Switch 18

109 11 5
                                    

Chapter 18

Ilang buwan na ba talaga? Ilang araw na ba? O baka naman isang taon na at sadyang hindi niya lang talaga napapansin.

Napabuntong hininga na lang uli si Baekhyun habang inaayos niya ang buhok ng natutulog na si Jesper.

Hindi niya alam pero kanina noong tinawagan siya ni Kyungsoo para siyang inuntog sa realidad at buti na lang natauhan siya. Dahan dahang ipinikit ni 'Hyuna' ang mga mata niya. Nakakapagod, nakakapagod talagang magpanggap, lalo na kung hindi mo alam kung may katapusan ba.

Kung ayos lang sa iba ang pag gamit ng maskara nila para maitago ang lahat para kay Baekhyun, hindi, dahil sawang sawa na siyang ma-

Ring! Ring! Ring!

Agad na napamulat si 'Hyuna' at napatingin siya sa cellphone niyang tumutunog, at hindi nga siya nagkakamali na tumatawag na naman si Kyungsoo.

Naalala niya tuloy 'yung kanina na sinabi nito, that, that Park Hanbyul guy was really Chanyeol's dead brother. Ang nakapagtataka pa, kasabay ng pagkamatay nito ang pagkawala ni Hyuna. Shit Baekhyun almost lost his mind knowing that.

"Hello?" Walang kaemosyong emosyon na sagot niya, hindi na siya nagulat nang magtitili na naman si Kyungsoo sa kabilang linya. Hay naku magyaya na naman 'to. Hindi ba pedeng mag-emote muna ako dito? Kahit saglit lang?

"Baek! Asan ka ngayon?!" Medyo nailayo ni 'Hyuna' ang cellphone niya dahil sa lakas ba naman ng bunganga ni Kyungsoo.

"Nasa bahay."

"Gusto mong-" At bago pa makatapos si Kyungsoo inunahan na siya ni Baekhyun.

"Ayaw ko. No."

"Pero-"

"Hindi."

"Eh sasamahan mo lang naman ako sa-"

"Tss. Yun na nga eh 'SASAMAHAN' kita...sasamahan na naman kita sa mga kabaliwan mo."

Nanahimik muna sa kabilang linya bago umimik uli si Kyungsoo. "May problema ka ba?" At parang bang magic words ang nasabi ni Kyungsoo dahil si Baekhyun naman ang biglang natahimik.

"So may problema ka nga..."

"Lagi naman eh..." Nagbubuntong hininga namang sagot ni Baekhyun.

"Sus! 'Wag ka ngang drama queen diyan. Inano ka na naman ba ni Chanyeol ha at nagdradrama ka? Sinaktan ka ba? O baka naman hindi lang niya talaga napansin 'yang 'feelings' mo kaya nahuhurt ka diyan." Napaikot naman ng mga mata si 'Hyuna' lalo na nang tumawa ng pagkalakas lakas si Kyungsoo. Hay naku wala na talagang tatalo sa kakornihan ng kaibigan niya.

"Tapos ka na?"

"Uhm-haha-oo." Natatawa pa talaga nitong sagot.

"Buti naman, sige. Ibaba ko na 'to."

"Huwag!!"

"Pssh. Ibaba ko na nga."

"Huwag nga sabi eh! Ang arte naman neto-"

"Aba't ako pang maarte ngayon? So ibaba ko na nga. Bye Kyungsoo! 'Wag ka ng tumawag ulit ha!"

"Byun Baekhyun!! Don't. You. Dare."

"Ibaba ko na talaga, lumayas ka na diyan."

"Sige ibaba mo na...kahit na alam kong 'gusto' kitang itreat...Oh ba't hindi mo ibaba na?" Amusement laced in Kyungsoo's tone. Alam niya na kasing mauuto niya na naman si Baekhyun, at sino ba namang tatanggi ng isang 'treat' ng self-proclaimed Dyosa na si Do Kyungsoo.

The SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon