Chapter 20: Wrong Move

133 16 0
                                    

'No one can't make right the wrong, just move forward to finally meet the death'

~William Barc

***Murderer's P.O.V

Nagpaikot-ikot ako sa swivel chair hanggang sa mapagod ako at muling humarap sa mga nakadikit na litrato sa pader.

Class 4-D

Ang mamalas ng mga nilalang na ito at nadamay pa sila sa plano ko,pero ano pa bang magagawa ko? Mas nasasabik akong pagmasdan silang lahat na unti-unting namamatay.Nakakapanabik.

Nakatuon ang tingin ko ngayon sa isang larawan,isang babae na mahaba ang buhok.Mala-anghel siya kung ngumiti, pero mala-demonyo ang tunay nyang ugali.

Tumayo ako at naglakad patungo sa bahaging yon.

"Candice Garcia..." Hinaplos ko ito at ngumisi "Malapit na.. malapit na tayong magkaharap,malapit na ... Kapatid ko."

***Candice P.O.V

Naglalakad na ako pauwi ng bahay,tirik pa ang araw at may mga tao naman kaya hindi ako nababahala sa manyayari,sisigaw ako kung kinakailangan.

Pagkarating ko sa bahay ay tinanggal ko na ang hood na suot ko at binigay sa aming katulong.

Narinig ko ang boses ni Mama sa kusina ng tawagin nya si Manang.

Naglakad naman ako patungo don at naabutan syang nagluluto ng tanghalian.

"Ma," tawag ko.

"Oh bakit Candice? May kailangan ka ba?" Tanong nya na di lumilingon sa akin.

Napayuko at tinawag sya muli.

"May ginagagawa ako Candice! Pwede bang wag ka munang magulo?!" Nabigla ako sa tono ng pananalita nya.

Napakagat na lamang ako sa ibaba kong labi at dahan-dahang tumalikod.

Naabutan ko naman sa salas si papa na nanonood sa t.v kaya lumapit agad ako sa kanya.

"Pa," tawag ko kaya napalingon sya sa akin.

"Bakit anak?" Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala kaya hinatak agad nya ako paupo sa tabi nya.

"May problema ba?" Tanong nya muli

Napayuko ako ng kaunti at tumango.

"Gusto ko na pong lumipat ng school." Sa pagkakasabi kong yon ay nagulat sya.

"Bakit naman? May nambubully ba sayo?"

Umiling ako kahit ang totoo ay oo,pero hindi yon ang tunay na dahilan. Gusto kong magsimula muli,gusto kong umalis na sa eskwelahan na iyon dahil madadamay ang pamilya ko, kaya mas mabuti ng agahan ko na pagtakas bago pa man nila matapos ang sinasabi nilang laro.

At yung phone,nakilala ko na sila.Lahat sila. May isang folder don na naglalaman ng dokumentaryo tungkol at sino ba sila.Wala rin akong ideya kung bakit pa nila kailangang gumawa ng isang katangahan para mas mapabilis ang pagkakakilala sa mga killer. At kahit si Kayse din pala ay kasapi sa grupo nila. Sabi na, wag agad akong magtitiwala.

May ilang videos din doon at pictures.

At kaya dahil kumikilos na ako ngayon.. .

Dahil puro tungkol lahat sa akin.

May kuha din akong video don ,yung mga oras na hinahabol ako ni Kayse na nakasuot ng puting jacket habang may hawak na patalim. Ang iba naman ay kuha na sa school o kahit sa paglalakad ko pauwi sa bahay na mas ikinalabot ko.Kaya mas kailangan ko ng magmadali,mas mabuti ng sigurado.
Mas mabuti na ligtas ako.

"Pero Candice, third semester nyo na. Mahirap ng lumipat ng paaralan ngayon." Pagtanggi ni papa.

Hinawakan ko ang kamay nya at diretsong tinignan sa mata "Gusto ko pa pong mabuhay,papa. Ayaw ko pang mamatay kaya please,Lilipat ako.Kahit sa A.S.A lang." Naluluha ko ng sambit at muling yumuko.

"Pero...hindi basta-basta ang paglipat mo sa paaralang iyon.Magkalaban ang eskwelahang iyon kaya paniguradong hindi ka nila tatanggapin." Napaangat ang ulo ko sa sinabi ni papa at nagtataka syang tinignan. Napabuntong-hininga sya at umayos ng upo."Masyadong perpekto ang A.S.A,mahigpit din sila sa mga estudyanteng may balak na mag-aral don.Lalo na sa mga taga Valley University ang pag-uusapan."

"Bakit naman po?"

Tinanggal nya ang kamay ko at tumulala sa sahig.

"Marami kasing kuro-kuro tungkol sa paaralan nyo,maraming kababalaghan daw ang nanyayari sa loob nyan at ang totoo nyan..."

Tumingin muli sya sa akin na para bang humihingi ng tawad. "Gusto kong malaman kung ano na nga ba ang nanyayari sa loob don,kaya dun kita pinasok. "

Napatigil ako.

Ibig sabihin ay ...

"Nag-aral din kami ng mama mo sa eskwelahang iyon,parehas kaming class 4-D. At kami lang ang nakaligtas."

Bakas sa aking mukha ang pagkagulat.

"Akala kasi namin, ayos na ang lahat.Namatay ang lahat ng kaklase namin noon dahil sa amin.Pinatay namin silang lahat." Sambit nya sa mababang tono na para bang nasasaktan din sya sa mga sonasabi nya at pinagsisihan ito.

"I-isa rin po ba kayo sa mga killer?" Nauutal kong tanong. Yun kasi agad ang pumasok sa isipan ko na kinakailangan kong mlaman.Kung naging masama ba sya o mabait.

Umiling-iling sya "Dati.Kung ano ang pwesto mo ngayon ay ganoon din ako, isa ako sa mga nagsisilbing 'last caller' nila."

"L-last caller?" Naguguluhan kong tanong.

Tumango sya at ngumiti "Ang ibigsabihin non ay ihuhuli ka nila. At sa puntong kayo -kayo na lang,dun na magkakaalaman kung sino ang mananalo sa laro,kung ang Royals o Geeks. " sabi ni papa.

"A-ano po bang larong iyon? Madalas po kasi..." Napatikom agad ako ng bibig. Kung sasabihin ko Kay papa,baka mangialam uli sya.Ayaw kong may mapahamak.pero...siguro naman may malalaman ako tungkol sa kung paano sila patitigilin. Nagpqkawala ako ng malalim na hininga bago magsalita. "Naririnig ko po iyon sa room.Na may nagaganap daw na laro."


Biglang nanlaki ang mata nya at hinawakan akonsa aking magkabilang braso habang diretso na nakatingin sa akin.

"Hwag mong sabihin sa akin na harap-harapan na mismo nila pinapatay ang kaklase nyo sa inyo?" Kinakabahan niyang tanong.

Nanigas ako sa mga oras na yon.
Dahil naalala ko ang pagpatay nila Kay Hevenlline.



-----------------------------------------------------------+------------------------------

10 Chapters to  go!

***Ym

Death Valley [COMPLETED]  {Unedited}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon