Switch 22

158 11 17
                                    

Chapter 22

Pigil na pigil ako habang nakatingin ngayon kay Chanyeol matapos sabihin ko sa kanya nakatitig lang siya sa akin. Hay please mag-react ka, mag-react ka, pero imbes na sigawan ako o ano, tinalikuran niya lang ako.

Walang umiimik sa amin. I didn't even dare to speak or move. Maybe he'll kill me naghihintay lang ng timing. Sige lang Baekhyun mag-isip ka lang ng ganyan baka sakaling-- pero nagulat na lang ako nang biglang humarap siya sa akin at hawakan ang makabilang pisngi ko.

"C-chanyeol?"

"Stop lying." Ba't mukhang nasaktan ko siya? Sinabi ko lang naman ang totoo ah...hay pero sana hindi siya galit sa akin.

"I'm not." Sabi ko naman at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko at medyo lumayo, naiilang na kasi ako sa titig niya.

"Bullshit!!" Nagulat ako bigla sa sigaw at paghampas niya doon sa pader kaya lalo lang akong napaiwas ng tingin sa kanya. Akala ko wala siyang gagawin pero hinarap niya ako sa kanya at pinilit na makipagtitigan uli.

"What do you want this time? Huh? What do you want to happen Hyuna?"

"Wala...Chanyeol, gusto ko lang na malaman mo 'yung-"

"Ang alin? Yung totoo?!"

"Oo."

"You know what..." Saglit siyang tumigil at tumingin lang sa akin, bago tinuloy yung sasabihin niya. "...you shouldn't have bothered to put up a show, you shouldn't have lied to us right from the start. Because I already knew." Shit. Ano daw? alam niya? Alam niya kahit sa simula palang?

"Alam mo?" Hindi ko naman talaga makapaniwalang tanong.

"Oo. Alam ko-Alam ko na gusto mo na namang umalis."

"Ano? Gusto kong umalis?" Ano bang pinagsasabi ng higanteng 'to? Wala naman akong sinabing aalis ako ah. Gusto ko lang namang malaman niya na para wala ng mas lalong masaktan.

"Oo. You know what, dapat ginaling-galingan mo na. Right from the start I knew that you just came back because you wanted to use me again. Ginamit mo pa talaga 'yung anak natin. Look at him, his now lying on the hospital bed and it's all your fault."

"Ano? Ginamit? Kasalanan ko? Chanyeol ano bang pinagsasabi mo? I only wanted you to know, that I'm not Hyuna. I'm Byun Baekhyun."

"Shut up!! Kung gusto mong umalis dapat sinabi mo na lang!!" He shouted even louder and I flinched. I've never seen him like this and it's scary to even dare to speak.

"Alam mo kanina lang may lumapit sa aking lalaki. Alam mo sinabi niya that's almost exactly as yours?"

"Ano?" Gulat ko namang tanong. Hindi kaya? Hindi. Hindi talaga pwede.

"He freakin' said that he is you, Hyuna. That he is Park Hyuna."

Teka, "Ano?!" Tama ba narinig ko?! F*ck. Did Chanyeol just found her?!

"Yeah crazy right? Hindi ko na alam. Sino ba ang dapat kong paniwalaan. Tapos ikaw naman sinasabi mong si Byun Baekhyun ka. F#ck I don't who Byun Baekhyun is." He sighed and I can feel that he's totally exhausted. Siguro kakagaling lang niya sa trabaho noong sumugod siya dito, tapos hinanap niya pa ako at siya pa nagbantay kay Jesper. He's so stressed. Hay tas dinagdagan ko pa, sorry talaga Chanyeol.

"Chanyeol..." tawag ko naman sa kanya at nilapitan siya bago niyakap. "I'm sorry, but I'm really not Hyuna." I said sincerely, but he made me face him and he looked at me and shooked his head in disapproval.

"Baby...wag ka ng magsinungaling. Sige na gamitin mo na lang ako. You can max your credit card and use my money. Take me, I'm all yours. Just please stay..." I don't know why, but what he said really offended me. Ansakit ha.

