Chapter 14
Kulang na lang talagang lumuwa na ang mga mata ni Kyungsoo kakairap niya sa dalawang malanding nasa harapan niya. Nandidiri ba siya? Oo. Naiinggit ba siya? Pwede. Kung namimiss niya na ba si Jongin dahil sa dalawang nagchuchukchukan dito? Hindi rin.
Nasa cafe sila ngayon ni 'Hyuna' at tuloy pa rin ang kanilang #HanapinSiREALHyunaPreparationforMission2ndDay. Naisipan niya lang namang dalhin si Baekhyun sa mall at magkita sila dito sa cafe, pero hindi niya alam kung bakit ba kasama nitong dumating si Chanyeol. Kung kanina maraming nakatingin sa kanilang guys, ngayon wala na dahil sa guard kuno ni Hyuna.
Akala ni Kyungsoo wala ng balak umalis si Chanyeol dahil kanina pa talaga ito nakadikit na parang toko kay 'Hyuna', buti naman at nagpaalam na ito pagkatapos makatanggap ng tawag. Pero muntikan ng masamid si Kyungsoo dahil hindi manlang nagpaawat si Chanyeol, at hinalikan pa ang pisngi ni 'Hyuna' bago magpaalam. Jusko siguro kung pwede niya lang tulakin ito paalis ginawa niya na.
Exaggerated na kung exaggerated pero nagpakawala agad ng napakalakas na buntong hininga si Kyungsoo nang mawala na sa paningin nila si Chanyeol.
"Pwede ba 'wag ka ngang gumanyan." Sabi pa ni 'Hyuna' sa kanya.
"Eh anong gusto mo pumalakpak ako sa saya?" Tanong naman ni Kyungsoo.
"Hindi!"
"Hoy Baek! Huwag mo ngang sabihin sa akin na aamin ka na sa kanya." Napakunot naman ang noo ni 'Hyuna' dahil sa sinabi ni Kyungsoo. Ano naman kaya ang aaminin niya?
"Hoy! Kyungsoo! Nakainom ka lang ng caffeine ganyan ka na. Ano na naman bang aaminin ko ha? Sinabi ko na sa'yong 'di ko nga siya mahal 'diba?" Bigla namang naging seryoso si Kyungsoo at hinawakan ang magkabilang kamay ni 'Hyuna' na nakapatong sa lamesa. Nanahimik silang dalawa bigla at nagkatinginan.
"Kyungsoo bakit?" Tanong pa ni 'Hyuna' na nalilito na, pero tumikhim lang si Kyungsoo.
"May nakita ako sa cabinet mo Baek." Kinabahan bigla si Baekhyun, malay niya ba kung 'yung pinakatatago niyang magazine ng-
"Huwag kang mag-alala dahil hindi ang collection mo ng mga magazine na puno ng-" bago pa masabi ni Kyungsoo ang kinatatakutan niya tinakpan na agad ni 'Hyuna' ang bibig nito, at mayamaya lang tinanggal niya uli dahil mukhang natahimik na ito. Akala niya lang 'yun dahil wala naman talagang awat ang bibig ni Kyungsoo.
"At huwag ka ring kabahan dahil hindi 'yun ang mga eyeliner at makeup mo na alam ko namang ayaw mong ipakita sa akin."
"Oo na! Nakita mo na ang lahat! Ano-"
"Huwag ka ring iiyak dahil pinakealaman ko 'yung pictures niyo ng ex mo, lalo na 'yung video na nag-"
"Sabihin mo na lang sa akin Kyungsoo-"
"Alam kong wala kang ginawang masama Baekhyun pero sana sinabi mo na lang sa akin..." Nalulungkot pa talaga nitong saad.
"Sinabi ang alin?" Naguguluhan namang tanong ni 'Hyuna'.
"Kaibigan mo 'ko at maiintindihan kita...sana sinabi mo na lang sa akin Baekhyun..."
"Ha? Ang alin ba?" Tanong uli ni 'Hyuna'. Meron ngang mga bagay siyang hindi sinasabi kay Kyungsoo, pero sobra naman siguro 'yung nalaman nito na mukhang mababaliw na talaga ang kaibigan niya. Kaya pati tuloy siya hindi na mapakali.
"Wala namang akong maintindihan Kyungsoo eh. Ano nga ba kasi 'yun-"
"Na mamamatay tao ka! Murderer! Killer! You!!" Biglang sigaw nito at dinuro duro pa siya. Napaawang ang labi ni 'Hyuna' at kumunot rin ang noo niya. Ano bang pinagsasabi ng lokong 'to? Ako mamatay tao?! Hah! Baka gusto niyang siya ang unahin ko.
BINABASA MO ANG
The Switch
RandomAnong gagawin mo kung pag gising mo nasa katawan ka na ng iba? And worst sa opposite sex pa. (c) 2015 babysmurf_12. All rights reserved