Hindi ko alam pero sobrang hilig ni Tatay sa mga manok. Minsan nga iniisip
ko na mas anak pa ang turing nito kaysa sa'min.Wala kaming ibang alaga rito kun'di mga manok na panabong lamang. Kung bibilangin lahat ng alaga ni Tatay ay mayroon siyang 26 na manok na panabong. Ang rami di'ba? Mas marami pa 'yong manok kaysa sa'min na dadalawa lang na magkapatid.
Alagang-alaga ni Tatay lahat ng kaniyang mga manok kaya kapag inilalaban ito ay madalas puro panalo ang nakukuha at hindi naluluto.
Isang araw, niyaya kong gumala ang aking kapatid. Sa bahay namin ay madadaanan namin ang sabungan ng manok rito at kadalasan ay nandon si Tatay para dalhin ang kaniyang mga manok.
"Kuya, tignan mo iyong manok ni Tatay! HAHAHAHA" Natatawang saad ni Jillian kaya sinundan ko ng tingin ang kaniyang itinuturo
At parehas kaming napahagalpak ng tawa dahil sa aming nakita.
'yong manok ni Tatay nakataas ang mga balahibo at for sure diretso luto ito, mamaya HAHAHAHA. Hula ko na mahina ang manok na iyon base na rin sa kilos nito kanina bago siya dalhin ni Tatay sa sabungan.
Grabe ang manok ni Tatay parang si Tatay lang ang datingan HAHAHA.
ALL RIGHT RESERVED.
©️ 2022 honeybunchyyyywp
BINABASA MO ANG
Short Stories Compilation
De TodoShort stories that are posted in my facebook account. Short poems compilation will be having a separate book to be look organized for the readers.