Switch 11

144 12 2
                                    

Chapter 11

Nagulat nalang ako nang bigla-bigla nalang akong yakapin ni Kyungsoo. But instead of escaping, I hugged him even tighter.

"I missed you Baek...Thank you for coming back to your senses." Kahit na medyo naguluhan ako sa sinabi niya, nanahimik na lang ako at niyakap siya pabalik.

Habang nakayakap ako sa kanya, hindi na ako nagulat nang bigla kaming makarinig ng malakas na kalabog galing sa baba.

"Si Jongin ba 'yun?" Tanong ko.

"Oo..."

"Gusto mong bumaba na? Baka kasi sinusunog na nun 'yung kusina mo." Kyungsoo chuckled as he pulled away from the hug.

"Do you want to stay for dinner?"

"Yeah. I wouldn't want to miss more of your cooking Kyunggie." Nagkangitian nalang kami at bumaba na.

Pagkababa namin nakatanggap agad ng hampas si Jongin dahil sa kakulitan plus kalandian niya. Natawa na lang ako habang pinapanood na pagalitan ni Kyungsoo ang kawawang neggy.

It was a sight that I missed, but I even enjoyed my time here when Kyungsoo and I started preparing the food for dinner. Sa totoo lang, dati ayaw na ayaw niya sa aking pinapagalaw ang kusina niya. He also hated my loud big mouth and witts but he also loved me because of that. But now that I've changed, it doesn't feel like myself anymore.

"Oh bakit ka nakasimangot?" Napatingin ako kay Kyungsoo at ngumiti ng bahagya.

"Wala." Imbes na magtanong pa uli, sinimangutan niya lang ako.

"Oh ito ihain mo na doon." Kinuha ko naman 'yung niluto niyang chicken at carbonara.

"Opo kamahalan." I said and bowed courteously infront of him.

"Ano pang ginagawa mo diyan?! Alis!!" At bago pa ako matamaan ng sandok na initsa niya, tumakbo na agad ako papuntang dinning area.

Mamaya lang naka-upo na kaming lahat, kasama na rin si Jongin para kumain.

Kanina pa ako nakain at kanina pa rin ang panay na pagtitig sa akin ni Jongin. I just ignored him and continued eating my food. Bahala siya diyan. Look all you want, but no touch.

"You seem familiar Miss Hyuna..." Nagkatinginan kami bigla ni Kyungsoo dahil sa sinabi ni Jongin.

"Ahh...siya kasi 'yung nakita natin sa mall Jongin. Siya 'yung hiningan ko ng number." Tumaas pa talaga ang kilay niya, mukhang inaalala niya pa talaga.

"Kyungsoo hyung, magsabi ka nga sa akin ng totoo..." sabi ni Jongin habang seryosong nakatingin sa aming dalawa.

"H-ha...Anong? A-anong totoo?"

Namawis bigla 'yung kamay ko. May alam kaya si Jongin? Sana wala.

"Sabihin mo nga sa akin...Are you cheating on me with her?" Nagkatinginan uli kami ni Kyungsoo at sabay pang tumaas ang kilay namin. Is he really serious about that question?

And within just a matter of seconds both of us bursted in laughter. Is he? Is he really serious? Ako tapos si Kyungsoo? Mandiri nga siya sa sinabi niya. Hindi kami talo noh. I'm a goddess at awan ko na lang kung ano siya.

"Pffft-saan mo naman nakuha 'yan?" Tanong ni Kyungsoo dito habang pigil na pigil sa pagtawa.

"Damn it! Stop laughing." Reklamo nito. I was clutching my stomach when I raised my hand. Akala ko talaga kung ano na, 'yun lang pala.

"Wait nga...ano bang pinagsasabi mo ha Jongin?"

"Wala...you just really look like her..." Napatigil naman kami ni Kyungsoo sa pagtawa at napatingin kay Jongin. I look like her? Sino?

The SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon