Alas-otso ng gabi nang maisipan kong magbukas ng tiktok app. Ang tagal na nitong app sa cellphone ko pero limang buwan na din pala simula ng huling bukas ko nito.
Madami akong mga videos sa app na iyon at hanggang ngayon ay follower ko pa rin ang aking ex na itago nalang natin sa pangalan na Adrian.
Si Adrian ay ang dati kong boyfriend, tumagal kami ng halos limang buwan pero naghiwalay din kami sa kadahilanang siya ay nagloko.
Hindi ko nga alam na magagawa niya iyon dahil iba siya sa mga kuya niya na loyal sa mga girlfriend at asawa nila.
Oo, aaminin ko na gwapo siya pero binabawi ko na ngayon.
Sobrang healthy ng relasyon naming dalawa, mas healthy pa nga daw sa prutas ika nga ng iba pero nabago lang 'yon bago mag-limang buwan ang aming relasyon.
Hindi ko alam kung magugulat ba ako or kung iiyak ako dahil sa nalaman ko nang mga oras na iyon. Kung hindi ko siguro nakausap 'yong babae for sure until now hindi ko malalaman na cheater siya.
Ang ganda-ganda ko tapos lolokohin lang ako. Duh, okay ka lang ba boi?
But to make the story short, after our break-up ay hindi ko siya kinausap ng isang buwan pero after that month ay humingi siya ng kapatawaran sa'kin pero syempre pinatawad ko kasi tao lang din naman siya.
Nanligaw siya ulit pero sorry, hindi marupok si Ate girl niyo. Hinayaan ko lang siya na manligaw sa akin hanggang sa mapagod siya. Ang hirap kasing magtiwala ulit lalo na kung sinira nila ang tiwala mo.
Nagkaroon ng habulan serye during the courting stage at may times talaga na naghahabol ako sa kaniya pero mas naghabol siya sa'kin dahil ako 'yong taong nagpabago sa kaniya and at the same time is kilala ng family niya.
Back to the present, habang nag-iiscroll sa tiktok ay may isang video ang nakakuha ng aking atensyon kaya binuksan ko ang ilaw sa aking kwarto para masimulan ang pagvivideo.
Video and after that ay onting edit and posted na!
Wala pang isang oras ay madami na ang nagrereact sa video ko at nang mapagod na'ko kakahanap ng ibang videos ay natulog nalang ako.
Kinabukasan, dala na rin ng sobrang pagkabored sa bahay dahil tapos ko namang gawin lahat ng aming gawaing bahay ay napagdesisyunan kong tignan ang aking cellphone at sa hindi inaasahang pangyayari ay nakita ko ang isang notification na nagbigay ng kuryosidad sa akin.
'Adrian0321 liked your video'
Huh? Himala, nag-open siya ng tiktok.
Pero ang mas nakakapagtaka pa ay halos lahat ng mga videos ko ay nakareact at nakaview siya.
Kaya napatanong na lamang ako sa aking isipan.
'Nakamove-on ka na ba, ex?'
Tagal na nating hiwalay pero halos lahat ng mga accounts ko sa social media ininstalk mo pa rin, ganda ko naman kung ganon.
Wakas
BINABASA MO ANG
Short Stories Compilation
AcakShort stories that are posted in my facebook account. Short poems compilation will be having a separate book to be look organized for the readers.