***Sunvein's PoV
Naglakad-lakad ako habang pinagmamasdan ang mga katawan ng mga kaklase ko na nasa room. Ang room kung saan natagpuan ko ang mga peke kong kaibigan,sakim,at makasarili. Isa na ako sa mga taong ito.
Bakit ko nga ba ginawa ito?
Napahinto ako sa pugot na ulo ng nag-iisa kong pinagkakatiwalaan.
Clarisse...
Napangisi ako ng wala sa oras at kinuha ang kutsilyong nasa tabi nito at binaon sa kanyang noo. "Hayop kang babae ka.Traydor.Kulang pa yang ginawa nila sayo.Mas masaya siguro kung sa sarili kong kamay ka namatay.Hindi sa kanila because they don't deserve it." Nakapamulsa akong umalis sa silid na iyon at dahan-dahang sinarado ang pintuan.
Isang tawag ang natanggap ko kaya agad ko itong sinagot.[Tapos na ba?] Bungad niyang tanong.
"Oo.Pero sila ang pumatay sa lahat.Hindi ko naman inaasahan na iibahin mo ang plano mo." Sagot ko.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa na nagpataas ng buhok sa batok ko. Mas nakakatakot ang isang to. [I just want to ruin Mr Barrison plan. Did i succeed?]
Luminga-linga ako at sinuot ang sumbrero pati na rin ang hoodie ko.Nagsimula na akong maglakad paalis. "Baka ipapatay ka nya.Alam mo namang marami ring syang koneksyon." Paalala ko.
Natawa na naman sya na para bang may mali sa sinabi ko. [You fool! You know that i have more connection than him! And even if he consider me as an enemy, I'll surely accept that if he want another game between us!] Naggagalak niyang sambit na nagpakabog ng dibdib ko. Nahihibang na talaga ang isang to.
"Miss-"
[-Oops! H'wag na h'wag mong subukang banggitin ang pangalan ko hangga't nariyan ka pa sa teritoryo niya.] Pagputol nya sa sasabihin ko. Nagpakawala ako ng malalim na hininga.
"You know where Lorraine is?"
[Yeah.Nasa bahay sya nila Landynn.Still in comatose but there are possibility na magigising agad sya. Don't worry,i send her a special doctor, a friend of mine. Magpaka layo-layo kayo at bibigyan ko kayo ng isang buwan para makapagtago kung ayaw nyong mahanap ko kayo at patayin.]
Tumango ako kahit hindi nya nakikita. "Sige. Ibababa ko na ito." Paalam ko sa kanya at umalis na sa akademyang iyon bago pa man may makakita sa akin.
Bakit ko to ginagawa?
Dahil utos niya.
Siya ang sinasamba ko at alam kong siya lang din ang makakalutas ng problema ng eskwelahang iyon. Napakadaming sikreto ng eskwelahang iyon. Ako mismo ang natatakot kung ano ang manyayari kapag nabunyag ang lahat ng iyon. Sabagay,labas na ako dun dahil tapos na ang akin.Napangisi na lang ako at dumiretso sa parking lot ng may isang babaeng lumapit sa akin.
Ibinaba ko ang sumbrerong suot ko. Mukha syang freshmen dahil napaka-inosente ng mga mata nito at bukod doon ay parang naliligaw sya.
"Kuya," Tumaas ang balahibo ko ng tawagin nya ako. Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan.Ano to? "Nalaglag mo po." Sabi niya at may inabot sa aking larawan.
Tinignan ko muna ito bago mabilis na hinablot sa kanya. "S-salamat." Nagmamadaling sabi ko at sumakay sa motor na dala ko.
Nagtungo ako sa bahay ni Landynn kung nasan si Lorraine.Umakyat ako patungo sa pangalawang palapag at naglakad papunta sa kuwarto ni Landynn. Mabuti na lang ay nakapunta na ako rito sapat na para malaman ko kung saan ang silid nya.
Pagkapasok ko sa kwarto ay bumungad sa akin ang walang malay na si Lorraine na nakahiga sa kama at may kung anu-anong nakakabit sa kanyang katawan.Naglakad ako palapit sa kanya at naupo sa gilid nito.Pinagmasdan ko sya ng mabuti at hinawakan ang kaliwang kamay nya. "Lorraine.."
"Siguro,kapag nagising ka at nalaman mo ang lahat,paniguradong tatadyakan mo ko sa parteng pinakamaselan na katawan ko." Napangiti ako.Knowing that I'm talking to her even if she's unconscious. "Wake up,princess.Magagalit si Mr.Barrison,your dad kapag di ka pa gumising dyan."
Isang luha ang tumulo sa gilid ng aking mata. I didn't know si Mr.Barrison pa ang magiging tunay niyang ama.He doesn't deserve her anyway! Kaya mas mabuti pang ako na mismo ang maglalayo kay Lorraine mula sa isang halimaw na iyon.Hindi ako makakapayag na mapunta sa kamay niya ang babaeng walang alam sa pinagagawa niya.
Kinuha ko ang larawan mula sa bulsa ko at pinagmasdan iyon.
This is the class picture of 4-D
Hindi ko maisip na mawawala ang lahat ng pinagsamahan ng bawat isa ng dahil sa kani-kanilang sikreto na pinakaiingatan nila. Ng dahil sa sikretong iyon ay handa nilang ibuwis ang kanilang buhay. Ang sikretong makakapagbago sa kanila.
Napatingin ako kay Lorraine ng maramdaman ko ang paggalaw ng hinututuro nito. "Lorraine?"
Halos manlaki ang mga mata ko ng dahan-dahan niyang minulat ang kaniyang mga mata. "Jesus! Lorraine!" Hindi ko mapigilang mapangiti. Knowing that she's awake now. Tumingin sya sa akin kaya mabilis akong lumapit pa sa kanya. "Are you thirst? Do you want water or something? Tell me." Tanong ko kaagad ng hindi sya kumibo at nakatingin lang sakin.
But she just stared.Para bang sinusuri nya ako. "Lorraine?" Pagtawag ko muli sa kanya.
Nilibot nya ang kanyang tingin sa paligid. "Nasan ako?" Maya-maya'y tanong nya at dahan-dahang binalik ang tingin sa akin.
"Who are you?"
***
BINABASA MO ANG
Death Valley [COMPLETED] {Unedited}
Mystery / ThrillerIsang laro na muling binuhay ng klase, sa larong ito, hindi pwedeng takasan ang nakatakda sa iyo. Handa ka na bang... Maging isa na mapupunta sa 'Death Valley'? Thank you for the cool Book Cover @yoshiro_hoshi Written By: Ynie-mini