***Sunvein's P.O.V
Napatingin ako sa wrist watch ko.
Sakto lang pala ang dating ko.
Napaayos ako ng tindig ng makita ko si Hether.Napatingin naman siya sa gawi ko at lumapit sakin."Bakit di ka pa pumapasok? Anong tema mo? Tutunganga lang Jan sa gate?" Sarkastiko niyang sabi.
Tumawa ako at umiling " May hinihintay pa kasi ako."
"Ah sige, Una na ko."
"Teka, nasaan ang kapatid mo?" Tanong ko napahinto siya at halatang nagulat. May Mali ba sa tinanong ko?
Ngumiti siya.
Kakaiba.Kakaiba ang mga ngiti na yon na parang may gusto siyang iparating." Kasama si Lorraine." Pag katapos non ay umalis na siya.
Makalipas ang ilang minuto , isang oras. Wala pa din siya.
Kinuha ko ang phone ko ng magvibrate ito.
'Mauna ka na, matatagalan pa ako dito'
Baliw talaga ang isang yon.
Pumasok na ako at naglakad papunta sa room ng makita ko si Aiselle na nasa sahig at walang Malay.Nalipat ang tingin ko sa taong nakatayo sa harap niya. May hawak hawak siyang baseball bat.
"Aiselle!" Sigaw ni Ma'am Sandy habang tumatakbo palapit Kay Ais.
Nanlaki ang Mata ko ng ilabas pa niya ang isang patalim sa kaniyang likod.
"Ma'am !" Sigaw ko rin at tumakbo palapit sa kanila, napalingon siya sa gawi ko at mabilis na tumakbo.
Hahabulin ko pa Sana siya ng makita ko ang kalagayan ni aiselle.
"Aiselle!" Sigaw niya habang umiiyak ng makalapit siya dito.Tumingala siya sa akin "Sunvein, we have to go in the hospital!"
Agad Kong binuhat si Aiselle.
"May kotse po ba kayo?"tanong ko Kay ma'am
"N-nasa parking lot." Natataranta niyang sagot.
Dali dali kaming nagpunta sa parking lot at hiniga sa likod .
Ako na ang nag drive habang so ma'am naman at binabantayan si Aiselle.
Hindi ko maiwasang magtaka sa ikinikilos niya, naiintindihan ko naman na kahit sino na magparanoid kapag ganiyan ang mangyayari sa estudyante eh, pero sa ikinikilos niya. May ibigsabihin na yan.
---------
"She's okay. Nawalan lang siya ng Malay dahil sa lakas ng pagkakahampas sa ulo but do not worry, mamaya ay magigising na siya."Nagpasalamat kami sa doctor at napatingin sa nakahigang si Aiselle.
Tumingin sa akin si Ma'am " You can go back na, salamat sa tulong Sunvein."
"How about you?"
"I'll call her parents and I'm going to talk with them in this issue. Sige na, baka malate ka pa." Sabi niya pa at ngumiti ng malungkot.
Nagpaalam na ako at bumalik sa campus .
"Oh? San ka galing?" Napalingon ako sa kanan ko at nakita si Landynn.
"Uhh wala lang." Sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad pero n akasunod siya sa akin.
"Tss.Kilala na kita Sunvein, alam ko kung may isinisekreto ka."
BINABASA MO ANG
Death Valley [COMPLETED] {Unedited}
Mystery / ThrillerIsang laro na muling binuhay ng klase, sa larong ito, hindi pwedeng takasan ang nakatakda sa iyo. Handa ka na bang... Maging isa na mapupunta sa 'Death Valley'? Thank you for the cool Book Cover @yoshiro_hoshi Written By: Ynie-mini