Chapter 19
Baekhyun's POV
"Lets start the game, shall we?"
Ring! Ring! Ring! Ring! Ring! Ring!
Napahugot agad ako ng hininga at napaupo sa kama. Anong nangyari ba't pakiramdam ko ang sakit sakit ng leeg at braso ko, tapos parang nanikip 'yung dibdib ko.
Nanahimik lang ako sa madilim na paligid nang biglang parang may narinig akong bumulong. "Let's start the game, shall we?" Ano daw? Ako ba 'yun? Napalibot naman ang tingin ko sa kwarto at sinubukang hanapin kung saan nanggaling 'yung boses. Nagtaka ako bigla dahil hindi ko na katabi si Jesper at parang abundunado na 'yung lugar. Asan na ako ngayon?
"Aray!" Biglang daing ko nang matamaan 'yung braso ko na namumula at may pasa. Hala saan nanggaling 'to? Hinawakan ko pa ito at tiningnan.
Ring! Ring! Ring! Ring! Ring! Ring! Ring!
Napatigil naman ako sa kahihimas sa braso ko nang mapansing kanina pa pala nag-riring at umiilaw ang cellphone ko, kinuha ko ito at tiningnan ang oras.
Time check: 2:59 am
Mag-aalastres na pero andito pa rin ako at walang kasama? Tsaka ko lang naalala na umalis pala kami ni Kyungsoo at nagpunta sa spa, pero teka kanina pa 'yun ah. Asan na ba si Kyungsoo?
Ring! Ring! Ring!
Napatingin ako ulit sa cellphone.
Kyungsoo calling...
Pagkakita ko ng caller I.D. niya, sinagot ko na ito agad.
"Hello." Argh! Naiinis talaga ako sa kanya. Iniwanan ba naman ako dito sa lugar na hindi ko alam.
"*cough cough* Baekhyun! *cough cough*" Sisigawan ko na sana siya at tatanungin kung saan at bakit ako iniwan, pero nagtaka ako bigla sa kanya dahil ubong-ubo siya.
"Ayos ka lang ba?! Nasaan ka ngayon?!" Nag-aalala kong tanong.
"Umalis ka na diyan, hinahanap ka na ni Chanyeol."
"Eh teka, hindi ko nga alam kung nasaan ako. Paano ako makakaalis dito?! Bakit mo ba kasi ako iniwan?! Nakakainis ka!"
Hindi sumagot si Kyungsoo pero nagulat ako nang biglang bumukas ang ilaw sa loob ng kwarto. Tumalikod ako at nakahingang maluwag kasi natuunan ko lang pala 'yung switch. Maliwanag na sa loob at maaliwalas naman tingnan, nagtaka nga ako kasi ang linis, akala ko talaga makalat dito.
Malakas na sumarado ang pinto kaya napatingin ako doon. Lalapit na sana ako para buksan ito pero napatigil ako nang makapansin ng likidong pula na tumutulo at nakikita ko sa paanan ko.
"Shit ano 'to?!"
"Baekhyun! Baekhyun! Andiyan ka pa ba?!" Hindi ko na rin pinapansin ang pagtawag sa akin ni Kyungsoo dahil masyado akong nakafocus sa paghahanap kung saan galing itong pulang likido. Kitang kita ko kung paano dumadaloy sa sahig papunta sa paanan ko 'yung dug- aish basta pula! Lalo akong kinabahan dahil napaangat na ang tingin ko papunta sa mga marka at sulat sa dingding.
TELL EVERYONE LIES, ITS YOUR CHOICE
LOOK IN THE MIRROR...Kinalibutan ako bigla. Dugo ba talaga 'yan? Jusko ano nanaman ba ginawa ko at kung anu-anong nakikita ko. Aalis na sana ako nang biglang nagdeform ito.
LOOK IN THE MIRROR...and SEE
Tumingintingin pa ako sa paligid hanggang sa makapansin at makakakita ng isang malaking full length mirror, wala siyang design, sobrang simple at sobrang nipis na pwedeng mabasag agad agad. Tumingin ako dito at wala naman akong ibang nakita kundi si Hyuna, napasimangot ako.
BINABASA MO ANG
The Switch
RandomAnong gagawin mo kung pag gising mo nasa katawan ka na ng iba? And worst sa opposite sex pa. (c) 2015 babysmurf_12. All rights reserved