I have a young Bestfriend, itago na lamang natin sa pangalan na "Kaye" i just met her in social media not until i met her in personally, masasabi mo talagang matangkad siya.
At our first met, literal na nagulat ako dahil ang tangkad niya samantalang ako hindi man lang ako umabot sa mukha niya.
Kasalanan ko bang ipinanganak akong 'di pinalad sa height? Huhu.
But anyways, halos araw-araw magkachat kami, mapa-umaga, tanghali o gabi, kaya ang tingin ng iba sa akin ay may jowa o boyfriend ako dahil halos buong araw ay nakatutok ako sa aking cellphone.
Hanggang sa dumating ang pasukan ay madalang nalang kaming mag-usap dahil na rin sa busy kami sa isa't isa.
Halos umabot na rin ng 5 buwan ang aming pagkakaibigan at kahit na malayo kami sa isa't isa. Halos lahat ng sikreto ng bawat isa sa amin ay alam na alam namin.
Saksi rin siya noong umamin ako sa kaniyang kuya, hindi ko alam pero tuwang-tuwa kaming pagtripan ang bawat mga nakakasama namin, at higit sa lahat ay tuwang-tuwa kaming pagtripan ang kaniyang kuya.
Hindi ko rin alam kung bakit nagkagusto ako sa kuya niya, ngunit tama nga ang sabi ng mga kaibigan at ng kapatid niya.
'Na red flag siya'
See? HAHAHAHA iba talaga ang kalokohan namin sa isa't isa.
At ngayon ay araw ng Lunes at nagising ako ng maaga dahil sa nakakasanayan ko tuwing araw ng pasukan ay nagigising ako ng maaga.
Hindi na rin ako masiyadong active sa lahat ng aking social media since gusto ko din makapagpahinga mula sa paningin ng ibang tao.
Ng mapagdesisyunan kong magbukas ng aking messenger ay bumungad sa akin ang ibang mga chats na hindi ko nareplyan at isa na rin dun ang kaniyang mensahe sa akin.
"Anteh, kamusta ka?" tanong nito sa akin sa chat
"Uyyyy, kamusta ka rin? Ako? Buhay pa naman HAHAHAHA char" pagbibiro ko sa chat
And unexpectedly ay nagreply kaagad ito.
'Ang aga naman magising nito' sambit ko sa aking isipan
"Miss na kita anteh" reply niya sa aking chat
"Miss na miss ko na rin kayo" i replied back to her
Nagpatuloy ang aming usapan, napag-usapan rin namin ang tungkol sa kaniyang kuya hanggang sa dumating ang aming usapan sa cellphone niya.
"Pray na sana magawa na yung phone ko eshahahah" chat nito sa akin
At sa hindi ko na napigilan ang aking sagot.
"magagawa 'yan tapos sana sa kuya mo naman ang masira para 'di na sila magkausap ng nililigawan niya (Huyyyyy)" i replied back to her
At siya namang pagreact niya ng "HAHA" sa aking mensahe.
Maya-maya ay nagpaalam na ito sa akin dahil matutulog muli siya since 4 hours lamang ang kaniyang tulog.
I forbid my goodbye to her, at pagkatapos ng aming Pag-uusap ay isang ngiti lamang ang aking Nagawa bago bumalik sa aking ginagawa.
'Haystt sa wakas, nakabawi rin ako ng Pang-titrip sa kuya niya' bulong ko sa aking sarili bago umalis sa aking kwarto
BINABASA MO ANG
Short Stories Compilation
RandomShort stories that are posted in my facebook account. Short poems compilation will be having a separate book to be look organized for the readers.