Çhapter 21: Betrayal

126 15 0
                                    

'Betrayals never comes from your enemies, Always remember that'

~Jack Frost

***Sunvein's P.O.V

"Alis muna ko," walang gana kong paalam ng makita ko si Dad sa sala na nakatutok sa laptop nya.Business.

Hindi ko na hinintay ang tugon nya at dumiretso na palabas.

Walang pasok,Sabado kasi kaya heto ako ngayon.Nababagot dahil walang magawa.

Napadaan ako sa mini park ng village kaya naisipan kong tumambay muna.

Naupo ako sa isang ilalim ng puno at humikab.

"Bwisit,wala na ba silang alam gawin kundi ang gaguhin ako?"

Napagilid naman ang tingin ng makarinig ako ng pamilyar na boses.

Gumapang naman ako upang sumilip sa likod ng puno kung saan nanggaling boses na yon.

Tumayo ako ng makumpirma kong tama nga ang hinala ko at hinarap sya.

"Clarise," tawag ko sa kanya kaya napatingala sya sa akin.

"S-sunvein." Napatingin naman ako sa kanang braso nya at nagulat ako ng makita itong patuloy na nagdurugo.Agad naman nya itong tinakpan gamit ang kaliwa nyang kamay.

"Anong nanyari dyan?" Tanong ko habang lumalapit sa kanya.

Mas tinago nya pa ito at yumuko "Wala ito." Mahina nyang sambit.

Iniluhod ko ang kaliwang tuhod ko at tumapat sa kanya. "Clarise," Napatingin sya sakin ng tawagin ko sya,diretso sa mata.

"Are you going to stab me back ?" Tila nasasaktan nitong sabi. Nagtataka man ay umiling na lang ako at ang mga sumunod na nanyari sinunggaban nya ako ng napakahigpit na yakap.
Hindi agad ako naka-react dahil sa ginawa nya.Masyadong mabilis.

"I love you,Sunvein. So please,don't betray me like what they'd did." Nangingiyak nitong sambit.

Nagtataka akong napahiwalay sa kanya "Anong ibig mong sabihin?"

Tinuro nya ang braso kung saan ay may malalim na hiwa "Sila ang may gawa nito. Tinraydor nila ako! Papatayin nila ako!"

"Sinong 'nila' ang tinutukoy mo?" Nagtataka ko paring tanong.

Tinignan nya ako ng malamig "Lahat sila.Kahit si Kayse,papatayin ako."

Napahilamos na lang ako sa aking mukha ang palad ko. "This can't be happening." Inis kong sambit.

"But its happening! Kailan kong gumawa ng paraan. Hindi nila ako mapapatay!" Galit nyang sigaw.

Napabuntong-hininga na lamang ako. "Hindi muna sa ngayon, You're injured.Kailangan mong magpahinga."

Sa pagkakasabi kong iyon ay napatitig sya sa akin.Isang pilyong ngiti ang kumurba sa kanyang labi.

"What if bumalik ako sa bahay? That would be exciting. I'm sure Candice will paranoid." Ngisi nya na ikinabahala ko.

***Candice P.O.V

Napatulala na lang ako sa kisame ng maalala ko ang mga sinabi pa ni papa kanina.

"Kung totoo man na nanyayari na pinapatay na nila ang mga callers sa harap nyo, isang babala na iyan.Paniguradong may malaking gulo ang manyayari."

"M-may dapat po ba akong gawin?" Kinakabahan kong tanong.

Umiling ito at pilit na ngumiti sa akin "Wala.Hangga't hindi pa dumadating sa puntong hindi pa ikaw ang target,wala kang magagawa."

"Wala na po ba talaga?" Napabuntong-hininga ako.

Nag-isip muna sandali si papa. "Ang naiisip ko lang na paraan ay patayin mo din sila. Yun lang ang bukod tangi." Sabi nito.

Patayin din sila?

Napatingin ako sa study table ko at may kinuha sa drawer.

Inangat ko ang isang baril at pinagmasdan.

Dalawang taon na rin pala ang nakalipas pagkatapos ko itong magamit.Dalawang taon na rin pala ng makapatay ako,at ang masklap ay ang kapatid ko pa.

Ibinaba ko muna ito at kinuha ang gunting na nasa isa pang drawer.

Tumingin ako sa salamin at walang pag-aalinlangan ay sinimulan ko ng gupitan ang mahaba ko ng buhok.

Kailangan ko din ito lalo na't hindi nila agad ako makikilala sa ngayon.

Matapos ang ilang minuto ay pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin.

Kahit papaano pala ay nagbago ang hitsura ko,na parang lumiit pa ang mukha ko dahil sa maikli ko ng buhok ngayon.Nakakapanibago.

Patalikod pa lang ako para lumabas sa aking silid ng marinig ko ang pagsigaw ni mama mula sa ibaba.

Agad akong kinabahan kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto ko at bumaba

Nakita kong nakatayo sa sala si mama kaya naglakad ako papunta sa kanya.

"Ma?! Anong nanyari-"

Napahinto ako dahil napansin kong nakatulala si mama na tila gulat na gulat.
Sinundan ko ang tingin nya at halos manigas na ako sa kinatatayuan ko.

"Candice,"nakangiti nyang tawag sa akin.

Dalawang taon.
Sa loob ng dalawang taon na iyon ay ito ang ikinatatakutan kong manyari.

"A-ate Clarise..."

Death Valley [COMPLETED]  {Unedited}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon