Chapter 20
You're welcome
-Park HanbyulNapatitig na lang ako doon sa nakasulat sa napkin habang unti-unti itong nabubura at nababasa ng tubig. Teka?! Bakit nababasa? Napahawak ako sa pisngi ko at nagulat nang mahawakang basa ito. Shit why the fudge am I crying?! Dali dali kong pinunasan ang pisngi ko, at napatingin pa ako sa paligid dahil pakiramdam ko may nagmamasid sa akin. Akala ko may nakita akong lalaking nakatitig sa akin kaso may biglang humarang na waiter kaya hindi ko na masyadong nakita.
*buzz* Le go! *buzz*
Biglang nagvibrate at tumunog 'yung cellphone ko kaya hindi ko na talaga nakita kung may nakatingin nga sa akin, kinuha ko na ito sa bulsa at tiningnan 'yung message.
'Room 69. Room 113 'yung kay Jesper.
-Kyungsoo'
Sheeet muntikan ko ng makalimutan, kailangan ko pa nga palang pumunta sa hospital. Dali dali ko namang inayos at kinuha 'yung napkin habang bitbit 'yung envelope, tsaka ako pumunta sa exit ng bar. At pagkalabas ko agad na bumati sa akin ang malakas na pagbuhos ng ulan.
"Argh! Bakit ngayon pa?!" Nakakainis naman. Ano ng gagawin ko? Alangan namang sumugod ako sa ulan? Pero aish. Napatingin na lang ako sa paligid ko at wala namang katao-tao dito sa labas. Hay mukhang wala rin akong masasakayan ngayon. Bahala na nga, maghihintay na lang akong tumila na 'yung ulan. Imagination ko lang ba o nawala talaga 'yung tugtog at ingay doon sa bar, nagkibit balikat na lang ako at napatingin bigla sa langit dahil parang kanina lang ang lakas ng ulan, pero ngayon wala na, tuyo pa 'yung kalsada...nagulat naman ako nang bigla na lang may humintong black na kotse sa harapan ko at may lumabas na lalaki.
"Kayo po ba si Mrs. Hyuna Park?" Tanong pa noong lalaki sa akin.
"Ah...oo."
"Pinapasundo na po kayo ni Mr. Park." Sabi noong lalaki at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse sa passengers seat, nagtataka man, pumasok na lang ako. Mr. Park naman daw eh, baka si Chanyeol. Pagkatapos niyang isara 'yung pinto, pumasok na rin siya sa drivers seat.
"Ahm kuya saan niyo po ba ako dadalhin?"
"Doon po sa hospital." Ang akward naman kaya nginitian ko na lang siya. He looks like a very bright person. Kanina pa kasi ako nasisilaw sa ngiti niya.
Tahimik siyang nagmamaneho at mukhang malayo pa naman 'yung hospital kaya nagtanong na rin lang ako. "Kuya sino po bang nagpapasundo sa akin? Si Chanyeol ba?"
"Opo. 'Yung kapatid ko pong 'yun ang nagpapasundo sa inyo." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. May isa pa bang kapatid si Chanyeol?
"Kapatid?"
"Opo."
"Ano bang pangalan mo?"
"Hanbyul po. Andito na tayo Hyuna." Napatingin agad ako sa kanya. And shit that smirk. Bigla akong kinalibutan, lalo na dahil habang tumatagal na nakatitig ako sa kanya parang nagkakasugat sugat siya sa katawan. "Shit." Tsaka lang ako natauhan nang dahan dahan na siyang nilalabasan ng dugo, hindi na ako nagdalawang isip pa at lumabas na agad ng kotse. Lumabas na ako at tumambad sa akin ang isang malaking hospital. And it didn't felt like it's welcoming me.
"Pssst..." Napatingin ako sa likod nang makarinig ng tunog na 'yun. Shit I wish I didn't. Hyuna is standing there...Bloody, with a wreck car next to her and Hanbyul's dead body inside of it. And now that I'am staring at it, it felt like I was stabbed in the back, because bloody hell, my body was also inside the car, lying there, dead.
Kinurap kurap ko pa ang mga mata ko, pero walang nangyayari. Hindi manlang nawawala. Pumikit na lang ako at huminga ng malalim. Think of good thoughts Baek, fudge it's not working. Ito na ba 'yun? Kailangan ko na bang harapin 'yung kinatatakutan ko? As in now na?
"Hyuna, Hyuna." Narinig kong pagtawag sa akin, pero hindi ko pinansin. Huwag kang mumulat Baekhyun kung ayaw mo talagang makakita ng patay. "Hoy! Hyuna." Nope. Not gonna peek.
"Hoy! Hyuna!! Tumingin ka nga sa akin. Hoy! Si Jongin 'to." Inaalog-alog niya pa ako pero wala akong pake, ayaw ko pang mamatay.
"Hoy! Si Jongin 'to!!" Teka Jongin? Dahan dahan kong minulat 'yung mata ko at napasinghap nang makitang andun pa rin sila, agad agad akong pumikit.
"Hyuna...hoy si Jongin 'to, hinahanap ka na ni Kyungsoo at kailangan ka na ni Jesper." Napamulat agad ako dahil sa sinabi niya, nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang si Jongin lang ang nasa harapan ko at nakatingin sa akin. Wow. What a sight.
"J-jongin?"
"Yes. Ayos ka lang?"
"Ah oo." Nasabi ko na lang dahil na aakward ako sa titig niya.
"Tara na...hinahanap ka na nila Kyungsoo." Tumango naman ako at sumunod sa kanya papasok ng hospital.
Habang naglalakad kami, hindi na ako napakali kaya tinanong ko na sa kanya 'yung gusto ko talagang malaman. "Jongin, ano bang nangyari kay Kyungsoo? Ayos lang ba siya?"
"Ah ano bang nangyari sa amin-ah este sa kanya? Ahm nadulas siya sa c.r, ayun nabalian."
"Ha? Eh ano bang ginagawa niya sa c.r. at nadulas siya."
"Ewan ko, ayaw sabihin eh." Nagtaka naman ako doon. Bakit kaya? "Ikaw, ano bang nangyari sayo ba't takot na takot ka kanina?" Napatingin naman uli ako kay Jongin. Akala ko nalimutan na niya.
"Ah wala...nakakita lang ako ng ipis...napakalaking ipis." Napatawa naman siya sa sinabi ko. "Talaga? hahaha..." Napangiti naman ako. Buti naniwala. "Oo ang laki nga eh, akala ko hihimatayin na ako kanina, tapos tatlo pa."
"Hahaha ba't hindi mo na lang pinatay." Patay na nga eh, alangang idouble dead ko pa. Hindi na lang ako umimik at nginitian uli siya. Hanggang sa makarating na kami sa tapat ng room 69, sa tapat ng kwarto ni Kyungsoo. At pinagbuksan naman ako ni Jongin ng pinto at hinayaang ako na lang ang pumasok. Kinabahan din ako, baka kasi malala na 'yung nangyari kay Kyungsoo. Hay. Anong klaseng kaibigan ba ako at 'di ko manlang siya nasagip para hindi na siya nadala dito.
Napatingin naman ako doon sa may kama kung saan nakaupo siya at nakatulala, dahan dahan at tahimik naman akong lumapit sa kanya.
"Kyungsoo?" Napaharap siya sa akin, pero nakatitig lang siya at hindi manlang umiimik.
"Sino ka?" Shit nabigla ako sa naging tanong niya. Amnesia agad? Ganun na ba kalakas 'yung pagkadulas niya at nabagok na siya ng malakas para makalimutan agad ako.
"Ako 'to si Baekhyun...hindi mo ba ako naalala?" Tanong ko at hinawakan ko naman ang kamay niya habang nakatitig sa kanyang mga mata. Omyghad sana maalala mo na ako, kundi mahahampas talaga kitang baliw ka.
"Sinungaling ka!" Sigaw niya at nagulat naman ako nang biglang bitawan ni Kyungsoo ng marahas ang kamay ko. "Kyungsoo, ako nga 'to si Baekhyun." Matigas kong sabi sa kanya. Nainis ako bigla. Bakit ba hindi niya ako maalala? "Hindi! Hindi! Ikaw si Hyuna! You bitch! You're the one who put my bestfriend through all of this shit and now his dead! Because of you! Kasalanan mo!!"
"What?!" I asked in disbelief. Ano daw patay na ako? Ano bang nangyayari kay Kyungsoo? Mukha siyang galit na galit sa akin-I mean kay Hyuna. Hindi ko na alam ang gagawin pero niyakap ko siya."Anong ginawa niya sa'yo Kyungsoo? Sabihin mo sa akin...please." Mamaya lang bigla na siyang humagulgol at niyakap na ako pabalik. Sabi na nga ba may nangyari nga talaga.
"I-I was showering back then Baek, and then these creepy sounds came up and I saw her with your dead body. Natakot ako. Hindi ko talaga alam kong anong gagawin ko nun..." Niyakap ko lang si Kyungsoo ng mas mahigpit at hinagod ang likod niya.
"Sshh please...stop crying Kyungsoo. I'm here." Lalo lang siyang naiyak. "And you know what's worse?" He said in between sobs.
"What is?"
"Everyone was there, dead, in a bloody car."
"What do you mean by everyone Kyungsoo?" I asked, staring at him intently.
"Lahat ng tao Baek-lahat sila na mahal mo, kahit ako...Dead."
BINABASA MO ANG
The Switch
RandomAnong gagawin mo kung pag gising mo nasa katawan ka na ng iba? And worst sa opposite sex pa. (c) 2015 babysmurf_12. All rights reserved