Ala-syete na ng gabi nang ako'y utusan ni Itay. Sinabi nito na bumili ako ng kape sa tindahan dahil magtitimpla daw siya.
Walang reklamo ko itong sinunod para makalanghap din ng hangin mula sa labas kahit papaano.
Habang binabaybay ko ang daanan papunta sa tindahan ay nakasuot lamang ako ng headset sa aking mga tainga habang walang emosyong naglalakad.
Hindi ko alam pero lagi kong ginagawa iyon kaysa maglakad ng nakatulala.
Nang makarating na ako sa tindahan ay naghintay muna ako dahil may bumibili pa sa harap ko ng sabong panlaba.
Maya-maya lang ay natapos na ito sa kaniyang ipinamili at ako na ang susunod.
Nang ako na ay tinanong ako ng tindera.
"Anong sa'yo, neng?" pagtatanong ng tindera sa'kin
"Kape po." malamig kong sambit sa tindera
"Ilan?"
"Isa lang."
Bago nito ibigay sa akin ang aking binili ay tinanong niya ako.
"Bakit ang seryoso mo sa buhay, ineng? HAHAHA galit ka ba sa akin?" natatawang tanong nito sa akin
At tanging tawa lamang ang aking nasagot sa kaniya.
Masiyado lamang akong naging seryoso sa buhay kaya siguro pati sa pagbili sa tindahan ay napakaseryoso ko din.
Wakas
BINABASA MO ANG
Short Stories Compilation
RandomShort stories that are posted in my facebook account. Short poems compilation will be having a separate book to be look organized for the readers.