Switch 16

125 13 4
                                    

Chapter 16

Little candles that were already melted lit up the garden and it looks like it waited for me long enough, together petals were scattered with a man sitting in the middle of a blanket.

Shocked? Surprised? What am I even suppose to feel right now? How should I even feel right now? I smiled at the sight. I can't believe that he made this kind of effort.

Lalakad na sana ako papalapit sa kanya nang bigla siyang magbato ng bote ng alak sa pader at agad naman itong nabasag. Ginulo niya pa ang buhok niya bago kumuha ng bagong bote at uminom uli. Hala galit ba siya? Napansin niya kaya ako? Jusko 'wag naman sana.

Hindi na talaga ako nakagalaw lalo na nang bigla siyang tumayo at nagsimulang maglakad palapit sa akin. Ambilis niya parang kumurap lang ako't nasa harapan ko na agad siya, at ngayon nga konting hakbang na lang at malapit na talaga siya sa akin. Omyghad tatakbo na ba ako? Sige next time na lang, mukhang wrong timing ang pagdating ko eh. Bye!

Paalis na sana ako nang biglang...

"Hyuna..." Sheeet. Hinawakan niya ang braso ko at hinarap ako sa kanya.

"C-chanyeol bakit?" Tanong ko naman habang nakatingin ng diretso sa nakakatakot niyang mga titig, pero imbes na sagutin ay agad niya akong binuhat na naging dahilan nang panlalaki ng mata ko at pakiramdam ko naramdaman ko talaga ang pag-ikot ng mundo.

"Hoy! Chanyeol...Chanyeol...Chanyeol..."

"Chanyeol!! Putek!! Ikaw gague ka! Bitawan mo 'ko!! Ngayon din!! Ibaba mo ko! Chanyeol!!!!!!!!!"

"Chanyeol! Park Chanyeol!!" Nakakailang tili na ako at hampas sa kanya pero hindi niya pa rin ako pinapansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Argh.

Bigla na lang siyang tumigil habang buhat buhat pa rin ako.

"Hoy! HOY!! HUWAG MO KONG IHULOG SA SWIMMING POOL! HOY!!" At dahil sa pagkagulat nagsisigaw na talaga ako nang tumigil at lumapit pa siya sa may swimming pool at umakmang ihahagis ako. "Putek porket malaki ka lang at kinakaya kaya mo ko! ginaganto mo na ako! Makakatikim ka sa'kin subukan mo lang akong ihulog yoda ka!!"

Napapikit na lang ako at napatakip sa ilong ko, pero imbes na tubig o isang malaking splash ang maramdaman ko. Malambot na tela lang ang naramdaman ko sa ilalim ng pwetan ko at ang isang malaking ulo na pumatong sa binti ko.

I opened my eyes and saw a giant resting his big head on my lap with his eyes closed. "Chanyeol..."

"Hmm?"

"Huwag mo 'kong tulugan."

"Bakit? ang sarap kayang matulog dito. Anlambot. Antaba." Sabi pa niya at pinisil ang binti ko. At pinanggigilan niya talaga ha. Naiinis ko namang yinugyog at ginalaw ang binti ko.

"Nakakainis ka...niloloko mo lang ako." Ngayon napamulat na siya at napatingin sa akin. Malay ko kung bakit pero umayos na siya ng upo at nakipagtitigan sa akin.

"Hinding hindi kita lolokohin..." he sincerely said and caressed my face. Bakit ba siya ganto? Ano bang nakain ni Chanyeol at kung anu-anong kacornihan ang lumalabas sa bibig niya.

I looked back at him and he smiled but his eyes was telling me the opposite.

Tahimik lang kaming nagtitigan nang bigla niyang itigil ang paghawak sa mukha ko at hinawakan niya naman ang kamay ko. "Where were you Hyuna..." he solemnly said.

"Where were you when we needed you..." Hindi ko din alam. Gusto ko sanang sabihin kaso napalunok na lang ako at tiningnan siya na para bang hindi ko talaga naintindihan.

The SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon