Switch 2

285 22 1
                                    

Chapter 2

Nanginginig na sa kaba at takot si Baekhyun, takot pa naman siya sa dilim, hirap pa siyang huminga kasi claustrophobic siya. Ayaw na ayaw ni Baekhyun sa feeling na kinukulong siya sa maliit na spaces.

Pinikit niya na lang ang mata niya at pinakalma ang sarili.

Pagkakuha ni Chanyeol ng susi agad siyang pumunta sa c.r. at dahil nga sa nagmamadali siya, nahulog ito. "Tsk..." Buti na lang at sa may paanan niya lang ito nahulog. Pinulot niya agad at binuksan na ang c.r.

Pagkabukas ni Chanyeol ng pinto walang kailaw-ilaw sa loob ng c.r., hindi niya rin' makita si Hyuna. Kinapa niya muna yung switch ng ilaw bago pumasok.

Nakita niya si Hyuna sa isang gilid at naka yapos sa kanyang mga tuhod habang naka-ubob, humihikbi ito at parang takot na takot.

"Baby are you crying?" Hyuna only shook her head like a cute little kid who was still crying in her knees.

Lumapit na si Chanyeol kay Hyuna at tinulungan itong makatayo tapos niyapos niya ito. Nilagay niya ang kamay ni Hyuna sa bewang niya habang yung kanya sa likod nito at naglakad sila palabas ng c.r. ng magkayakap.

"Sshh...baby stop crying. I'm here..." nakaramdam naman ng security si Baekhyun sa pagyakap sa kanya ni Chanyeol, medyo nabawasan na ang takot niya, pero patuloy pa rin' siyang umiiyak at patuloy rin' si Chanyeol sa pag-alo sa kanya.

"Okay ka na ba?" Tanong ni Chanyeol nang tumigil sa sa pag-iyak si Hyuna. Tumango lamang ito habang naka baon ang ulo sa leeg niya.

"Oh sige, I'll just get your-"

"No...please stay." Napangiti si Chanyeol dahil lalong humigpit ang yakap sa kanya ng asawa niya, gusto man niyang mag-stay pero basa na talaga kasi yung t-shirt niyang suot nito. Ayaw naman ni Chanyeol na mag-kasakit si Hyuna.

"But baby, basa na 'yang damit mo. I'll just get you clothes so you could change."

"Ayaw ko. Dito ka lang..." Chanyeol chuckled, nagana nanaman kasi ang pagkacute ng asawa niya.

"Sige...tayong dalawa nalang kukuha." Tumango ito. At tumayo na sila papunta sa walk-in closet pero nakayapos pa rin' si Hyuna sa kanya.

Kinuhaan ni Chanyeol ng t-shirt pati na rin' shorts with undies si Hyuna tapos 'yung kanya naman.

"Oh anong ginagawa mo?!" Gulat na tanong ni Chanyeol at nanlalaki pa ang mga mata. Bigla ba naman kasing higitin ni Hyuna pataas ang t-shirt na suot nito.

"Magbibihis?" Inosenteng tanong nito pabalik.

"Bakit sa harap ko?"

"Bakit hindi?" Napa-awang ang labi ni Chanyeol sa sinabi nito. Is she serious about that?

"Uhm...sa c.r. nalang para makaligo ka na rin'...I'll just wait for you." Pag-iiba niya ng usapan. Buti naman at pumayag ito at dumiretso na sa banyo.

Hindi naman sa hindi pa nakita ni Chanyeol si Hyuna na alam niyo na...pero hindi rin' naman kailangan na harap-harapan silang magpapalit ng damit di' ba? And who would've resist her, she's definitely every guy's dream. Hot and sweet, mixed together.

Pumasok na si Baekhyun sa c.r. nagtaka pa nga siya kung bakit ayaw siyang pagpalitin noong higante sa harapan nito. Aish nakalimutan atang babae na siya.

So nagsimula na si Baekhyun magbasa pero noong tinanggal niya na ang mga damit niya tsaka lang siya natauhan. Napalunok pa siya ng maraming beses bago ginawa ang bathing rituals.

The SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon