Chapter 3: Her Past

386 32 0
                                    

***Hellea's P.O.V

Nakasimangot akong naglalakad habang pinagtitinginan ako ng bawat malalampasan ko, wala naman akong paki sa kanila kaya di ko pinansin. Nakaka imbyerna lang.

Dali dali akong nagtungo sa Room 13 ng 2-A kung nasaan sya laging tumatambay kapag recess,at hindi nga ako nagkamali.

Nakaupo sya malapit sa tabi ng kapatid nya habang masayang nakikipag kuwentuhan.
Ma's lalong nagsalubong ang kilay ko sa bumungad sakin.

Pumunta ako sa pwesto nila at hinarap sya.

"Oh bakit naparito ka?"-nakangiting tanong nya.

Hindi ko sinagot ang tanong nya bagkus ay tinanong ko sya pabalik.

"Ano yung pinagkakalat mo na ako ang pumatay Kay Bianca?!!"

"Ate Hellea, anong pinagsasabi mo?"-tanong ng kapatid nya. Si Phantom

Ngumiti Si Phire at tumayo para makaharap ako sabay sabing "Bakit? Ikaw naman talaga ang pumatay Kay Bianca di'ba?!"

"Eh puta ka pala e!!"
Hinigit ko ang buhok nya pababa at nginudngod sa sahig.

"Ma's puta ka!"
Umikot sya at hinigit din ang buhok ko.
Para na tuloy kaming mga aso na tangang gumugulong sa sahig.Pero ma's tanga sya.

Hindi ako pumapatay ng walang dahilan.
"Ikaw ang pumatay sa kanya hellea! Ayaw mo lang talagang aminin!"
Ma's diniinan ko pa ang pagsasabunot sa kanya dahil sa inis.

"Hindi ko sya pinatay!!"-depensa ko.

"Yes you did! Nakita ko kayo kagabi na nagtatalo at halata naman na inaaway mo na naman sya eh! "

Hindi... Hindi ko sya pinatay.
Hindi ko sya kayang patayin ng ganun ganun lang.
Dahil ang totoo...

Matalik Kong kaibigan Si Bianca.

------

"Lea."-tawag sakin ni Bianca

Nilingon ko sya ng nakataas ang kilay

"Bakit mo ba ako tinawag? Baka may makakita satin at sabihin nilang totoo ang Bali balita na magkaibigan tayo."-inis Kong sabi at tumingala sa buwan.

Kita ko sa gilid ng Mata ko na yumuko sya.

"Bakit ba ikinakahiya mo na magkaibigan tayo?''

Ito na naman , iiyak na naman sya.

Hinarap ko sya at tinignan sa mga Mata

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi nila pwedeng malaman na magkaibigan tayo?!"-galit Kong sigaw

"P-pero---"

"Punyeta naman Bia oh! Ma's gusto Kong ako ang nananakit sayo kesa naman makita kitang ma's inaapi ka nila!"

Napatingala sya sakin, lumapit ako sa kanya at hinawa ang buhok na nakaharang sa kanyang suot na salamin.

"Lea..."

"Ma's okay sakin na palihim itong pagging magkaibigan natin, dahil kapag nalaman nila pareho na nila tayong aapihin, wala ng magtatanggol sayo at sa akin."

Bumuntong hininga ako "Wag kang mag alala, pagnalaman na nila .... Dun tayo maghihiganti."

----*
Napabitaw ako Kay phire at tuluyang naiyak.

Wala na akong pakialam kahit marami ng nanunuod sa amin.

Napaupo ako sa sahig ng bitawan din ako ni Phire.

"H-hindi.... Hindi ko magagawa iyon sa matalik Kong kaibigan."-bulong ko pero sapat na para marinig nila.

"Wala kayong alam!! Nang dahil sa inyo kaya kami ni Bianca!!,mga punyeta kayo! "-sigaw ko.

Napatingin ako sa Nasa pintuan.

Sila Lorraine at ang barkada.
Tumayo ako at tinignan silang lahat.

"Mga punyeta kayo!! Sana kayo na lang ang namatay!!"-huling sabi ko bago tuluyang lumabas ng classroom.

Bianca.....
Wag kang mag alala, maghihiganti din tayo.

*****

A/n: aww. Nakakatouch naman Si Hellea.
Okay lalu na toh.
Tungkol lang naman to sa paghihiganti. Kaya baka mga ilang chapters lang sigurp itech. Pero hindi bababa sa 20 ah! Papatagalin ko rin toh noh! (Pati ang u.d) haha joke langß.

**Ynie-mini

Death Valley [COMPLETED]  {Unedited}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon