Switch 17

143 12 3
                                    

Chapter 17

Third Person's POV

Another day. Another Night. 3:00 am. Same time. Same noise.

Sa mga nakalipas na araw at gabi, lagi na lang nagigising si Baekhyun either 12:00am o 3:00am at hindi talaga siya makatulog unless kakantahan siya ni Chanyeol at papatulugin habang yakap yakap siya nito. At ngayon ngang alas-tres na ng umaga nagising na naman siya, pero ngayon walang Chanyeol ang magpapakalma at magpapatulog siya.

Napahawak na lamang si Baekhyun sa kanyang dibdib habang sinusuri ang silid, nakahinga naman siya ng maluwag dahil wala siyang nakitang lumulutang na kung ano.

Tik!...Tik!...Tuk!...Tuk!...Tuk!

At ayan na naman ang nakakabingi at nakakakilabot na tunog na 'yun, lalo talagang natatakot si Baekhyun tuwing may ganyan at pag may nagbabasag at natakbo siyang naririnig mula sa labas ng kwarto nila.

Ring!...buzz...Ring!

Pero laking gulat niya na lang nang biglang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa side table. Sino namang baliw ang tatawag sa oras na 'to? Nagtataka at medyo kinakabahang isip ni Baekhyun.

Nang makitang si Kyungsoo lang pala ang natawag ay agad niya itong sinagot.

"Hello? Kyungsoo, bakit?" Pero imbes na may sumagot, tahimik lang sa kabilang linya.

"Tsk. Kyungsoo! Stop playing games with me." At wala talagang sumasagot sa kabilang linya kaya nairita si Baekhyun.

"Do Kyungsoo!! Buhay ka pa ba ha?!"

"Hindi na." A raspy voice answered and the line went dead. Baekhyun froze, he literaly felt all of his blood being drained out of his system.

Halos mapatalon naman si Baek nang magring uli ang phone niya. Tinitigan niya pa ito bago nanginginig na sinagot.

"H-hello?"

"Oh Baekhyun! Ba't antagal mong sagutin? Kanina pa ako natawag dito oh." Nakahinga naman ng maluwag si Baekhyun dahil si Kyungsoo na talaga ang sumagot.

"Kyungsoo tumawag ka ba kanina o ngayon lang?" Kinakabahan niya pang tanong.

"Ha? Ngayon lang, bakit?"

"Ha? Wala..." Bahagyang natahimik si Baekhyun dahil iniisip niya kung sino nga ba 'yung tumawag at ginamit pa talaga 'yung number ni Kyungsoo. Inisip niya na lang na si Jongin 'yun at napagtripan lang talaga siya ni nognog.

"Oh eh bakit ka naman nambubulabog ng ganitong oras? Hindi ba pwedeng mamaya na lang paglabas ng araw."

"Meron kasi akong chismis, at No! Hindi talaga siya pwedeng ipagpabukas, i mean mamaya."

"Sus chismis lang naman." Napapaikot pa ang mata na saad ni Baekhyun. Buti naman at naisipan niyang buksan ang lamp na katabi niya dahil pati ako natatakot na sa sobrang dilim ba naman ng kwarto nila.

"Hindi lang siya basta chismis, importanteng chismis!" Natutuwa pang saad ni Kyungsoo.

"Hala sige, ano ba 'yun ha?" Hindi talaga makapaniwala si Baekhyun na 'nagchichismisan' sila ni Kyungsoo sa ganitong oras at araw.

"Natatandaan mo ba noong nagpunta tayo sa mall, tapos may nakita kang kasama kong batang lalaki kasama 'yung kapatid niya."

"Oo, bakit? Shit." Napamura bigla si Baekhyun dahil narinig niya na naman na may nabasag. Buti na lang at hindi pinansin ni Kyungsoo 'yung pagmumura niya.

"'Di ba Park Hanbyul 'yung pangalan niya."

"Hindi ko tanda. Ata?"

"Aish basta Park Hanbyul ang pangalan niya. At alam mo ba siya 'yung bunsong kapatid ni Chanyeol na namatay na."

The SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon