si mommy sa board of directors dito sa hospital. Bawal siyang bigyang ng kahihiyan. TSS

"Good morning Doc. Athena" bati nila sakin

"Good morning doc" ngiti lang Athena, prim and proper ka wag mo kalimutan.

"Good day Doc. Athena" bati sakin ni Olivia, Assistant nurse ko siya.

"What are you doing here ?" Tanong ko sa kanya dahil naabutan ko lang naman siyang nakikipagtsismisan sa reception area.

"Ehh, doc may tinanong lang po ako kay nurse Marie" napapakamot sa batok niyang sagot sakin

Hindi na ko sumagot at naglakad na papuntang office ko, sinabayan naman niya ko.

"Grabe ang ganda talaga ni Doc. Athena"

"Sinabi mo pa, siya pinakamagandang babae na nakita ko sa buong buhay ko"

"Hindi lang maganda, sexy pa, at napaka talented"

"Oo nga, naalala ko noong last year noong kumanta siya habang nagpiano, kitang kita sa mata ng magulang niya na proud na proud sila sa anak nila"

"Oo last year yun Nung anniversary ng hospital"

"Sobrang perfect niya nakakaingit"

"Matalino yan si doc. Mula bata yan valedictorian yan Elem. And highschool
Tapos magna cum laude pa noong college"

"Kaya hindi kataka-taka kung bakit siya ang top notcher sa board exam"

Nagsmile lang ako sa mga bubuyog sa tabi-tabi, gustuhin ko man magtaray dahil pinagtsitsismisan ako, bawal dahil nga prim, and proper athena ang peg ko dito sa hospital.

Pagpasok ko sa office, may nakita akong flowers sa desk ko,

"Kanino galing ?" Tanong ko kay Olivia

"Kay Doc. Neil po Doktora" kinikilig na sagot niya sakin.

Well, sinong hindi kikiligin eh sobrang gwapo nun, si Doc Neil ang living Oppa dito sa hospital, Anak siya ng may ari ng hospital na to, and sad to say nanliligaw siya sakin, well don't get me wrong hindi ako choosy sa pagpili ng magiging boyfriend sadyang wala pang go signal sa mga magulang ko na pwede ako makipagrelasyon.

"Please put the flowers in the vase and pakitapon ang letter sa trashcan" utos ko kay Olivia

"What's my appointment for today livi?" Tanong ko sa kanya

"Ehh doc, di niyo po ba babasahin muna ung letter?" Nagtatakang tanong niya sakin.

"No, not interested. So what's my appointment for today?" Walang gana kong tanong sa kanya

"Rounds lang po ngayong Umaga doc, then after lunch my dalawang operation po kayo, nasa desk niyo na po mga medical records ng mga patients doc" magalang na sabi niya

Dangerous Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon