Chapter 17: Relatives

168 20 8
                                    

'White lies would be like hell, A Lies with them'

~String Fired

***Hether's P.O.V

Napataas ako ng kilay at nagtatakang sinulyap si Candice.

Halata na natatakot at nanginginig siya habang nakatingin sa hawak kong recorder.

Tch, sabi na, may alam ang isang to.

****

"Walang may magsasabi kahit kanino tungkol sa bangkay ni Phire," anunsyo ni Landynn.

Nasa loob na muli kami ng aming klase habang tahimik na nakapabilog ang lahat sa bangkay ni Phire na nasa gitna.

"Pero papaano yang bangkay na yan!" Tanong ng isa.

Tumingin ako sa kaniya at hinintay siyang sumagot.

"Lahat ng lalake mamaya, samahan niyo ako sa malapit na gubat dito. Dun natin sya ililibing." Sagot niya.

Natawa naman ako ng patago,
Ang sama rin pala ng isang to,

"P-pero...kailangan na nating sabihin sa teachers at sa office! Sa mga pulis! Matutulungan nila tayo!" Sigaw nung baguhan,sya ata si Kayse.

Napatingin naman sa kanya si Landynn at hinawakan sa kanyang braso ng mahigpit. "Tanga ka ba?! Wala rin silang maitutulong! Kahit magtago tayo sa puder nila magagawa pa rin nila tayong patayin!"

"Mas mabuti kung susubukan natin!" Depensa pa nya. Ayaw rin pala netong paawat.

"Subukan na ano?! Mas mapadali ang pagpatay nila sa atin?!" Sabi naman ni Landynn.

Pumagitna na ako bago pa lumaki ang gulo.

"Tumigil na nga kayo! Sige,matutuloy ang paglibing kay Phire mamaya! At ikaw," humarap ako sa babae at pumameywang "Bago ka lang dito, wala kang karapatan na makialam dahil wala ka pang nalalaman!" Singhal ko sa kanya.

Napatikom naman sya ng bibig at umiwas ng tingin.
Napairap na lang ako at naglakad papalapit sa bangkay ni Phire.

Buti naman at napatay na ang babaeng ito, matagal na akong nagtitimpi na ibitin sya patiwarik kaya kahit labag sa aking kalooban, mukhang pabor sa akin ang ginawa nila.

"Hether," napatingin naman ako sa kanan ko ng may tumawag sa akin.

Si Xea lang pala,

Lumapit naman sya sa akin at hinila ako palabas ng classroom.

"Anong problema mo?!" Galit kong tanong.

"Pwede ba! Hinaan mo yang boses mo!" Sita nya na pabulong at tumingin sa paligid.

Tumingin uli sya sa akin at napabuntong hininga.

"Sabihin mo nga sa akin Yuno,ikaw ba ang pumatay kay Phire?" Pabulong nyang tanong.

Oh,tungkol pala don? Napangisi naman ako.

"Yukki,hwag ka ngang ganyan. If I know papatayin mo din naman sya." Nakangiti kong sabi.

Napakunot naman ang noo nya kaya natawa ako "Alam kong papatayin mo sya sa galit dahil muntik na nyang mapatay si Lorraine diba? At syempre, as your sister, tinulungan na kita."

Death Valley [COMPLETED]  {Unedited}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon