MUSIKA

4 0 0
                                    

(P.S: EXPECT SOME GRAMMATICAL ERRORS)

Tuwing malungkot ako ay musika ang aking kasama, Ito din ang aking pahinga sa oras na ako ay napapagod pisikal man o mental.

Musika ang naging sandalan ko tuwing nawawala ako sa sarili, Tanging musika lamang ang nagpapasaya ng aking buhay.

Nandito ako ngayon sa veranda, nagpapahinga dahil kakatapos ko lamang maglinis ng aking katawan galing sa trabaho.

Hawak ko ang aking gitara at nag iisip ng pwedeng kantahin para mapawi ang aking pagod kahit ngayong oras man lang.

Habang nag iisip ako ng kanta ay may naramdaman akong presensya sa aking likod at di nga ako nagkamali dahil nandun si Kylie na halatang tinitignan ang aking mga galaw.

"Mahal, gabi na bakit nandito ka pa sa veranda?" Tanong nya habang nakayakap sa akin

"Nagpapahinga lang ako mahal, tsaka alam mo namang musika ang tanging takbuhan ko kapag pagod ako"

"Kantahan mo nga ko Mahal" Nakangiting nyang ani

"Ano bang kanta ang gusto mong ikanta ko?"

"Crazier By Taylor Swift" Nakangiti nyang ani

Ngiting nagpapahulog sa akin araw araw

"Okay, sabi mo eh"

Nag istrum na ako ng aking gitara at sinimulan ko ng tumugtog.

🎶I'd never gone with the wind, just let it flow
Let it take me where it wants to go
'Til you opened the door
And there's so much more
I'd never seen it before
I was trying to fly, but I couldn't find wings
But you came along and you changed everything

Sa bawat paggalaw ng gitara ay syang pagkanta ko. Sa bawat kanta ko ng lyrics ay syang pagkalma ng aking sistemang nagwawala kanina.

Ng Ipagpatuloy ko ang aking pagkanta ay mas lalo akong nasiyahan at naging maayos muli.

🎶You lift my feet off the ground
You spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling and I
I'm lost in your eyes
You make me crazier, crazier, crazier, oh-oh

Habang ipinagpapatuloy ko ang aking pagkanta ay sya namang pagngiti ng malapad ni Kylie. Na mas lalong nagbigay ng lakas at saya sa akin para tapusin ang kanta.

🎶You lift my feet off the ground
You spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling and I
I'm lost in your eyes
You make me crazier, crazier, crazier

Crazier, crazier...

Ng matapos ko ang kanta ay bigla na lamang akong binigyan ng isang mabilis na halik sa labi ni Kylie sabay yumakap sa akin.

"Salamat Mahal, salamat sa pagmamahal at sa pagkanta mo"

"Walang anuman mahal, para sayo" Nakangiting sagot ko sa kanya at yinakap sya sa harap ng buwan

Madami mang pagsubok sa buhay, Musika ang isa sa tumulong sa akin para lamang maging masaya at maayos ako. Musika ang isa sa dahilan kung bakit  hinahangaan ako ng karamihan.

THE END.

Short Stories Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon