Chapter 11: Unforgiveness

247 27 2
                                    

'Every deceased friend is a magnet drawing us into another world'
~Eliza Cook

***Candice P.O.V

Bigla akong napatid ng bato dahilan ng pagkadapa ko.Tinignan ko ang tuhod ko at may gasgas na ito pero hindi ko ininda ang sakit.

Napatingala ako sa kaniya.

"Ibalik mo na kung hindi ay papatayin kita."pagbabanta niya sa akin.

"B-bakit? Natatakot kayong malaman kung sino talaga kayo?!" Nauutal Kong sigaw. Humigpit ang pagkakahawak niya sa hawak niyang kutsilyo at iniangat na akmang ipupuwersa ito sa akin kaya napapikit ako.

Ilang Segundo na ang nakalilipas ngunit wala akong naramdaman ng kahit Anong tumama sa akin.

Minulat ko ang mata ko at laking gulat ko na lang na nasa harapan ko si Sunvein habang namimilipit sa sakit dahil sa kutsilyong nakabaon sa kaniyang balikat.

Hinugot niya ito at mabilis na umalis pero bago pa man siya tuluyang umalis ay may sinigaw siya.

"Babalikan kita! At sa pagbalik ko ay susuwayin ko na ang Plano nila at papatayin kita!"

Nanginig ang buong katawan ko.
Napayakap naman sa akin si Sunvein dahilan ng pagkagulat ko.

"A-ang sabi ko s-sayo. Hwag k-kang aalis ng w-wala ako." Nauutal niyang sabi sa akin.

"S-sinundan mo ba ako?" Tanong ko

Ngumiti lang siya sa akin at akmang tatayo ngunit muli siyang napasubsob sa akin at napangiyiw sa sakit.
Inalalayan ko naman siyang tumayo.

"T-teka,maghahanap lang ako ng tulong."sabi ko at nilibot ang tingin sa paligid ngunit nabigo ako ng walang masilayan na kahit sino.

"A-ayos lang ako. "

"Sumama ka muna sa akin sa bahay, gagamutin ko ang sugat mo."

"Hindi na. Uuwi na lang ako" sabi niya at akmang  hahakbang paalis pero hinigit ko siya sa kamay.

"Tinulungan mo ako kaya Sana hayaan mo akong tulungan din kita."

Aangal pa Sana siya pero pinilit Kong ng alalayan siyang maglakad hanggang sa makarating kami sa bahay ko.

Nagdoorbell ako at binuksan naman ito ni mama.

"Oh? Anong nanyari sa inyo?" Nag aalala niyang tanong habang nakatingin sa balikat ni Sunvein.

Pumasok kami sa loob at pinaupo si sunvein sa sofa.

Kumuha naman ako ng first aid kit habang si mama naman ay naghahanda ng hapunan.

Pagkarating ko sa sala ay naabutan ko siyang may kausap sa phone niya.

Lumapit ako kaya napatingin siya sa akin.

"Oo , sige pupunta na ako." Naabutan Kong sabi niya at binabaan ito tumingala siya sa akin "Candice pasensiya na pero kailangan ko ng umalis."

"Pero paano yang sugat mo?" Nag aalala Kong tanong.

"Hwag kang mag alala, malayo naman sa bituka ito." Sabi niya at nagawa pa niyang ngumiti.

Tumayo siya at sinuot  ang jacket niya binigay ko.

"Sige, mag ingat ka." Sabi ko at ngumiti.

Ngiti din ang kaniyang naging tugon at lumabas.

Nakatingin lang ako sa pinto at napatingin sa hawak Kong first aid.

Death Valley [COMPLETED]  {Unedited}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon