JUST CONFESSED

5 2 0
                                    

(P.S: EXPECT SOME GRAMMATICAL ERRORS)

Nandito lang ako sa may balkonahe ng aking kwarto, nakatulala at nag-iisip ng pwedeng gawin hanggang sa naalala ko ang aming telepono kung tawagin namin ni Kace. Yun ang ginagamit namin upang magkausap kami kahit na sa baba lang sya nakatira.

Si Kace ay isa sa mga kaibigan ko na masasabing seryoso ngunit may mga panahon na sweet at kung minsan naman ay possessive, ngunit kahit ganun ang kanyang ugali ay hindi yun ang dahilan para hindi ko na sya magustuhan.

Naisipan kong hilahin ang telepono para malaman nya na nandito ako sa balkonahe. Narinig ko na may kumuha rin ng telepono sa baba, kaya nagsalita ako dito

"Kace, Nandyan ka ba?"

"Yes,Why? Do you want to talk?"

"Oo, wala kasi akong magawa"

"Ok"

"Uhm,Kace...May sasabihin ako, sana di ka magbago kapag nalaman mo itong sasabihin ko"

"Hmm, What is it?"

"I...I like you"

Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon ay unti unti ko ng binitawan ang telepono at aalis na sana ako ng marinig ko ang sinagot nya mula sa kabilang linya.

"What do you feel if i like you? Nah, let me say i love you since the first time we met" Sagot nya mula sa kabilang linya

Narinig kong umalis na sya mula sa kabilang linya pero hindi mawala sa aking pandinig ang kanyang sinabi. Tila hindi humihinto sa pagkabog ng malakas ang aking puso dahil sa aking mga narinig.

Nabalik lang ako sa aking ulirat ng may kumatok sa pinto ng aking kwarto ng puntahan at buksan ko ito ay isang mahigpit na yakap mula sa lalaking kinagugustuhan ko ang sumalubong sa akin.

"I love you" buong pusong sinabi nya sakin

Hindi ko mapangalanan ang sayang bumabalot sa aking puso, maitututuring kong isa sa mga masasayang araw ang araw na ito.

THE END.

Short Stories Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon