(P.S: EXPECT SOME GRAMMATICAL ERRORS)
Palagi akong nasa bahay, nakakulong at palaging bored, simula ng magkapandemya ay minsan lang ako lumalabas kung kinakailangan lang.
Nandito ako ngayon sa harap ng aking computer, tamang fb lang, tamang scroll dito, scroll dyan.
Boring diba?
Kaya napag isipan kong mag omegle since may nakita ako sa isa sa mga post ng kaibigan ko na may nakilala syang ibang tao sa omegle, kaya dahil sa kuryosidad ay nagtry akong gumamit ng website o app na iyon.
Ng mabuksan ang website sa aking computer ay Naglagay muna ako ng account para malaman ng iba kung lalaki o babae ba ako at kung saang bansa ako naroroon.
Ng matapos na ay nagsimula na ako sa website na iyon. Medyo masaya din na naranasan ko iyon kasi atleast Kahit online ay may mga tao pa din ako na nakikilala.
Atleast in that way ay kaya ko pa ring makisalamuha sa iba.
Masyado na akong nag eenjoy sa website na ito.
Maya Maya lamang ay may 4 na tao sa kabilang linya. 2 babae at 2 lalaki hindi sila mapagkakamalang magkakapatid dahil hindi nila kamukha ang isa't isa.
"Hi" simpleng bati ko sa kanila
"Hello sa inyo" sabay sabay nilang bati sa kabilang linya
"Taga saan kayo?" tanong ko
"Taga ****** po, kayo?"
"Taga *******"
"Ang layo nila HAHAHAHA" Tawa ng isang babae sa kabilang linya
Ang simple nya sa ayos nya, may salamin man o wala.
Teka, hindi pwede ito, hindi ko naman sya kilala eh.
"nga pala, anong pangalan nyo tsaka magka ano ano kayo?" tanong ko sa kanila dahil iba iba sila ng mukha
Ako si Daphne at ito naman ay mga kapatid ko" Nakangiting sagot ng babae
Daphne, napakagandang pangalan.
Pangalan na nakakuha ng aking atensyon.
Habang naka on screen pa kami Sa ometv ay nagtanong sila sa amin.
"Ahm, pwedeng magtanong?"
"Yeah sure, what is it?"
"Pwedeng malaman fb nyo?"
"Yeah, pero anong fb name nyo?"
Tanging tango lang ang isinagot nya at di kalauna'y itinype nya ang kanyang account.
I immediately search it to know her account and before i add it i ask her confirmation kung kanya at active ba iyong account nya.
Ang ganda nya at teka...
Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko?
T-teka, inlove na ba ako? Ang bilis naman ata.
Nabalik lang ako sa wisyo ng magsalita sya sa kabilang linya.
"Nakakaabala na ata kami HAHAHA kita kits nalang sa fb! Bye!" masigla nitong pagpapaalam
Magpapaalam na sana ako ng bigla na itong nawala sa linya namin.
Haystt bawi nalang sa chat.
After an hour of talking to strangers, i decided to visit her account.
Stalker.
Yan ang salitang masasabi ko sa sarili ko ngayon dahil sa aking ginagawa.
Hanggang sa nagsawa ay umalis na ako sa Pagtingin sa kanyang account kaya nagdecide na akong i-chat sya.
On app:
I search her name first and noong una ay hindi ko talaga alam ang aking ichachat.
Noong una ay nag aalangan pa ako pero di kalauna'y nagdecide akong magsabi ng "Hi" sa kanya.
Nahiya ako bigla kaya iooff ko na sana ang aking phone ng bigla itong tumunog hudyat na may notifications na dumating mula sa iba.
Akala ko ay hindi nya sasagutin ang aking chat since sikat sya dahil sa sobrang daming followers nya sa kanyang account kahit din sa ibang social media platforms na meron sya.
Sana all sikat diba? HAHAHA
Ng basahin ko ang reply nya ay ito ang nakalagay.
Her:Oh,Hello! Ikaw ba yung nakausap namin sa omegle?
Me:Ah oo ako nga hehehe
Her: Kamusta ka pala?
Me: Okay naman
Her: Ang cute ng kasama mo, kapatid mo?
Me: Hindi, pinsan ko yun
Her: Ah okay, i see kaya pala medyo singkit din
Tanging tawa nalang ang naisagot ko sa kanya.
Kahit kelan bored talaga akong kausap, Haystt
Simula ng magkachat kami walang araw na hindi ko sya iniisip, wala ding araw na nawawala sya sa isipan ko.
Chat pa lang pero kinikilig na ako. What if personal pa kaya?
Nagtuloy-tuloy ang aming pag-uusap kada araw at sa hindi inaasahang pangyayari ay napa-amin ako ng wala sa oras.
Her: Sino ba yung taong nagugustuhan mo? Baka matulungan kitang manligaw sa kanya
Me: Gusto mong malaman?
Her: Oo, alangan namang hindi paano kita matutulungan nyan HAHAHA
Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi kasi baka hindi na kami nito mag-usap.
Pero dahil panay ang Kulit nya sa akin ay wala na akong nagawa kundi ang aminin kung sino ang aking nagugustuhan.
Nanginginig kong itinype ang aking sagot.
Me: Ikaw. Ikaw ang gusto ko.
Nag-off na ako para di ko na malaman ang kanyang sagot.
Pero sa di inaasahang pangyayari ay kinuha ng pinsan ko ang aking cp.
"Woi insan! May nagchat sayo" pang-aasar nito
"Hayaan mo yan"
"Anong hayaan insan! Ang sabi sa chat ay paano kung gusto kita?! Woa insan! Pogi mo talaga HAHAHA"
Doon na ako nabigla.
Is it t-true?!
Kinikilig ako shems.
Teka... Breath in... Breath out...
S-seryoso ba ito?
Dali dali kong kinuha ang aking cp at tinignan kung totoo ba ang sinasabi sa aking Pinsan. May mga oras kasi na binibiro ako nito.
Di ko namalayan ang aking Pinsan na nasa likod ko din pala para tignan ang aking isasagot.
"Woi insan HAHAHA kinikilig ako sa inyo, shemss sagutin mo na dali"
"What if ikaw ang sumagot? Panira ka ng diskarte" sarcastic kong sagot dito
"Sorry naman insan"
Ibinalik ko nalang muli ang aking atensyon sa aking cp para replayan si Daphne.
Me: Teka... Gusto mo din ako?
Her: Oo, ang bait mo kasi tsaka nakikita ko na ang close mo sa family mo
Inner of mind ay kinikilig talaga ako, sadyang ayaw ko lang magpahalata sa pinsan ko.
Pero di kalauna'y nakatanggap ako ng isang hampas mula sa aking pinsan na kung makatili ay parang akala mo ay nakakita ng gwapo.
"Insaaaaannnnnnn kyaahhhh kinikilig ako HAHAHA"
"Tsk."
After that confessions to each other. We decided to know each others in personally. I can say na maayos ang buhay nya, walang problema lahat ay kinakaya nya. I'm thankful that i met this woman.
THE END.
THIS STORY IS DEDICATED TO:
GERALD PANGANIBAN MESINA
DAPHNE
BINABASA MO ANG
Short Stories Compilation
RandomShort stories that are posted in my facebook account. Short poems compilation will be having a separate book to be look organized for the readers.