Chapter 3
Sino nga ba ang ama ni baby Jesper?
Sa lalim ng pag-iisip ni Baekhyun, hindi na niya masyadong pansin ang pag-dede ni baby Jesper sa kanya. Para bang lumilipad ang utak niya sa pag-iisip.
Saglit na napatingin si 'Hyuna' kay baby Jesper kasi tumigil na ito. Inayos niya naman ang sarili niya at kinalong ang bata.
"Baby..."
"Umma" Hinawakan pa ni Jesper ang mukha ni Baekhyun kaya napangiti siya. This simple gesture of the baby already warms 'his' heart.
"I'm your Umma right?" Tumango si Jesper.
"My umma..."
"Baby who's your appa?"
"Chan-chan pa!" Masiglang sagot ni baby Jesper at pumalakpak.
"Yes baby! Where is your appa then?"
"Chan-chan pa!!" Ulit nito. Tumango pa ito at hinawakan ang sariling tenga.
"Asan ba si Chan-chan pa mo?" Tanong ni Baekhyun dito. Gusto niya lang naman talaga malaman. Naisip niya rin' naman yung higante kanina pero parang 'wag nalang.
At dahil naisip niya si higante, naalala ni Baekhyun 'yung note na iniwan nito. Kakain nga pala sila ng dinner.
"Baby gusto mong kumain uli?"
"With chu?" Medyo bulol na sabi ni baby Jesper.
"Yes baby. Tara"
Binuhat na ni 'Hyuna' si baby Jesper at lumabas na sila ng kwarto. Ingat na ingat talaga siyang bumaba para hindi sila mahulog.
Saktong pagbaba ni 'Hyuna' sa last step, nakaamoy agad siya ng ulam at ambango nito. At dahil hindi niya talaga alam kung saan ang dinning area, sinundan niya nalang 'yung naamoy niya habang buhat-buhat pa rin' si baby Jesper.
Nag-hihintay na si Chanyeol sa may dinning table, naka-upo na siya at nakahain na ang mga pagkain. Natatagalan na siya sa pagbaba ni Hyuna pero hinayaan niya nalang baka kasi may ginawa lang ito.
"Chan-chan pa!!" Malakas at masayang sigaw ni Jesper pagkapasok palang nila ng dinning room. Tiningnan naman ni Baekhyun kung sino ang tinutukoy nito, at tama nga siya, walang iba kundi 'yung higante.
Nagulat pa si Chanyeol sa tumawag sa kanya. Napangiti rin' si Chanyeol agad dahil sa nakita niyang papalapit sa kanya. Pagkalapit ni Hyuna na buhat si baby Jesper ay hinalikan ni Chanyeol ang pisngi ng bata bago kuhanin ito mula kay Hyuna, tsaka niya naman hinalikan si Hyuna sa noo at nginitian.
"Hi baby" bati niya sa asawa na nakangiti lang sa kanya.
"Chan-chan pa!!"
"Baby Jesper!!" Masayang tugon ni Chanyeol bago bigyan ng matunog na halik ang bata na naging dahilan ng pagtawa nito.
Baekhyun can't help but to admire the sight, it was perfect, too perfect for him. So his hunch was true, that this yoda is baby Jesper's father. Baekhyun can't help it, but to be curious on how could this family look so perfect.
"Baby..." nabalik naman si Baek sa ulirat dahil sa tumawag sa kanya. Kailangan niya na talagang sanayin ang sarili niya bago pa maghinala sila sa-
"Baby?" This time napatingin na si Baekhyun sa tumawag sa kanya. Nakita niya namang naka-upo na si Chanyeol at handa ng kumain si Jesper kaya umupo na rin' siya.
Hinainan na siya ni Chanyeol ng kanin, ang sweet lang kasi pareho sila ni baby Jesper na inaasikaso nito. Pero napaisip naman si Baekhyun, paano ba makakain ng maayos si Chanyeol kung silang dalawa lang ang inaasikaso nito.
BINABASA MO ANG
The Switch
RandomAnong gagawin mo kung pag gising mo nasa katawan ka na ng iba? And worst sa opposite sex pa. (c) 2015 babysmurf_12. All rights reserved