Chapter 10: The New Murderer

279 26 4
                                    

'Shun Death is my advice'
~Robert Browning

***Candice P.O.V
Dismissal na at inaayos ko na ang gamit ko sa bag at tumayo.

Iilan na lang kaming nandito sa room dahil ang iba ay nauna ng umuwi.

Napabuntong hininga ako ng malalim at napapikit.

Hindi ko maalis sa isipan ko ang naranasan ni Hevenlline.
Namatay siya mismo sa harap namin.

Ni-hindi ko na nga natatandaan kung papaano kami nakatakas ni Sunvein mula sa puder nila. Nanyari na ang gusto ko.
Nakita ko na sila, at ang masasabi ko lang ay ma's nakakatakot pa pala sila sa inaasahan ko.

Hindi ko mawari kung and bang atraso ng klase namin sa kanila pero ang isa pang bumabagabag sa isipan ko.

Isa sila sa mga kaklase namin.

Base sa tumawag kanina.Ang pagkakasabi niya ay tatlo ang kasabwat niya mula sa klase namin ngunit ang ipinagtataka ko lang ay bakit niya pinaalam sa amin na nandito ang iba pang killer ? Ano na namang balak nila ?

Napamulat ako at nagulat ng bumungad sa akin ang mukha ni Landynn.

"Naguguluhan ka na rin ba?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?"

"Ano ka ba! Dapat nga ako ang magtatanong nyan sayo eh! Kung ayos na ba ang pakiramdam mo." Sabi Ko at napayuko.

Hindi ko kayang sabihin na nasaksihan ko iyon.Na wala man lang akong nagawa para tulungan ang nobya niya.

"Ayos lang ako. " tumingala ako sa kanya at siya naman ay ngumiti.

"Sabay na tayong umuwi ha?"
Tumango lamang ako bilang tugon.

Habang naglalakad kami ay di ko maiwasang mapatingin sa kaniya at mag alala.

"Wag mo akong titigan ng ganyan."
Bigla naman akong namula sa kahihiyan at napayuko.

"Nag aalala lang kasi ako sayo." Nahihiya Kong sabi.

Huminto siya kaya napalingon ako .

"Sabi ko nga sayo wag kang mag alala.Okay lang ako."ngumiti siya at hinawakan ako sa kamay.
Bigla naman akong nailang kaya tinabig ko ito.

"S-sige. Dito na lang ako." Sabi ko

"Nag iba na pala kayo ng bahay." Tumingin siya sa akin at muling ngumiti. "Sige,mag ingat ka bestpren." Winagayway niya ang kaniyang kaliwang kamay at nagsimulang maglakad.

Tumalikod na ako at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa village.

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang mag alala rin sa pamilya ko.

'Subukan nyong magsumbong at pati ang pamilya niyo ay idadamay ko.'

Ayoko. Hindi ako makakapayag na manyari yon.

Napatingala ako sa langit.
Medyo may kadiliman na at ako lang ang naglalakad sa mga oras na ito.

Napahinto ako ng makaramdam ako ng presensya kung saan.

Ginilid ko ang mata ko at ma's binilisan ang paglalakad.
Nang makaramdam na naman ako ay tumakbo na ako at ganon din ang ginawa niya.
Nilingon ko siya habang patuloy pa rin sa pagtakbo at nakita ko ang isa sa kanila.

Death Valley [COMPLETED]  {Unedited}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon