Chapter 9: His Mistake

251 27 1
                                    

' I do not fear Death '
~Mark Twain

***Landynn's P.O.V

Napatingin ako sa orasan.

8'o Clock na pala.
Tumayo na ako at nagbihis ng uniporme.

Kinuha ko ang phone ko

To:Babe ko
Babe, Hindi kita masusundo ngayon ah? Sorry

Muli Kong nilagay Ito sa bulsa at bumaba.

Naabutan ko sila dad and mom na kumakain habang nakasimangot.

"Dad,Una na po ako. Bye mom" pero parang wala silang narinig at tuloy pa rin sa pagkain.

Napakagat ako sa ibabang labi ko sa inis.

Lumabas na ako at sumakay sa kotse ko.

Nagsimula na akong bumyahe patungo sa school. Medyo may kalayuan kasi ang bahay namin sa school kaya kailangan pa ng sasakyan.
Tinignan ko muli ang phone ko

Walang message.

Nagtaka naman ako dahil madalas siyang nagrereply o tatawag matapos Kong magtext sa kaniya.

Nagpatuloy na lang ako sa pagdadrive hanggang sa makarating ako sa campus.

Karamihan ay napapatingin sa akin sa bawat malalampasan ko.
Hindi na ako nagtaka at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi dahil sa sikat ako.

Kung hindi dahil sa nagawa ko 1 month ago.

Halos lahat ng estudyante ay nasaksihan yon.Takot at pagkamuhi ang tingin nila sa akin.

Walang gustong lumapit o magtaka man lang. Lahat sila natatakot at kinasusuklam ako.

Kaya laking pasalamat ko ng makilala ko si Hevenlline.

Siya lang ang naglakas loob na lumapit at makipagkaibigan sa akin.
Hanggang sa ipakilala niya rin ako sa mga kaibigan niya at don ko nakilala sila Lorraine.

Noong Una ang akala ko ay ang alam lang nila ay manakit ng ibang tao.Pero napagtanto ko.

Isa rin pala ako sa mga yon.

Alam nila at nasaksihan din nila ang panyayari noong araw na yon pero binalewala nila ito at tinawanan lang.

Dun ko lang nalaman na may kauri pa pala ako.

At isa na si Hevenlline don.

"Uy Landynn!"
Napalingon ako sa likod ko at tinagtag ang headset sa tenga ko.

Nakita Ko si Aiselle na papalapit sa akin.

"Oh bakit?"tanong ko kaagad.

"Hindi mo pa ba nababalitaan?" Nagtataka nyang tanong.

"Na ano?" Naguguluhan ko namang tanong at napakunot noo.

Huminga siya ng malalim at tinignan ako ng seryoso.

"Si Hevenlline.... Patay na."

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko at di makahinga.

"A-anong sabi m-mo?" Nauutal Kong tanong.

"Kani-kanina ko lang din nabalitaan.Nakita daw siya na nasa lumang building na nakabitin sa kisame."

Unti unting may namuo sa gilid ng aking mata.

Death Valley [COMPLETED]  {Unedited}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon