HANGGANG TINGIN NA NGA LANG BA?

1 0 0
                                    


Segundo, minuto, oras, araw, linggo at buwan. Ang tagal na rin pala simula nang makilala ko si Jian.

Jian Anne Selantina ang kaniyang ngalan, pangalan palang pero ang ganda nang pakinggan.

Nagsimula ang aming pagkakakilala sa pagiging magkaibigan hanggang sa nagkaroon ako ng kakaibang nararamdaman na hindi ko naramdaman sa kahit sino man.

Palagi na lamang akong nakatingin sa kaniya.

Hanggang tingin na nga lang ba? O kailangan ko rin gumawa ng kilos?

Pero natatakot ako kung aamin nga ba ako o hindi.

Naalala ko ang naging usapan namin noong nakaraang linggo.

"Jian" inagaw ko ang atensyon niya mula sa pagbabasa ng kaniyang libro

"Bakit?" sagot nito sa'kin

"Tanong ko lang if may isang tao na magkagusto sa'yo, anong gagawin mo?"

"Tatanggapin ko pero alam kong wala pa namang tao ang magkakagusto sa'kin. Ugali palang, suko na kaagad sila"

"Pero baka malay mo nandiyan lang pala sa tabi-tabi HAHAHAHA" biro ko sa kaniya na tinawanan niya lamang

"Pero kung may nagugustuhan kang lalaki, ano ang mga standards mo?" pahabol kong tanong rito

"Hmm... Siguro 'yong makadiyos, loyal, tahimik pero madaldal rin minsan, mahilig magbasa, marunong maglinis ng bahay at magluto, marespeto, magalang, hindi guilt tripper at pavictim, hindi mabilis mapikon, clingy, walang anger or trust issues, helpful syempre, tumutupad sa usapan, mahilig sa letter, hindi naghahanap ng iba tsaka ang huli ay alam ang limitasyon sa iba"

Napaisip ako sa mga sinabi niya dahil lahat ng mga nabanggit niyang standards ng lalaki ay nasa akin na. Hindi ko alam kung nagiging delulu ako pero pakiramdam ko ay ako ang binabanggit niya na gusto niyang makasama o maging kapartner niya sa kaniyang buhay.

Pero natatakot ako na baka hindi ako ang gusto niya.

Kaya ito ako ngayon hanggang tingin nalang sa kaniya sa malayo.

ALL RIGHT RESERVED.
©️ 2022 honeybunchyyyywp

Short Stories Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon