LATE REPLY

0 0 0
                                    

Kahapon pa ako panay chat ng chat sa kaniya. Ilang oras na ang nakalipas simula ng huling sagot nito sa aking chat ngunit hindi na ito nasundan pang muli.

Nag-iisip ako kung ano ang ginagawa nito or hindi kaya ay ginhost na ako nito.

Maraming bagay na ang bumabagabag sa aking isipan ngunit iniisip ko na baka nawalan lamang ito ng connection or hindi kaya ay busy lamang ito sa trabaho niya.

Hanggang sa umabot na nang hapon ay wala pa rin itong reply kaya kung ano-ano na ang aking naiisip.

'baka ginhost na ako nito'

'panget siguro akong kausap kaya hindi na ito nagchachat'

'may iba na 'to for sure'

'Ang daya mo, idol'

'wala, hindi ko na isusurething 'to'

Ilang lamang 'yan sa mga iniisip ko, dahil hindi ko talaga alam ang reason kung bakit hindi ito nagparamdam simula kahapon.

Hindi na ako umasa na magchachat muli ito sa'kin kaya hinayaan ko na lamang. Umalis din ako kanina dahil may pinautos sa'kin si papa at nang makabalik na'ko sa bahay namin ay sandamakmak na mensahe nito ang natanggap ko.

'Sorry po, hindi ako nakapagreply kaagad, wala po kasing Wi-Fi dito sa lugar na pinuntahan ko'

You missed a call from ****

'Nasaan ka po? Sorry hindi ako nakapagsabi sa'yo, wala din kasi akong data kaya nakalimutan kong ichat ka'

'Anyare po? Ba't may pasa ka? Saan galing 'yan?'

'Sorry, hindi na mauulit ito'

'Subukan kong makapag online mamaya para makausap ka'

Ilan lamang 'yan sa mga mensaheng ipinadala niya kaninang alas tres ngunit hindi ko ito nabasa dahil naiwan ko ang aking cellphone sa bahay.

Hanggang sa dumating ulit ako sa bahay ay may huling mensahe itong ipinadala ulit sa'kin.

'wag ka po masyado mag overthink ah'

'bye po ulet'

'😙'

Huling mensaheng ipinadala niya sa akin bago ito tuluyang nag-offline.

At nang basahin ko ang kaniyang mensahe ay natawa na lamang ako.

'Kung hindi mo lang alam, kahapon pa ako nag-ooverthink dito.'

Short Stories Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon