HURT

0 0 0
                                    

'Labas! Wala kang kw*nta!'

'Duh, you deserve it'

'Tss, bagay sa'yo 'yan, Vera'

Ilan sa mga naririnig kong sinasabi nila habang binubugbog ako ni Itay, nagsumbong kasi si Ate Jill na may kasama daw akong lalaki at mas inuuna ko daw ito kaysa sa gawaing bahay.

"Itay, hindi naman po totoo 'yun, nagmamakaawa po ako sa inyo, wala po akong ginagawang masama!" nagmamakaawang sambit ko kay itay

"Wala kang kwenta! Lahat nalang puro ka katwiran, wala kang ginawang tama!" Galit na sambit nito habang patuloy na binubugb*g ako nito

Ng magsawa ito sa kabubugb*g ay kusa nila akong iniwan sa abandonadong kwarto kung saan ay wala itong bintana, ilaw at tanging sirang higaan at malinis na cr lamang ang meron ito.

Sinubukan kong kumilos ngunit hinang-hina na ang aking katawan.

Nagising na lamang ako na nasa sala, pinakiramdaman ko kung may kasama ako ngunit ni isang anino ay wala akong nakita.

'Silvestre! Bilisan mo! Ang anak natin!' sigaw ni Inay kaya dali-dali ko itong pinuntahan sa lugar kung saan siya sumisigaw

'Ano ba 'yun?!' sagot ni tatay

'Tay, nay? Ano pong meron?' pagtatanong ko rito ngunit hindi ako nito pinansin

Tanong ako ng tanong sa kanila ngunit walang ni isang gustong pumansin sa akin, napansin ko na pumunta sila papunta sa abandonadong kwarto kung saan nila ako sinaktan.

Napansin ko na biglang nanigas sa kaniyang pwesto si itay ngunit bigla itong tumakbo kaagad at niyakap ang isang malamig at walang buhay na katawan ng isang...

A-ako?!

Hanggang sa bumalik sa aking memorya ang lahat ng nangyari.

Akala ko matutulog na ako ngunit iyon na pala ang aking huling buhay.

"Anak, patawarin mo si Itay, hindi ko sinasadya na saktan ka, anak, gumising ka, 'wag mo kaming iwan" paulit-ulit na sambit ni itay habang yakap ang walang buhay kong katawan

"Tay, pinatawad ko na kayo" huling salita na lumabas sa aking bibig bago ako maglaho sa kanilang harapan.

THE END.

Short Stories Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon