Chapter 21
Room 113
Kanina pa ako nakatayo dito sa labas ng kwarto ni Jesper at nakatitig sa pinto, matapos kong umalis sa kwarto ni Kyungsoo kanina. Grabe pinakaba niya na nga ako, tinulugan pa ako noong baliw na 'yun, kaya hinayaan ko na lang na si Jongin na ang magbantay at mag-asikaso sa kanya, total mas pabor 'yun sa kanya. Napabuntong hininga na naman ako. "Kaya ko ba talaga?" Hindi naman kasi mahirap pumasok eh, pipihitin ko lang pabukas 'yung pinto and boom! Nasa loob na ako, pero putek bakit ba ako kinakabahan dito?
"Relax Baek! Kaya mo 'yan!" Sabi ko pa at dahan-dahan ng nilalapit ang kamay ko sa doorknob, pero dahil nga sadyang duwag ako binawi ko agad ang kamay ko at tumalikod sa pinto. Shit!! Baek! Kaya mo 'yan wala kang makikitang dugo. Hindi. Wala. Walang katawan mo, o katawan ni Kyungsoo na punong puno ng dugo, lalong wala talagang katawan ni Chanyeol at Jesper sa loob na patay na-Shit uli! "No! Stop making up stupid things Baekhyun!" Sigaw ko sa sarili...saglit na napatingin naman ako sa paligid baka kasi may nabubulabog na pala ako. Weird, dahil wala naman manlang ibang tao. Tahimik lang talaga. Napaharap uli ako sa pinto at napabuntong-hininga at tumalikod uli dito. Pasensya na magulo talaga ako.
"Aish!! For Pete's sake!! Bakit ba ako nahihirapang pumasok?! Wala-"
"Ma'am?" "Ay kabayo!!" Sigaw 'ko at napaharap doon sa nanggulat sa akin. Grabe wala man lang awa na ginulat ako. Nakahinga naman ako ng maluwag nang malaman kong si Kat lang pala.
"Hindi po ako kabayo ma'am. Ako po 'yung nanny ni Jesper and housekeeper niyo po." Sabi niya na tinanguan ko na lang.
"Ah papasok ka na ba?" Tanong ko dahil mukhang hinihintay niya lang akong pumasok, at dahil ayaw ko rin namang pumasok mag-isa. Mabuti na 'yung ready at may kasama.
"Hindi pa po, kakalabas ko pa lang po. May inutos pa po pati sa akin si sir Chanyeol, kayo po ba?"
"Ah wala, sige..." sabi ko at napatingin sa medyo nakaawang na pinto. Andilim sa loob ha.
"Baka po gusto niyong pagbuksan ko po kayo-"
"Ay hindi! Ako na...sige una ka na." Nginitian ko na siya at lumapit sa pintuan, akala ko aalis na siya pero mukhang inantay niya pa talagang pumasok ako sa loob. Kaya nginitian ko siya at dahan dahan na akong pumasok bago dahan dahan ko ring sinara ang pinto. Nagulat na lang ako dahil sa pagharap ko ay tumama ang mukha ko sa isang malambot na bagay. Thet ano ba 'to ansakit din ha, ambigat pa. Pagtingala ko...myghad nakakita ako ng higante, infairness mabango 'yung higante. Saan kaya 'to nanggaling?
"Chanyeol?" Tanong ko. Medyo hindi pa ako sure dahil hindi ko talaga makita yung mukha niya.
"Hyuna..." Confirmed. Narinig ko na naman ang malalim niyang boses.
"Saan ka nanggaling?" Tanong ko habang nakayakap pa rin kami sa isa't isa. Ang kulit niya rin eh no. Alam na ngang may kiliti ako sa leeg doon pa lalong sumiksik.
"Ikaw dapat tanungin ko niyan. Saan ka galing ha?" Galit ba siya? Antaray ng tono eh.
"Sa nanay ko bakit?" Sagot ko kaya napatingin siya sa akin, at tinaasan pa ako ng kilay.
"Oh totoo naman ah!" Aba! Ayaw pang maniwala sa akin!
"Saan ka nanggaling?" Ulit niya at talagang dinutdot pa 'yung noo ko.
Ang sarap isagot 'sa puso mo', pero 'wag na lang, sasarilinin ko na lang. "Bakit isang araw kang nawala?" Tanong niya pa uli.
"Fine. Kasi...nag-spa kami ni Kyungsoo..." Sabi ko habang titig na titig din sa mata niya.
"One day and one night huh?" Tumango naman daw ako. "Why did he got hospitalized then? And you went missing...tell me Mrs. Park, do you really think you could lie to me?" Tehee alam niya pala 'yun...Ah ano bang sasabihin ko sa higanteng 'to para hindi na magtanong.
BINABASA MO ANG
The Switch
RandomAnong gagawin mo kung pag gising mo nasa katawan ka na ng iba? And worst sa opposite sex pa. (c) 2015 babysmurf_12. All rights reserved