TADHANA

1 0 0
                                    

Dati iniisip ko lamang kung may tao bang handa akong tanggapin due to my flaws.

Pero hindi ko inaasahan na darating ang panahon na pagtatagpuin kami ng Tadhan

Siya si Xavier, Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang pagtingin ko sa kaniya. Ang bilis niyang makuha ang aking atensyon.

--FLASHBACK--

Nagmamadali akong maglakad dahil mahuhuli na ako sa pagpasok sa aking trabaho ng may isang tao ang nakabangga sa akin.

"Shesshhh, hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo?!" Iritang sambit ko

Ngunit tinulungan lamang ako nitong mag-ayos ng mga gamit kong nahulog.

"I'm sorry miss, nagmamadali rin kasi ako,btw you are?" Pagtatanong nito sa akin

"I'm Crystal, how about you?"

"I'm Xavier, nice to meet you Miss Crystal" nakangiting sambit nito sa akin

"Nice to meet you too, but I'm sorry I have to go, may pasok pa ako at ilang minuto na lamang ay mahuhuli na ako"

"Sorry HAHAHAHA btw have a nice day Miss Crystal" pagpapaalam nito sa akin

Tanging tango at tipid na ngiti lamang ang aking isinagot at nagmadali ng pumasok sa aking trabaho.

Ng makapasok na ako sa trabaho ay saka ko lamang napagtanto na may naiwang panyo sa aking bag at ng amuyin ko ang amoy nito ay amoy pabango ng lalaki.

At muli kong naalala si Xavier.

'What if sa kaniya ito?'

Tinanggal ko na lamang iyon sa aking isipan at muling nagfocus sa aking trabaho.

Ng matapos ko na ang aking trabaho ay nagbabakasakali akong muli kaming magkita para maibalik ang panyo na kanina pang nasa aking bag.

Hinintay ko siya sa lugar kung saan kami nagkita kaninang umaga.

Papunta pa lamang ako sa lugar na iyon ng may kamay na humatak sa akin at niyakap ako.

'Wait? Si Xavier ba ito?'

"Xavier?" Pagtawag ko sa atensyon niya

"Shesshh kanina pa kita hinahanap" dagdag ko

"Why?Namiss mo ako no? HAHAHAHA" pang-aasar nito sa akin

"Ang hangin mo naman HAHAHAHA but anyway, bakit napunta sa bag ko ang panyo mo?"

"Hala! Kaya pala nawawala sa bulsa ko" nakangising sambit nito

"Bakit nakangisi ka diyan?" Pagtataray ko

"Syempre kaya siguro nangyari 'yun dahil tayo ang itinadhana"

"Tigilan mo nga ako, wala akong oras na makipagbiruan sa'yo, tsaka teka masyado ka namang feeling close sa akin"

"Sorry, gwapo kasi ako HAHAHA"

Hindi ko na lamang pinansin ang mga pinagsasabi nito at tuluyan na akong umalis.

Ng makauwi na ako ay may isang hindi rehistrado na numero ang tumatawag sa akin.

*Calling unknown number*
0964*******

'Sino na naman ang tatawag sa akin?' sambit ko sa aking isipan

Walang pagdadalawang-isip ko itong sinagot.

"Hello? Who's this?" Pagtatanong ko sa kabilang linya

"Hihi" tanging sinabi niya sa kabilang linya

"Sino ba kasi ito?"

"Kinikilig ako sa'yo Crystal"

Ng dahil sa kaniyang sinabi ay nakilala ko ang kaniyang Boses.

'Xavier'

"Paano mo nakuha ang number ko? At sinong nagbigay sa'yo?"

"Syempre hindi ko na sasabihin"

Pinatay ko na lamang ang tawag at nagpatuloy na lamang ako sa pag-aayos ng aking sarili.

Makalipas ang ilang araw, linggo, buwan ay nagpatuloy pa rin ito sa pangungulit sa akin.

Oo, aaminin ko na nagugustuhan ko siya pero may parte pa rin sa akin na baka hindi niya ako gusto because of my flaws.

Pilit ko siyang iniiwasan sa paraan na ako lang ang nakakaalam ngunit sadyang makulit yata ang Tadhana ay hindi pa rin ito umaalis sa tabi ko.

'Di kalauna'y umamin ito sa akin habang nakaupo kami sa isang upuan na nasa parke.

Habang nakatingin ako sa papalubog na kalangitan ay bigla nitong hinawakan ang aking kamay.

"Crystal" pagtawag nito ng aking atensyon

"Hmm? May kailangan ka?" Pagtatanong ko sa kaniya habang nakatingin pa rin sa kalangitan

"Mahal kita" pagkatapos niyang sabihin iyon ay tuluyan akong napaharap sa kaniya

"U-ulitin mo nga" nauutal kong sambit

"Mahal na mahal kita Crystal, kaya please lang 'wag kang layo ng layo kung ayaw mong mapunta kaagad tayo sa kasalan HAHAHA"

"Ba't naman ako lalayo? Ikaw din naman Ang itinitibok ng aking puso"

"Mahal kita"

"Mas mahal kita Hanggang sa walang hanggan"

---END OF FLASHBACK--

Parang kailan lang ay nagkabanggaan lamang kami sa daanan ngunit ngayon ay opisyal na siyang AKIN.

Iba talaga kapag mismong tadhana na ang gumagawa ng paraan.

THE END.

Short Stories Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon