(P.S: EXPECT SOME GRAMMATICAL ERRORS)
"Nak, Dito ka muna sa bench ah? May bibilhin lang muna ako"
"Sige po mommy" Nakangiting sagot ko
Habang naghihintay ako kay mommy ay may isang batang lalaki ang nakapukaw sa aking atensyon habang sinasabihan sya nito ng kanyang tatay. Pero parang hindi naman ito pinapagalitan kasi nakangiti syang tumatango sa kanyang tatay habang hawak ang mga bulaklak.
Pagkatapos nilang mag-usap mag-ama ay nagtaka ako ng papunta sakin ang batang lalaki.
Bakit sakin sya pupunta?
"Hello" Nakangiting bati sakin ng batang lalaki
"Hi" Balik na sagot ko sa kanya
"May ibibigay pala ako sayo"
Mahilig syang ngumiti kahit na bungi ang kanyang mga ngipin
"Ano yun?"
"Flowers 4 U" pagkatapos nyang ibigay ang bulaklak sakin ay bigla syang sumigaw ng "Gusto Kita!" sabay takbo papunta sa kanyang ama
Natatawa ako ngunit hindi dahil sa kalokohan kundi dahil sa saya. Saya dahil sa natanggap ko mula sa di ko kilalang batang lalaki.
Nagtataka si mommy ng may makita syang bulaklak na hawak hawak ko
"Saan yan galing nak?"
"Mommy may nagbigay po sakin, Bungi po sya pero ang cute nya. Ayun po sya sa mga paradahan ng kotse yung kumakaway satin"
"Nagdadalaga na ang aking anak" maluha luhang sabi sakin ni mommy
The End.
𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑫𝒆𝒅𝒊𝒄𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏
𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎
𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝒄𝒓𝒊𝒎𝒆
BINABASA MO ANG
Short Stories Compilation
RandomShort stories that are posted in my facebook account. Short poems compilation will be having a separate book to be look organized for the readers.