Chapter 7: The Antagonists

306 26 4
                                    

'The day of my birth, my death began its walk.

It is walking toward me, without hurrying'

~Jean Cocteau

***Hevenlline's P.O.V

''Babe!" Tawag ko Kay Landynn at umupo sa tabi nya.

"Bakit?nagugutom ka na ba? Tara baba tayo!" sabi nya at akmang tatayo ngunit pinigilan ko siya.

"Kumain na kaya tayo kanina." Sabi ko

"Ha?"

"May topak ka? Kasabay pa nga natin sina Sunvein at Lorraine di'ba?" Sabi ko.

"A-ah ganun ba?'' napakamot siya sa kanyang batok at muling naupo

Niyakap ko siya bigla
"Landynn...wag mo akong iiwan ha?" Bulong ko "Baka makapatay ako ng tao kapag nawala sa akin"

Ayokong may aagaw sa kanya. Sa akin lang siya! At sakaling may magtaka ay papaslangin ko ang taong gagawa non!

Hindi ako makakapayag!

"A-ano bang pinagsasabi Hevenlline?" Napapikit ako ng marinig ko ang boses niya.
Ang sarap sa tenga pakinggan... Para itong isang musika na masarap ulit ulutin

Dinilat ko muli ang aking Mata at tinignan ang babaeng iyon.

Napatingin naman siya sa akin kaya ngumiti ako at ganun din siya saka muling ibinalik ang pansin sa kanyang ginagawa.

Lalo na itong babaeng to.
Halata naman sa kanya na may gusto sya Kay Landynn eh.
Sa mga malalagkit niyang tingin at mahahalata mo agad.

Napakuyom ako ng palad dahil sa inis.

Kumawala ako sa pagkakayakap ko sa kanya at ngumiti.

"Powder room lang ako babe ah?" Paalam ko

Tumango naman siya kaya lumabas na ako ng room.

Naglalakad pa lang ako sa corridor ng masalubong ko si Ma'am Sandy

Sinalubong naman niya ako ng ngiti "Oh? Ms Rodriguez, wala ba kayong klase ngayon at gumagala ka?"

Ngumiti lang ako na parang nang-iinis at nilampasan siya.

Tumawa siya ng mahina sapat na para maasar ako.Huminto ako pero nanatili akong nakatalikod sa kaniya.

"Death Valley, right?" Sabi niya at tuluyang umalis.

Napakuyom ako ng palad dahil sa galit.

So, alam na niya pala ang tungkol don?

Mukhang mahihirapan ako sa isang iyon.

~~~~~~~~
***Aiselle's P.O.V

Naglalakad ako sa corridor ng makita ko si Hevenlline at Ma'am Sandy.

Oh? Kelan pa naging close ang makaribal na ito?

Napakunot noo ako ng makitang tumawa si Ma'am Sandy habang si Hevenlline naman ay halatang naiinis na.

Dahil hindi ko rin naman naririnig ang pinag uusapan nila ay napagdesisyunan Kong umalis na lang at nagtungo sa cafeteria.

Death Valley [COMPLETED]  {Unedited}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon