***Candice's P.O.VHindi ko na alam ang tumatakbo sa isipan nya ngayon.
Umayos ako ng tayo at binitawan na sya habang patuloy pa din sa pag agos ng mga luha ko.
"Clarise.. ayusin mo na ang gulong ginawa mo.. wag ka ng mandamay pa ng mga inosente .." Sambit ko.
Napatingin sya sa akin. Blangko,tila may nasabi akong Mali.
"Ginawa kong gulo?" Tumawa sya ng bahagya at pinunasan ang kanyang pisngi. "Hindi ako ang gumawa,Candice.Hindi ako ang nagpatuloy ng laro nyo."
May kung anong ngiti sa kanyang labi.Nakaramdam ako ng takot. Hindi.. sya? Pero.. sino?
Pinatong nya ang mga kamay nya sa aking balikat at seryosong tinignan sa aking mga mata. "Pero sige,hihinto na ako. Hindi ko lang alam kung ganun din sila." Inalis nya na ang mga kamay sa balikat ko at nagsimulang maglakad. "May isa pa pala akong sasabihin.
Hindi ako kumibo kaya nagpatuloy syang magsalita. "Sa lahat-lahat.H'wag na h'wag mong pagkakatiwalaan ang mga salita ni Landynn. Niloko nya na ako noon-sila ni Hevenlline. Bukod sa akin at sa babaeng yon ay madami pa syang naging kasintahan." Muli kong naramdaman ang mga yabag nya patungo sa pinto. "Ngunit may isang babae syang minahal pero pinatay sya. At ng dahil sa babaeng iyon ng mawala sya,may nagtulak sa kanyang maghiganti.Natuto syang... paglaruan ang lahat."
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto habang ako ay naiwang naguguluhan.
Isang...babae?
Agad akong lumabas ng kwarto at hinanap si papa.
"Papa!"
Lumingon sya sa akin panandali at may sinabi sa kausap nya bago ito umalis.
"Ayos na ba kayo ng ate mo?" Bungad nyang tanong
Ngumiti na lang ako ng pilit. "medyo po," sabi ko.
"Oo nga pala,ipapaayos ko na ang papers mo sa paglipat ng ibang school mamaya," sabi nya
"Papa,nagbago na po ang isip ko.Hindi na ako lilipat."
Napatingin sya sa akin na may pagtataka.
"Lalabanan ko sila ng harap-harapan." Matigas kong sabi. Ito na lang ang tanging paraan...ito na lang ang magagawa ko.
Maglalakad na sana ako paalis ng hawakan ako ni papa sa braso kaya napalingon ako sa kanya.
"Anak.. Papayagan kita dyan sa Plano mo pero.. may isa sa na akong hihilingin.."
Kahit nagtatakha ako ay tinanong kong "Ano po iyon?"
"H'wag si Sunvein ang pagkakatiwalaan mo..natatakot kasi ako na baka.. baka..."
"Baka ano po?" Naguguluhan kong tanong. Baka sa pagkakataon na ito ay sabihin nya na ang rason nya kung bakit parang galit na galit sya sa mga Hankerson.
Tiningnan ako ni papa ng seryoso sa aking mg a mata na nagpakaba pa lalo sa akin.
"Si Tristan Hankerso,ang daddy ni Sunvein.. ay isa sa mga naging kaklase namin ng mama mo ngayon and even her wife."
Nanatili akong tahimik dahil gulong-gulo na ako.Hindi ba ay pinapatay na ni papa ang daddy ni Sunvein?
"Isa sya sa mga pinagkakatiwalaan ko noon,tinuring na kaibigan at kapatid." Pagpapatuloy nya. Nakita kong naikuyom nya ang kanyang palad. "Pero isa sya sa mga killer. Isa syang traydor." May galit sa to no na pagkakasabi nya non.
BINABASA MO ANG
Death Valley [COMPLETED] {Unedited}
Mistério / SuspenseIsang laro na muling binuhay ng klase, sa larong ito, hindi pwedeng takasan ang nakatakda sa iyo. Handa ka na bang... Maging isa na mapupunta sa 'Death Valley'? Thank you for the cool Book Cover @yoshiro_hoshi Written By: Ynie-mini