Chapter 15
Kyungsoo's POV
Park Hanbyul
Sa sobrang pagkafamiliar ng pangalan na 'yan, nakakakilabot na. Natatandaan kong Park Hanbyul din ang pangalang nakalagay sa death certificate na nakita namin ni Jongin, at alam ko sa sarili ko na siya talaga 'yun...pero kung bakit siya nagpapakita ngayon ay hindi ko alam.
"Kyungsoo!!!" Nagulat na lang ako nang biglang may babaeng baliw ang tumili at isinigaw pa talaga ang pangalan ko. I squinted my eyes as I looked at her. Sino nga ba 'to? Ay si Baekhyun nga pala, sorry na, memory gap lang.
"Bakit?" Pasimple ko namang tanong sa kanya, kahit alam kong magtatanong lang naman 'to.
"Hindi pa ba tayo aalis?" Akala ko naman may napansin na ang gaga...buti na lang wala pa.
"Hindi. Bakit? Nagmamadali ka ba?" Tanong ko pa.
"Hindi, pero..."
"Pero ano nga?"
"Naiihi na ako." Halata naman sa itsura niya.
"Oh? Edi umihi ka."
"Eiih samahan mo 'ko." Parang batang naiihi na ngang sabi nito, at ano daw samahan ko siya? Jusko po. Napaikot pa tuloy ang mga mata ko ng wala sa oras.
"Bakit pa kita sasamahan?!" Bigla ko namang sabi habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. "Babae ka Baek! Hindi kita kailangan samahan!" Itong baliw na 'to ang sarap rin hambalusin para matauhan.
"Dali na. Parang tatayo ka lang sa labas eh, hindi ko naman sinabing pumasok ka hanggang sa loob ah." Aba. Tinitigan ko siya at napaikot uli ang aking mata dahil halata namang wala na talaga akong ibang magagawa.
"Psh, oo na, oo na." Pagkapayag ko'y hinigit naman agad ako ng loka at pumunta na nga kami ng c.r.
__
Kanina pa ako naghihintay dito sa labas at wala pa rin si Baekhyun. Aish ambagal talaga kahit kailan. At dahil nga sa bored ako kinuha ko na lang 'yung phone ko, baka kasi nag-text na si Jongin, pero nakakailang scroll na ako at wala pa rin talaga.
Ipapasok ko na sana ang phone ko, pero merong biglang bumangga sa balikat ko kaya napatingin agad ako doon sa direksyon ng nakabangga sa akin. Nakatalikod na ito at medyo nakakalayo na sa akin, pero nakita ko pa rin na mukhang maliit lang ito at may kasama pa siyang isang matangkad na lalaki na may malaking tenga. Tss. Buti na lang at hindi nahulog 'yung phone ko.
Bakit ba ang tagal ni Baek? Seryoso ano bang ginagawa niya dyan sa loob at parang may ineere na siya. Haist. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko doon sa phone ko, pero bago ko pa 'yun magawa meron namang biglang kumuhit sa may hita ko, kaya napatingin ako dito.
"Bakit?" Tanong ko sa batang lalaking nakatingin sa akin ngayon. His eyes and face looks so innocent, and he really looks like his about to cry.
"Mister, i'm lost. Please help me..." Naluluha na nitong sabi habang hawak hawak pa ang dulo ng shirt niya. Ang cute naalala ko tuloy sa kanya bigla si-
"Baekhyun!!" Pareho kaming nagulat at napatingin sa taong biglang sumigaw. Wait tama ba 'yung narinig ko? O baka naman nabibingi lang talaga ako. Agad agad namang lumapit sa amin ang isang lalaki, lumuhod ito at niyakap ang batang lalaking tinawag niyang 'Baekhyun'.
"Okay ka lang ba Baekhyun?" Tanong pa nito sa batang nakayakap na sa kanya ngayon.
Ayaw ko naman sanang sirain ang moment nila pero na-cucurios na talaga ako, kaya tinapik ko na siya at napatingin naman ito sa akin, tapos napatayo agad habang hawak pa rin ang bata. "Ahm kuya, ikaw ba ang kapatid niya?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Switch
RandomAnong gagawin mo kung pag gising mo nasa katawan ka na ng iba? And worst sa opposite sex pa. (c) 2015 babysmurf_12. All rights reserved