Tulad rin ng ibang mga bata, gusto ko rin makasama ang aking pamilya sa araw ng pasko, tuwing pasko kasi ay nag-iisa lamang ako dahil lagi akong iniiwan ni Lola sa bahay, palagi itong pumupunta sa mga kaibigan niya para makipagsaya at makipag-sosyalan.
Bata pa lamang ako ng iwanan ako nila ama't ina, ang katwiran nila ay hindi nila ako kayang buhayin dahil ako'y isang pagkakamali lamang. Pagkakamali na hindi nila kayang tanggapin.
Mabuti na lamang ay mga kaibigan akong hindi nang-iiwan, lagi silang nasa tabi ko tuwing nakakaramdam ako ng pag-iisa.
Tulad ngayon, araw ng pasko at ako lamang ang narito sa aming bahay at dahil sa tapos ko na rin gawin ang lahat ng aking mga kailangan gawin ay naisipan ko na lamang na manood.
Magbubukas na sana ako ng tv ng biglang tumunog ang aking cellphone. At ng tignan ko ang caller ay si Clinton lang pala.
'Trix, i know na mag-isa ka na naman, punta kami diyan' sabi nito sa kabilang linya
'Si--' sasagot na sana ako ng bigla niyang pinutol ang kabilang linya
'Napakabast*s talaga nitong kausap' sabi ko sa aking isipan
Akmang kukuha ako ng pagkain sa kusina ng biglang may kumakatok at sumisigaw sa labas.
"Trix! Open this door! We're already here!" Sigaw ni Clinton sa labas
Binuksan ko na lamang ang pinto at laking gulat ko ng makita sina Jame, Nickel, Oprah, Silver, na kasama ni Clinton.
"A-anong ginaga---" Magtatanong sana ako ng biglang sumingit si Oprah
"Tinatanong pa ba 'yan? Syempre! Nandito kami para magnoche buena kasama ka!" masayang sambit ni Oprah na ikinatuwa ng mga kasama niya
Kahit na alam kong magugulo silang kasama ay hindi pa rin nila ako kinalimutan. Nag-iisa man ako ngunit nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan niya ako ng mga kaibigang hindi ako kinalimutan.
BINABASA MO ANG
Short Stories Compilation
RandomShort stories that are posted in my facebook account. Short poems compilation will be having a separate book to be look organized for the readers.