"Chanyeol..."

"Tama naman eh. Ginamit mo lang naman ako diba. You never even loved me since then and I don't think that will ever change." Kahit na gusto kong itanggi 'yung sinabi niya, hindi na lang ako umimik at niyakap siya. Wala naman kasi pati akong karapatan na magsalita para sa parte ni Hyuna sa mga ganito at wala rin naman akong alam tungkol sa kanila. But it hurts to see him like this, especially when his saying those words with a smile. Hay nasaktan ko pa siya, pero mukhang ayaw naman niyang maniwala sa akin. And his still looking into the past. Ano kayang nangyari noon? Hmmm...

____

I looked out through the glass window of Jesper's room as the heavy rain poured. Sinabi ko na nga ba, hindi naman talaga ako pinaniwalaan. Mission: BIG FAIL

Napaigtad naman ako bigla dahil parang may naramdaman akong parang papel sa may dibdib ko. I wiggled a little to confirm it and I was right. Napasilip naman ako sa may bra ko at tumingin sa paligid. Buti wala si Chanyeol at Kat, at tulog pa naman si Jesper.

Kinuha ko naman 'yung parang kulay brown na nakita ko at nang mailabas ko na 'to, 'yung envelope pala na binigay sa akin ni Hanbyul 'yun. Infairness dito ko talaga nilagay at nagkasya talaga siya sa melons ha.

"Wow." Nasabi ko na lang nang makita 'yung nakastamp na seal doon sa envelope. Mukha siyang family crest. Kanino kaya 'to?

Tinanggal ko na 'yung pagkakaseal at agad na kinuha 'yung laman ng envelope. "Sila 'to?" Tanong ko nang makita ang litrato ni Hyuna at Chanyeol. Wow mukhang noong highschool pa sila nito ah at mukhang nerd pa si Chanyeol pero kahit dati anlaki niya talaga. Kung titingnan mo 'yung picture mukha siyang stolen, nakatingin si Hyuna sa malayo habang titig na titig sa kanya si Chanyeol.

"Aish inlababo talaga."

"Grabe naman mukhang campus queen dito si Hyuna pero hahaha pinatulan niya si nerdy Chanyeol. Cute nila ah." Komento ko pa at nang magsawa na akong tingnan 'yung picture naghalungkat pa ako doon sa envelope at may nakita akong susi. "Hmmm para saan kaya 'to?" Dahil na rin sa kuriosidad hindi na ako nagtiis at minadaling ibuhos lahat ng laman ng envelope sa table.

"Ano 'to? Marriage certificate? Importante 'to ah, ba't andito lang?" Sinuri ko pa 'yung certificate at nakita kong December 24 talaga sila nagpakasal. Hmmm. May nakita uli akong nakataob na picture.

"Teka. Si Kyungsoo 'to ah!" Hindi nga ako nagkakamali. Oh God ba't hindi ako nagkakamali. I'm so sure that this is the doe eyed Do Kyungsoo I know as my bestfriend. Magkakilala sila Kyungsoo at Hyuna?! "Ba't hindi niya sinasabi sa akin?!" Magrereact pa sana ako kaso may napansin akong parang kumikinang na nakalapag lang kasama noong mga binuhos kong gamit, kinuha ko ito at tiningnan.

"Singsing? Wow. Ba't andito 'to?" Nagtataka na ako ha. Bakit andami naman atang gamit na nilagay dito si Hanbyul. Hindi naman kanya 'to eh. Kanino kaya?

May napansin pa ako sa pinagpatungan noong singsing. I didn't really want to get it but that crumpled and burnt picture just instantly caught my attention, and I almost died when I saw myself with Hyuna.
____

Guythsss #ExoluxioninManila pupunta kayo? Huhu sama nyo ko!! Kailangan ko ng magfasting grave. Jan. 23, 2016 confirmed na po sama sama tayo #hindiTeamBahay. Sorry I broke my promise updates, naging busy kasi. Smile ka naman diyan! Byeeii

-mhelissa

The SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon