Chapter 1: Beggining [EDITED]

689 38 0
                                    

Inspired by; Class 3-C Has A Secret

Characters""

Lorraine Hernandez
Sunvein Hankerson
Hevenlline Rodriguez
Hellea Villarreal
Phire Shin
Aiselle Monteza
Xea Min Forteza
Hether Forteza
Landynn Hijada
And last but not the least,our protagonist

Candice Garcia

**Corrections**
Lorraine Means "Rain"
Sunvein Means "Sun"
Hevenlline Means "Heaven"
Hellea Means "Hell"
Phire Means "Fire"
Aiselle Means "Ice"
Xea Min Means "Sea"
Landynn Means "Land"
Hether Means "Weather"

(So that mean that they are like a seasons?)
Something like that. :))

***Candice P.O.V

"SHET KA!!"
Halos umalingaw ngaw ang boses ni Hellea kaya natahimik ang lahat at nakatingin lang sa kanya habang sya ay pinagsasabunutan na ang isa sa mga kaklase namin.

"A--ayoko na Hellea!! M-masakit na!" Sigaw pa nito habang pilit na nagpupumiglas para lang makawala kay Hellea.

"Eh gago ka pala eh! Bakit mo nilagay yung notebook mo sa desk ko?! Alam mo bang kasing dumi yan ng pagkatao mo?!"-galit na sigaw nya

Sa totoo lang, ang babaw ng dahilan nya para ganyanin yung kaklase namin. Ng dahil lang sa isang notebook,bigla na lang syang nagalit.

"Tama na yan Lea! Wala ka namang mapapala dyan eh,nagsasayang ka lang ng oras sa kanya."-sabat ni Hether na di kalayuan sa kanya at busy-ing busy sa phone.

"Hmp!Pasalamat kang bruha ka inawat ako ng best friend ko!" Anya at tinulak ito bago nya ito iwan. Napaupo sya sa sahig at yumuko.

Muli na namang umingay sa room.Sari't saring mura,kantyawan at kung anu-ano pang masasakit na salita ang pinaratang sa kanya. Isa sa mga kaklase ko ay binuhusan sya ng choco juice dahilan para mas magtawanan muli ang mga kaklase ko. Halos nagulat ako ng mapatingin sya sa kinauupuan ko na tila ba ay nanghihingi ng tulong sa akin. Ngunit imbes lumapit sa kanya ay umiwas lang ako ng tingin at pinagpatuloy ang ginagawa kong assignment. Para saan pa kung tutulungan ko sya? Madadamay lang ako,matutulad lang ako sa kanya. Ano namang laban ko? Isa lang ako,marami sila kaya mas makakabuti kung mananahimik ka na lamang.
Ganito naman palagi, halos paulit ulit na lang sa bawat araw ang nanyayari sa klase na ito.

Ako Si Candice Garcia.
4th batch section D.
Ang last section na ayaw mapuntahan ng iba.
Kung tutuusin, isang mga nakakatakot na nilalang ang Turing nila sa klase nito.
Ang sabi sabi nila,
Once na mapunta ka sa klase na to.....Para ka na ring nakapunta sa impyerno.

Nagring ang bell at nagsilabasan ang lahat.
Halos wala ngang pumasok nor tignan lang kami ng kahit sinong teacher eh. Tinago ko ang notebook na ginamit ko. Bukas na lang siguro mache-check-an yung assignment.
Alam kasi nilang wala rin namang patutunguhan ang pagtuturo nila.

Kinuha ko ang lunch box ko sa bag at kumain.
Bale , ako na lang mag isa dito dahil Nasa labas silang lahat.
Ayoko namang magpunta sa cafeteria at tyak na magulo lang don'.

Napatingin ako sa pinto ng may isang kaklase Kong pumasok, Hindi ko na Sana sya papansinin dahil Hindi naman kami ganoon ka close at mag usap, ni Hindi kami nagbabatian ng 'Hi or Hello'.
Pero nagulat ako ng ipatong Nya ang dalawa nyang kamay sa desk na pinapatungan ng baon ko.
Nakasimangot sya at nakataas ang isa nyang kilay habang natingin sakin.

"Hwag mong ipagsasabi sa iba...."
Napakunot noo ako at natigil sa pagkain.

Bakit? Ano naman kaya iyon?

"May sikreto Si Hellea na hinding Hindi alam ng iba except me .... And you.."

Sikreto ni Hellea?
Pero teka, bakit nya sakin sasabihin?

Inilapit nya ang kanyang mukha sa tenga ko at may binulong.

Saktong pagkasabi nya non ay nailaglag ko ang hawak Kong kutsara at nanlaki ang mga Mata.

P-paano nya nagawa iyon?!

A/n: eksaktong eksakto sa pabitin.
Di ko rin mapublish agad dahil sine save ko muna at chine check yung typo ko.

***Ynie-mini

Death Valley [COMPLETED]  {Unedited}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon