Switch 1

443 19 5
                                    

Chapter 1

Napakahimbing ng tulog ni Baekhyun, kung hindi lang dahil sa ingay galing sa baba hindi sana siya naalimpungatan at hindi pa sana gising ang diwa niya.

Habang humihikab ay umupo siya sa kama at nag-unat ng katawan.

"Ugh...Hangover is a btch" daing ni Baekhyun nang maramdaman ang kirot sa ulo niya.

Wala sa sariling tumayo siya at pumunta sa pinto. Papikit-pikit pa si Baekhyun habang sinasapo ang ulo niya. Hindi manlang nag abalang mag-hilamos o mag-toothbrush, dire-diretso lang siyang bumaba ng hagdan.

"Ah ansakit ng balakang ko...jusko po aww" yan' di kasi natingin sa dinadaanan, kaya face to face sila ngayon ng sahig. Kailan ba nagka-carpet dito? Aray ha! Good thing no one saw that.

Makakahinga na sana ng maluwag si Baekhyun pero biglang may sumulpot na? "Good morning maam!...Hala! Ano pong ginagawa niyo dyan?!"

"Uhh...could you please help me." Agad siyang tinulungan nito para makatayo.

Inalalayan ni Kat na maka-upo si Baekhyun sa high stool chair sa may breakfast counter. Natagalan pa nga sila bago makarating sa kusina kasi paika-ika lumakad si Baek. Nakakita naman si Baekhyun ng toasted butter bread kaya kumuha siya nito at agad na kinain.

"Maam..." tawag ni Kat sa kanya.

"Yesh?" Sagot ni Baek. Feel na feel ang pagtawag sa kanya ng 'maam'.

"Hindi naman po sa chismosa oh ano po.......Bakit po kayo amoy alak?"

Napatigil si Baekhyun sa pag nguya at napaharap rito. Napangiwi naman si Kat kasi may bread crumbs pa sa labi ang amo niya. Ang cute niya sanang tingnan kung hindi lang talaga siya amoy alak. "Ahh..."

"Nag-aalala po kasi kami talaga kagabi..."

"Ha? Bakit?"

"Kasi po madaling araw na kayong umuwi...tapos lasing pa po kayo nun."

"Ahh..."

"Saan po ba kayo pumunta maam? At sino po yung kasama niyo?"

"Si-"

Hindi na nakasagot si Baekhyun kay Kat dahil in-excuse na nito ang sarili niya para sagutin ang isang importanteng tawag. Nagtaka naman siya. Naconscious bigla si Baekhyun sa sinabi ni Kat at inamoy niya talaga ang sarili niya. "Ambaho ko na ba talaga?" Okay maybe I do smell odd...

Bakit parang andaming nagbago? Anong nangyari sa kitchen ko? Nakakagulat lang kasi nag-iba na yung interior ng buong bahay, kanina nga muntikan na siyang mawala. Who would've thought na mawawala pa talaga siya sa sarili niyang bahay.

Naisip din' naman ni Baek yung mga tanong ni Kat, na sa tingin niya'y bagong katulong nila dahil never pa niya itong nakita.

Lalo siyang nagtaka dahil hindi niya masyadong maalala kung anong nangyari kagabi. Pero tanda niya naman na nag-bar sila ni Kyungsoo tapos inom sila ng inom hanggang sa-

"Uhh..." Baekhyun groaned as he felt his head pang in pain again.

Napahawak siya sa ulo niya at hinilot ang sentido, pero laking gulat ni Baekhyun nang mahawakan ang buhok niya. It was strangely long and black.

"...I'm just hallucinating...Relax Byun Baekhyun... relax" Baekhyun inhaled and exhaled but why does it feels like his chest got heavy?

Napa-iling na lang si Baekhyun dahil sa kabaliwan na naiisip. Tumayo siya at pumunta sa ref. Halos himatayin si Baekhyun dahil sa nakita niya. Yung repleksyon niya, it was totally different, pero hindi niya na lang ito pinansin at binuksan ang ref.

The SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon