Epilogue

173 15 6
                                    


***Someone's PoV

"YUMIKO THE FREAK!! YUMIKO THE FREAK!!"

Napatingin naman ako sa mga estudyanteng pinapalibutan ang kapwa nilang mag-aaral na babae habang sinisigawan ito. Nalipat ang aking paningin sa babaeng nakaupo sa sahig na may yakap yakap na manika at pilit na lumalayo sa mga umaapi sa kanya.
Napakunot ako ng noo ngunit naglakad na lang palapit sa pwesto nila.

Naramdaman nila ang presensya ko kaya natigil sila at napalingon sa akin at dahan dahang nanlaki ang mga mata bago sabay sabay na yumuko as a respect.   "Anong meron dito?"    Tanong ko at isa isa silang tinignan na nagpakaba sa kanila.

"W-wala naman po! Nag-kukwentuhan lang naman po kami,right girls?!"   Dahilan nya at pinanlakihan ng mata ang mga kasama nya.

"O-opo!"

Bahagyang tumaas ang isang kilay ko at dahan dahan na tumango. "Oh I see. Magsi-alis na kayo."  Utos ko at sila naman ay nagmamadaling naglakad paalis. Binaba ko ang tingin sa babaeng nasa sahig at naupo sa tapat nya. Nakayuko sya at nahaharangan din ang kanyang mukha ng kanyang magulong buhok ngunit ang isa nyang mata ay nakatingin sa akin.Ngumiti ako at hinawakan ang kanyang kamay at tumayo kaya napagaya sya habang hawak hawak pa rin ang manika nya.

Tinignan ko ang I.D nya at napangisi ako. Yumiko Sanchez , Section 4-DMuli Kong binalik ang tingin sa mukha nya at hinawi ang kanyang buhok at sinulok sa kanyang tenga. Naibaba ko ang kamay ko at gulantang pinagmasdan ang kanyang kanang mata na may eye patch. Natauhan lang ako ng takpan nya muli ito sa pamamagitan ng kanyang manika.

Ngumiti muli ako at hinila sya papunta sa lugar kung saan kaming dalawa lang ang makakapag-usap. Sa lumang building. Nagtatakha nya akong tinignan ngunit may takot sa kanyang mga mata. Humarap ako sa kanya suot pa rin ang ngiti sa aking labi ngunit ngayon ay kakaiba na. May halo na itong kasamaan.

"M-miss—"

"Yumiko." Pagputol ko bago pa man nya masabi ang aking pangalan.Natigil sya at yuyuko sana muli ngunit hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi.    "Wag."

Natulala sya at tumango kaya binitawan ko na ito. "A-anong kailangan mo?"     Kinakabahan nyang tanong.

Ngumisi ako at binuksan ang isang silid. Ang Guidance office o mas kilala dati na Punishment Room. Inaya ko syang pumasok na sinunod naman nya.

Pagkapasok namin ay syang pagtayo ng isang tao sa kinauupuan nya at ang pagkunot ng noo nito habang nakatingin kay    "Yumiko?"   Sambit nito.Nilipat nya ang tingin sa akin at binigyan ng matatalim na tingin.    "Bakit mo sya dinala dito?"

"H-hindi ba ay isa ka sa kilalang grupo ng JAMILD?"   Tanong ni Yumiko.

Muling nabaling ang tingin nya dito.   "Bakit ka sumama sa kanya?!"   Sigaw na tanong nito kaya napaatras si Yumiko.

"Umayos ka nga,magiging kasama mo sya." Sabi ko

"Ano?! Hindi! Kaya ko namang mag-isa na gawin yon!" Protesta nya.

"Pero ikaw,kailangan ka nya." Sambit ko kaya natahimik sya. "Alam mong biktima sya ng bullying and I think wala namang masama kung gagawin din nya yun sa nang-aapi sa kanya. Ang kaso nga lang ngayon ay mas marahas at kapa-kapanabik."    Nilingon ko si Yumiko na gulong gulo sa kanyang mga naririnig kaya lumapit ako at tinapik sa kanyang balikat.

"Makakapag-higanti ka na sa kanila...."

And now, we will countdown In 3,2,1 before they face the death...and its now actually near....

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

So how was the UD? Bitin ba? Oh my bad! Hahaha! So I am thankful sa mga readers ko na sinuportahan ang kwentong ito to the end.

The book 2 which is In 3,2,1..Death Is Near is will be post next next month pa dahil!

Gagawa ako ng form para sa mga gustong mapabilang sa susunod na istorya! You can actually visit the form now! Just clink the link on the external link or visit my wall and check out the of this book 2!!

I will appreciate your cooperation!!

Ynie

Death Valley [COMPLETED]  {Unedited}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon